Mabuti na lang at hindi na nakadagan si Darry sa akin kaya malaya akong nakabangon. Napatingin ako sa side clock na nasa bedside table niya and saw that it's four forty-eight am. Punyemas, madaling araw pa lang. Dahil sa dim light, napagmasdan ko ang sarili ko. Tama nga ang hinala ko. Malaking t-shirt nga ang suot ko at hindi akin 'yon. Wala rin akong bra pero may suot akong panty pero wala akong short. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Nasa master's bedroom kami ngayon pero hindi 'yon ang inaalala ko kundi ang mga damit na nagkalat sa sahig and one of them are mine!!!! The one I wore last night! s**t! I knew it! Kung kanina pakabog-kabog lang sa dibdib ang nararamdaman ko, this time, hardcore na kinakabahan na talaga ako. Nanginginig na ang kamay ko at hindi ko na a

