I am torn. Torn between mourning my feelings and be happy of what it turned out. Gusto kong umiyak, noong isang araw pa 'to, e. Gustong-gusto ko kaso ni-isang patak ay hindi man lang lumabas, ni-isang nagbabadyang luha ay hindi man lang nagparamdam sa gilid ng aking mga mata.
Lumagok ako sa Heineken na hawak habang nakatitig sa lamesa naming maraming iba't-ibang klaseng pagkain na ngayo'y ubos na.
Nakatulala ako matapos kong ikuwento sa mga friends ko ang lahat ng nangyari. Magmula noong ipinagkasundo kami ni Sonny, nagsimula akong maghinala, noong nalaman ko ang totoo, 'yong nangyari sa engagement party, hanggang sa nangyari kanina sa study room. Naging tahimik sila at ako naman ay natulala lang. Hindi ko alam kung bakit hindi sila agad nagpa-ulan ng tanong. Tahimik lang sila at maya't-maya ang tikhim, paggalaw sa upuan, at kung anu-ano pang movements pero ang magsalita ay wala yata sa vocabulary nila ngayon.
Naka-on call si Nicole at Maj para isang bagsakan na lang ng kuwento. Sakto rin namang walang trabaho si Nicole kasi day-off at si Maj naman ay, siyempre, gabi na, wala ng trabaho. Alam n'yo na kung sino ang mga inimbita ko ngayong gabi. Kami na lang ang natitira rito sa bahay dahil kanina pang umuwi ang lahat ng relatives ko pati ang mga Lizares. Kaya kami naiwan para may umubos ng mga pagkain. Charot.
Isang matinding tikhim ang ginawa ni Vad dahilan para mapalagok ulit ako sa alak na hawak.
"Wow..." Automatic akong napatingin kay Lorene nang siya ang unang nagbasag ng katahimikan. Para naman siyang nataranta nang makitang nakatingin na ako sa kaniya. "I mean... I'm speechless. Ano ba dapat ang sasabihin?" Dagdag na sabi niya kaya umismid na lang ako at ipinagpatuloy ang pagtitig sa lamesa.
Naku, kung may pakiramdam lang talaga ang mga lamesa sa araw na ito, baka matagal nang na-fall sa akin ito, e. Ikaw ba naman titigan nang malagkit.
Tanga, MJ! Nagawa mo pa talagang magbiro.
"MJ, kung sana sinabi mo sa amin nang mas maaga, baka may chance na ma-warning-an ka namin."
"Gaga ka, twin? Si Vad nga na naunang nakaalam, hindi nga na-warning-an, e, tayo pa kaya?"
Napa-iling na lang ako sa sagutan ng kambal.
"W-in-arning-an ko na kasi 'yan, hindi nga lang naniwala," ani Vad.
"Teka... 'di ba nagku-kuwento naman ako tungkol sa mga Lizares? Hindi mo ba pinaniwalaan 'yon?"
Napatingin kaming lahat kay Nicole sa isang iPad ko nang marinig namin siyang nagsalita. Sa Macbook naman si Maj at pareho silang nakikinig sa aming lahat na nandito sa bahay.
Umiling ako bilang sagot sa sinabi niya.
"Ito ring 'yong napag-usapan natin no'ng nandito ka sa Manila, 'di ba? Naghihinala ka na pala no'n, bakit pinagpatuloy mo pa rin ang engagement?"
Inilapag ko sa lamesa ang walang lamang boteng hawak ko at nilaro ang lips ko habang nakatingin kay Maj.
"Yeah... kasisimula ko pa lang sa paghihinala no'n, naubusan ako ng time kaya hindi ko na napigilan," cool kong sabi.
Natahimik ulit ang lahat.
"Alam kong imposible itong tanong ko, MJ, ha, pero... nasaktan ka ba?"
Natigil ako sa paglalaro sa labi ko dahil sa tanong ni Ressie. Para itong trigger, trigger para mapuwing ako at tumulo ang luhang kagabi ko pa iniipon.
"H-Hindi... H-Hindi ako na-nasaktan."
Punyemas.
