Chapter 27.1: The Exhibit (Part 1)

3392 Words
Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!   Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.   Punyemas.   "Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa b****a ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.   Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares.   "You're cursing again." Umayos siya sa pagkakatayo at naglakad papalapit sa akin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "What did you cook?"   Kumalma lang ang kaluluwa ko nang marinig ang huling tanong niya. Malawak akong ngumiti sa kaniya at proud na ipinakita ang aking gawa.   "Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña..." Lizares.   Charot.   "You forgot the Lizares," komento niya pero babalewalain ko na sana kaso hindi ko mapigilan ang ngumiti. Total hindi naman niya alam na dahil doon, mas lalo akong napangiti, kaya hayaan na. "Tss, anak mayaman ka talaga. That's unhealthy. You cooked a processed food and by the looks of it, it doesn't look delicious plus it's not good for the body."   What... the... s**t?   "Excuse me?" eksaheradang tanong ko sa kaniya dahil sa naging komento niya sa luto ko. "Speciality ko 'to and I don't care if it's good or not for the body. Kung ayaw mo ng ulam, edi 'wag kang kumain. Maghanap ka ng uulamin mo!"   Mataray ko siyang nilampasan at agad pumunta ng dining area para ilapag ang ulam. Bumalik ako sa kusina para magsandok ng kanin, na para sa akin lang talaga. Hindi ko na siya papansinin. Minsan talaga, nakaka-imbiyerna siya! Ang sarap niyang ibaon sa lupa tapos sementuhin nang hindi na makaahon pa! Naknampucha naman, Lizares, e!   Puwede namang sabihin niyang hindi siya kumakain ng mga processed foods, puwede naman niyang sabihin sa akin na ayaw niya sa mga pang-mahirap na luto. Hindi 'yong sasabihan niyang masama ang lasa. Hindi niya pa nga natitikman, lalaitin na niya? Punyemas! Judgmental! Masiyado kang judgmental, Darry Lizares! Oo, alam kong hindi ako maalam sa kusina pero matagal na akong nagluluto nang ganitong klaseng ulam and achievement na sa akin na ma-perfect ang lasa nitong scrambled egg with corned beef ko! Punyemas naman! Hindi naman puwedeng i-judge agad, e, hindi pa naman natitikman. Nakakabanas!   Masama ang tingin ko sa kaniya nang lumabas siya ng dining area. Wala na akong pakialam kung saan siya pupunta. Basta nababanas talaga ako. Nag-effort pa naman ako.   Nagsimula akong kumain nang nababanas. Pipinigilan ang sariling balibagin pabaliktad ang lamesang ito.   Punyemas! Masarap naman, a! Hindi naman masiyadong maalat. Sakto lang ang timpla ng Magic Sarap! Nag-match naman ang itlog at ang corned beef.   Nagpatuloy ako sa pagkain na may sama ng loob. Nasa kalagitnaan din ako ng pagkain nang bigla siyang bumalik sa dining area. Akala ko uupo siya sa harapan ko pero dumiretso siya papuntang kusina. Halos deliryohin naman ako sa kaka-roll eyes ko. Naiinis pa rin ako. Feeling ko naapakan ang side ng self ko na chef, e. Punyemas.   Mula sa kusina, may bitbit na siyang plato. Akala ko ulam niya pero nang ilapag niya ito sa espasyo na para sa kaniya ay doon ko nakita na kanin pala ang dala niya. At saka pa-simple lang ang bawat tingin ko sa galaw niya. Nababanas pa rin ako sa kaniya.   "Oh? Akala ko ba ayaw mo sa ulam na niluto ko? Oh, bakit nandito ka ngayon?" Singhal ko sa kaniya nang nakitang kukuha na sana siya ng ulam. Agad kong inilapit sa akin ang ulam at inilayo sa kaniya.   Kalmado niya akong tiningnan, pero ako, halos sunogin na siya sa impiyerno!   "I'm hungry wife, let me eat it."   Punyemas, MJ, 'wag kang bibigay! Hindi por que tinawag ka niyang wife bibigay ka na! Punyemas, 'wag!   "Edi maghanap ka ng ulam mo o kaya magluto ka! Ayaw mo sa mga ganitong klaseng ulam 'di ba? Kaya ikaw 'yong legit na anak mayaman, hindi ako," rebuttal ko sa kaniya. Manigas ka r'yan! Maypa-wife-wife ka pa, akala mo naman bibigay ako! No way!   "Who told you I don't like that? And you said you will cook for me, right wife? Kaya please, let me eat? I'm really hungry."   Oh! Tinawag ka na namang wife, oh. 'Wag kang bibigay talagang bruha ka. Ikahihiya ka ng angkan mo kapag bibigay ka.   "E, 'di ba nilait mo ang luto ko? Hindi mo pa nga natitikman, nilait mo na! Kaya anong karapatan ang meron ka para ulamin ito?" Tinaasan ko siya ng isang kilay para maramdaman niya ang katarayan ko.   He scowled lazily while holding his utensils. Naudlot ang plano niyang pag-kain nang dahil sa akin. Bahala ka sa buhay mong Lizares ka.   "Please wife, gutom na talaga ako."   Punyemas, huwag ka talagang bibigay!   Punyemas.   Paano ako hindi bibigay, e, halos mabiluakan ako sa sarili kong laway habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Nagpapaawa. Punyemas!   Sige na nga.   "Oh!" Padarag pero may kaonting ingat kong inilapit sa kaniya ang ulam at mas lalong tinarayan. "Subukan mong laitin ulit sa harapan ko ang niluto kong ulam, ipapakita ko talaga sa 'yo si San Pedro!"   