ANDREI'S POV Pumunta kami sa kusina para kumain ng dinner.Pagkatapos naming magdinner ay nagtimpla ako ng kape naming dalawa at dinala sa terrace. Napansin kong parang malalim ang kanyang iniisip at patingin-tingin sa akin. "May gusto ka bang sabihin?." tanong ko dito na na hindi na nakapagpigil pa. "Wala naman.Bakit?" Tinitigan ko sya. Halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Para kasing ang lungkot mo.May problema kaba." Naalala ko na ang alam pala nito ay may sakit na malubha ang kanyang mommy kaya parang nalungkot ako para sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hinagod-hagod ko ang kanyang buhok. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magiging maayos ang lahat dahil wala namang sakit si tita. Pero nagpigil ako. Sa halip sinabi ko ang nararamdaman kong pagmamahal para dito. "