Mas lalo akong naiyak dahil sa boses kong nanginginig na. Diniinan ko ang pagkakahawak sa labi ko hanggang sa hindi ko na nakayanan ang kahihiyan at yumuko na lang.
Punyemas. Nakakahiya nga.
Tuloy-tuloy ang paghikbi ko na para akong mauubusan ng hininga.
"Oh, my God!"
"MJ!"
"E, bakit ka umiiyak?"
Sunod-sunod na boses ang narinig ko at sunod-sunod na kamay din ang humaplos sa likuran ko. Meron ding may yumakap sa akin kaya mas lalo akong naiyak.
"M-Muntikan na akong mahulog. Muntikan na akong mahulog kay Sonny."
'Yon lang ang paulit-ulit kong sinabi hanggang sa kumalma ako at maging okay ang lahat.
Awkward. Hindi pa naman ako sanay na umiiyak sa harapan nila.
Dumaan ang mga araw na nagiging routine ang ginagawa ko. Gigising nang maaga para mag-jogging sa paligid ng lupain, mag-aalmusal kasama ang mga pamangkin, minsan makikipaglaro sa kanila, minsan nag-aadvance reading for the upcoming review ng board exam, and minsan idle... nganga, walang ginagawa.
Abala sina Mama at Papa sa preparasyon ng kasal. Sila lahat ang nag-aasikaso sa mga papeles and other stuffs na kakailanganin kaya nasa Manila sila ngayon. Sina Ate, Kuya, at 'yong bayaw ko naman ay nangangalaga sa planta namin sa Don Salvador. Gusto ko sanang tumulong pansamantala pero pinilit nila akong magpahinga muna kasi 'pag nagsimula na raw ang review ko for the boards, baka wala na akong oras na magpahinga.
Ganoon ang drama ko sa unang linggo matapos kong makapagtapos ng college. Sa sumunod na linggo, exactly one week before the wedding, nagparamdam si Darry through text.
Psh. Akala ko nakalimutan na ako.
Darry:
Where are you?
Matagal kong tinitigan ang text niya. Mga isang oras na titig lang naman.
Seryoso, isang oras kong tinitigan ang text niya. Hindi ko kasi alam kung anong iri-reply ko. Simpleng tanong lang naman pero tumakas yata ang katinuan ko sa utak.
I sighed heavily and pick up the phone to type something.
Ako:
Hmmm, nasa house, bakit?
Ay, sandali! Delete! Delete! Delete! Mali!
Ako:
House, why?
Ayan! Magpa-cold effect ka naman, MJ! Hindi por que crush mo 'yong tao, magpapa-easy to get ka na. Maypa-hmmm ka pang nalalamang bruha ka.
Pinektusan ko ang sarili ko. Ano ba 'tong naiisip ko?
Oo nga pala, umamin na nga pala akong may crush ako sa kaniya. Paano ko ba mafo-forget 'yon, e, nagawa kong umamin sa sarili ko sa kasagsagan ng giyera sa loob ng sistema ko. Yeah, how could I forget?
Kaka-send ko pa lang sa text na iyon, nakatanggap agad ako ng reply sa kaniya.
Darry:
I'll fetch you.
Ako:
Why?
For what ba? At saka, siyempre, may lapses 'yong reply ko sa kaniya. Kung siya, mabilis mag-reply, ako naman ay may katagalan. Baka sabihin nga'ng easy to get ako. Ew kaya!
"Ma'am MJ, nasa labas si Sir Darry."
What?
"Ha?"
"Nasa labas si Sir Darry. Ano? Uulitin ko pa ba?"
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung nagulat ba ako sa pambabara ni Alice o ang katotohanang nandito na agad si Darry while I just asked him why!
"A-Anong ginagawa niya sa labas?" Napatayo na rin ako sa pagkakaupo sa sofa ng living room namin dahil sa gulat.
"Baka nagta-tumbling? Siyempre, aayain ka n'yang lumabas. Masiyado ka na kasing tigang dito sa bahay kaya lumabas ka naman woy."
Punyemas na Alice 'to, oo. Sanay na sanay na ako sa pambabara niyang ito pero nakaka-punyemas talaga ang sagot niya, e.
