ALTHEA'S POV WARNING‼️ SPG‼️‼️ Nakarating na nga kami ni Andrei sa unit ko.Mabuti na lamang at mayroon pa akong isa pang kwartong bakante. Isa itong two-bedrooms unit na may modern features.Magkanugnog ang kitchen at living room. "Ito ang magiging kwarto mo." Ipinakita ko sa kanya ang isang kwarto na katabi ng kwarto ko. Ipinasok na nito ang kanyang mga gamit. Inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng kwarto. "Pasensya na hindi ko kasi inaasahan na may mag-iistay dito kasama ko kaya hindi na ako nakapaglinis." saad ko dito. Buti nalang pala at hindi ko masyadong ginagamit ang kwartong ito kaya hindi gusot ang kama.Pinaglalagyan ko lang ito ng mga gamit at ito minsan ang ginagawa kong office kapag kailangan kong iuwi ang mga trabaho ko. "Katukin mo lang ako sa kabilang kwarto kapag