Nag-make face ako kay Alice bago lumabas ng bahay para harapin si Darry na naabutan kong nakahilig lang sa kotse niya at nakatiningin sa lupa.
"Anong ginagawa mo rito?"
Hindi ko pinahalata na medyo kinakabahan ako sa presensiya niya. Ito lang naman kasi ang unang pagkakataon na nagkita kami after no'ng pamamanhikan nila, and that was when? One? Two weeks ago? I forgot. I lost count.
Charot. Ten days. Ten days kaming hindi nagkita.
"Gusto mong pumunta sa central?"
Sabay ng pag-angat ng ulo niya ay ang pagsasalita naman niya.
Napahalukipkip ako at pilit itinatago ang bandang puso ko, baka kasi makita niya kung anong laman nito't mapahiya pa ako.
Tanga, MJ! Ano na namang pag-iisip 'yan?
"Central? Sa milling n'yo?"
"Uh huh."
"Bakit?"
He shrug his shoulder and intently look at me.
"Wala lang. Naisipan ko lang na dalhin ka roon. Your Ate said you're bored here."
"Sumama ka na, Ma'am MJ, wala ka rin namang gagawin dito. Wala kaya ang mga bata."
Punyemas!!!
Halos bigwasan ko si Alice nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko.
"Excuse me po, dadaan lang po, maghahatid lang po ng agahan kay Manong guard."
I mumbled something pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Masama na rin ang tingin ko kay Alice na diri-diretso ang naging lakad papunta sa may gate. Mariin ko na lang na pinaglinya ang bibig ko at nagsalita lang nang makalayo si Alice.
"Wala ka bang trabaho?"
Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot na naman siya ng six pocket shorts and a black V-Neck shirt with matching loafer shoes. Ganito rin 'yong outfit-an niya noong nakita ko siya sa opisina ni Mayor.
"It's Saturday, MJ," he said it like it's a matter of fact.
"Oo, alam ko, may kalendaryo kami sa bahay." Sinabayan ko ng irap ang sinabi ko. Medyo nakakairita ha, Sabado pala ngayon?
He snorted a laugh but madalian lang dahil tumikhim siya agad. Pasalamat siya narinig ko lang ang tawa niya at hindi ko nakita, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sistema kong parang pinasabugan na naman ng fireworks kapag nakita ko ang mga ngiti niya. Punyemas.
"What I mean is... walang trabaho ngayon and hawak ko ang oras ko. So, I can go out anytime I want."
Oh? Hawak mo pala oras mo, bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?
"Wala naman pa lang trabaho ngayon kaya anong gagawin natin sa milling n'yo?"
He's wearing his specs. Kaso bago ito, hindi ito 'yong usual specs niya. Dati, kulay itim ang rim nito pero ngayon, rimless na siya. Maganda ang design, halatang pang minimalist.
"What do you want to do, then?"
Sira ba mata niya? Bakit hindi na lang siya mag-contacts? Mas comfortable naman yata 'yon kesa sa magsuot siya ng eyeglasses everyday.
"Uh... MJ?"
"Ha?"
Bakit? Ano bang nangyari?
Makailang beses akong napakurap nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Naabutan ko pa nga siyang kumakaway sa harapan ko. Natulala ba ako? Please say no. Please.
"I'm asking you if what do you want to do today."
Talaga bang natulala ako habang nagsasalita siya? Sa mismong harapan niya? Punyemas naman, MJ, sobrang tanga, a?
"Dito na lang ako sa bahay." Umiwas ako ng tingin. Ayoko nang mangyari ang ginawa ko kani-kanina lang.
Bakit ka ba kasi tumititig?
"You've been here for ten days, aren't you bored or something? You're not even going out with your friends."
Umirap ulit ako sa sinabi niya. Dideliryohin yata ako kaka-irap sa raw na ito. Ilang beses na 'to.
At mabuting alam niyang sampung araw na akong bored. Sampung araw ka ring hindi nagpakita!
"Fine. Mag-antay ka. Magbibihis lang ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tinalikuran ko na siya at agad na umakyat sa kuwarto ko para dali-daling magbihis. Bilisan natin ghorl, time is gold.
Gusto ko sanang mag-gown at heavy make-up kaso magmumukha akong tanga kapag ginawa ko 'yon kaya ang sinuot ko na lang ay fitted V-Neck shirt at ragged jeans lang plus open toe ankle strap sandal. Ayos at pasok na 'yon. Ang importante kasi rito 'yong ganda ng nagdadala. Ghorl, kahit pagsuotin mo ako ng basahan, maganda pa rin ako.
Patakbo akong bumaba ng hagdan pero no'ng nasa tatlong huling baitang na ako ay medyo, slight lang naman, ay binagalan ko ang lakad ko at kinalma ang sarili.
Masiyadong excited, MJ? Chill, napaghahalataan ka.
"Tara."
Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Manong Bong. Nang nakita naman ako ni Darry ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan kaya agad din akong sumakay. Siya rin mismo ang nag-close ng door kaya nang paikot na siya for the driver's seat ay nag-seatbelt na ako.
"So, where do you want to go? We have the whole day to go wherever you want."
Nagsimulang magmaniobra si Darry sa kotse niya. Bumusina muna siya kay Manong Bong at sa sekyu ng bahay bago siya lumabas ng gate.
Humigpit ang hawak ko sa phone ko dahil sa baritonong boses niya. Hindi ko masiyadong ma-appreciate 'yon kanina dahil nasa open area kami, ngayong nasa enclosed space na, ramdam na ramdam sa buong sistema ko ang baritonong boses niya.
Get your s**t together, MJ. What is happening to you?
"Ikaw bahala." Suminghap ako at sumandal sa head rest ng bangko at napatingin sa labas ng kotse.
"If I will be the one to decide, ito-tour kita sa milling dahil inutos ni Tita Blake. But if you want to do something else, I can postpone it so we can do whatever you want."
'Ito-tour kita sa milling dahil inutos ni Tita Blake.'
Inutos ni Mama kaya niya gagawin, hindi dahil gusto niya, kundi dahil inutos ni Mama. Inutos sa kaniya.
What do you expect, MJ? This merging are driven by adults kaya expect na may mga utos galing sa kanila.
"If that's what Mama wants, sige, we'll go to the milling."
"Ikaw, anong gusto mo?"
Ikaw...
Hoy, MJ! Anong ikaw? Crush lang! Crush mo lang siya! Isang simpleng paghanga. Isang normal na paghanga. It's a short-live kind of feeling kaya it will eventually fade away. Lilipas din ito. Lilipas dapat kaya 'wag na 'wag kang ma-aattach na punyemas ka!
Punyemas talaga, MJ, para kang bata.
Umiling ako para ayusin ang boses ko, baka sakaling pumiyok ako sa kalagitnaan ng pagsasalita, mapapahiya pa ako.
"Kung anong gusto ni Mama, gusto ko. Kaya pupunta tayong milling n'yo ngayon din." Magalang akong ngumiti at itinoon na ang tingin sa daan.
Palabas na kami ng barangay namin at papunta na kami sa barangay kung saan ang milling nila.
"Okay. So, after? Anong gusto mong gawin?"
Wala sa sarili ko na namang binasa ang lips ko.
"Grabe ka naman, Darry, hindi pa nga tayo nakarating sa milling n'yo, nagtatanong ka na sa next na gagawin?" I put some humor para naman ma-cheer din 'yong atmosphere kasi nga naghuhuramentado na naman ang looban ko. "Ano pa bang utos nina Mama? May sinabi pa bang iba sa'yo? Hindi kasi ako na-inform sa kung anong mga gagawin natin bago ang kasal."
Kasal. Punyemas, Don't ever put that into your system, MJ! 'Wag na 'wag mong lalagyan ng ibang malisya ang salitang kasal.
I should know where the line is para hindi ako lumampas. I should know kung hanggang saan lang ako. I should know my limitations. 'Pag sumobra ako, hindi ko na alam kung anong gagawin at kung anong mangyayari.
"Wala na. That's why I'm asking you."
"Okay. I'll decide after the tour." Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti kahit kaonti. Baka makita niya, ano pang isipin.
Ano ngayon kung hindi lang sa milling magtatapos ang lakad namin ngayong araw? Ano ngayon, MJ? Required ba na magsaya ang sistema mo at magpaputok ka na naman ng panibagong fireworks d'yan sa loob? Ha? 'Wag! Crush nga lang, e!!
Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa habang nagda-drive papunta sa milling nila. Malayo 'yon sa bahay namin at malapit na ito sa Mount Lunay.
Nang makarating ay agad niya akong iginiya papunta sa adminstrative building o ang building kung saan ang mga offices yata ng milling nila. May tatlong building sila, hiwa-hiwalay pero magkakatabi naman. Sa likuran no'ng tatlong building na 'yon ay ang napakalaking milling nila, kung saan ginagawa ang asukal out of sugarcanes.
Sabado ngayon kaya walang opisina ang offices nila pero ang sa mismong milling ay tuloy pa rin daw ang duty. Ang sabi niya kanina, shifting daw kaya kahit Sabado at Linggo ay may nagta-trabaho rito.
First time kong makakapasok sa milling nila. I've seen it, kasi kitang-kita ang milling nila mula sa bahay namin, lalo na kung nasa third floor ka. Obvious din masiyado 'yong milling nila kasi dahil sa malalaking usok na lumalabas sa cylinder nito.
Ang sabi na naman niya kanina, dadaan kami sa opisina niya kaya kami nandito sa admin building. Hindi na naman sana ako interesado kasi akala ko sa mismong pagawaan ng asukal niya ako dadalhin. Pero parang nakaka-excite nga. Gaga ka, MJ!
"So, this is my office," sabay lahad niya sa kamay niya at ipinakita ang opisinang pinasukan naming dalawa.
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan. Hindi siya 'yong modern type na opisina na nababasa at nakikita niyo sa mga typical na CEO ng isang company. Makaluma ang opisina, mga kahoy ang main material na nakita ko. Maliban na lang sa sementadong sahig at haligi, pero ang dingding, bintana, furnitures, cornices, other decorations ay purong kahoy at sa tantiya ko, made of hardwood lahat ng nasa paligid ng opisina.
What do you expect nga naman sa company na panahon pa yata ng kupongkupong tinayo? Pero overall, malinis ang opisina at halatang hindi napabayaan ang mga gamit, lalo na 'yong mga gawa sa kahoy, kasi makikintab pa rin ito na animo'y bagong gawa.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang lamesa niya. Maayos na nakasalansan ang mga papeles sa gilid ng lamesa at pati ang mga muwebles, magandang tingnan, bagay na bagay sa isang batang CEO na katulad niya. Binasa ko na rin ang nameplate na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Gawa pa rin sa purong kahoy.
Darwin Charles L. Lizares, MBA
Chief Executive Officer
Darwin Charles. Charles Darwin. Ah, okay? Binaligtad na Charles Darwin pala ang pangalan niya? Bakit ngayon ko lang... napagtanto? Magaling din kaya siya sa Theory of Evolution? Okay ang corny, MJ, stop na.
Pinasadahan ko ng tingin ang malaking portrait sa likod ng swivel chair niya, medyo nasa itaas na banda.
Family portrait. Parehong nakaupo ang patriarch at matriarch. Silang magkakapatid naman ay nakahilera sa likuran ng kanilang mga magulang. Pare-parehong matitipuno kung tumindig, parang hindi matitibag kung sakaling subukan mong sila'y banggain. Sumisigaw sa posture nila ang salitang Power! Werpa! Charot. Seryoso kasi, MJ!
Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang painting.
Decart with his messy hair and defined jaw.
Einny with his pointed nose and furrowed eyebrow.
Tonton with his almond-shaped eyes and protruded lips.
Siggy with his innocent version of his older brothers' face.
Sonny... Sonny and his nape hair.
And Darry with his jetblack wavy long hair, defined jawline, pointed nose, chocolate-colored eyes, heart-shaped lips, thick eyelashes, thick eyebrows, and his cute cut on his chin.
Divided chin pala siya?
~