Nagsimula siyang kumuha sa ulam. Isang malaking bilog kasi ang nagawa ko tapos nabawasan ko na ito kasi nga mas nauna akong kumain sa kaniya.   "Oh, so ipapatikim mo sa akin ang langit?"   Punyemas?   "Hoy! Anong langit? Nasa purgatoryo si San Pedro, baka nakakalimutan mo? Anong langit ang pinagsasabi mo r'yan? Punyemas ka talaga kahit kailan, Darry, wala ka nang nasabing matino," komento ko tapos nagpatuloy ako sa pagkain... ng pananghalian siyempre.   "Stop cursing wife, nasa harap tayo ng pagkain."   Nang sabihin niya 'yon, may isang maliit na alaala akong naalala kaya imbes na pakinggan siya at manahimik na lang ay inilapag ko ang kubyertos na bitbit at mataman siyang tiningnan. It's my chance! Kung hindi ko siya bibiruin ngayon, it's now or never na talaga.   "Bakit? Mahal mo na ba ako ulit kapag nagmura pa ako?" Maangas na tanong ko sa kaniya dahilan para matigilan siya sa pagkain at nagtatakang napatingin sa akin.   "What?" Confuse na tanong niya.   "'Di ba sabi mo, isang mura ko na lang mamahalin mo na ako? Pang-ilang mura ko na 'yon, so mahal mo na ako ulit?" Sumilay ang maliit na ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kaniyang mukha.   Kinikilig ako sa sariling kong banat. Punyemas!   Isang iling ang sinagot niya sa akin. Iling na parang disappointed sa sinabi ko kaya napaayos ako ng upo at wala sa sariling kinuha ulit ang mga kubyertos para makapagpatuloy sa pagkain.   "Just continue eating wife, I'll show you something after."   Punyemas. Tunog impiyerno 'yon ah? Don't tell me ipapatapon niya ako sa depths of hell dahil sa mga pinagsasabi ko?   Nanahimik na ako at nagpatuloy na sa pag-kain kahit na kinakabahan na ako ng very, very light.   Nang mapansin kong malapit nang maubos ang pagkain ko, mas lalo kong binagalan ang pag-kain dahil nga medyo kinakabahan ako sa kung anong ipapakita niya sa akin? Ano ba? Latigo ba 'yon? Baril? Palakol? Mga gamit para mapatay ako? Ano ba!!!!!   Nang nasa huling subo na talaga, mas lalong binagalan ko by drinking water b***h.   Oo na, heto na, seryoso na. Matinding tikhim ang ginawa ko nang tuluyan na akong matapos sa pagkain. Panandalian ko siyang sinulyapan at nakitang tapos na rin siya.   "A-Ako na magliligpit," presenta ko habang tumatayo. Bigla rin siyang tumayo and in one swift move, nakuha na niya ang pinagkainan ko.   "Ako na ang bahala rito, just wait for me sa sala."   "O-Okay."   Punyemas, bakit ka ba nauutal, MJ?   Wala na talaga akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Wala na akong maitutulong kasi nasalansan na niya sa dalawang kamay ang lahat ng pinggan na ginamit namin sa pag-kain. Pati nga ang ulam namin, ngayon ko lang napansin na naubos pala? Punyemas. O, ano, baby? Masarap 'di ba?   Nasa sala na ako at naghihintay sa kaniya. Hindi naman siya nagtagal at bigla na siyang sumulpot sa tabi ko.   Tumikhim ulit ako at kinalma ang sarili.   "Anong ipapakita mo sa akin?" Sinubukan ko ang sarili kong titigan siya sa mga mata. Pero lintik kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin kaya! Sigurado akong mas klaro ang paningin niya dahil suot na naman niya ngayon ang rimless specs niya.   "Follow me," wika niya sa baritono at seryosong boses.   Wala akong nagawa kundi ang sundan siya sa paglalakad. Nasa first floor lang kami at noong napagtantong papunta kami ngayon sa pintong hindi ko nabuksan kanina, nawala ang kabang naramdaman ko. Napalitan ito ng excitement! Kasi sigurado ako, doon kami papasok! At makikita ko na ang loob nito! Yaaaaay!   Mariin kong itinikom ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Masiyado kasing seryoso si baby, baka kung mag-ingay ako, magalit siya kaya mananahimik na lang ako.   Gamit ang isang susi, mabilis na nabuksan niya ang pintong iyon. Bukas na ang pinto pero nanatili pa rin siyang nakatayo roon at tila hinaharangan kung ano mang meron sa loob. Nakahawak sa doorknob, nilingon niya ako.   "This is my wedding gift for you."   "H-Ha?" Naguguluhan at hindi agad na-gets ang sinabi niya.   "Dapat ipapakita ko sa 'yo 'to right after the wedding but I didn't 'cause I changed my mind."   Ha?   "Nagbago ang isip mo sa ano?" Kung confuse na ako kanina, mas lalo na ngayon. Anong ikinabago ng isip niya pagkatapos ng kasal?   Nagbago ang isip niya para sa akin? E, ano bang iniisip niya sa akin noon at ngayon? Parang gusto kong malaman, a?   "Nevermind that. Maybe it's time for you to see it."   "Ang ano nga?" Atat na tanong ko kasi ang dami niyang pasubali, hindi na lang buksan ang pinto at papasukin ako.   Oo na! Naaalala ko na! 'Yong sinabi niyang may ibibigay at ipapakita raw siya sa akin pero wala naman akong natanggap at nakita pagkatapos ng kasal! Mas lalo tuloy akong na-excite!   "This..." At dahan-dahan ay binuksan niya nang malaki ang pinto ng kuwartong iyon. I step forward and find my way inside that room.   And one look of it, my jaw literally dropped to the floor in awe. Punyemas! Nakakakilabot.   Hindi ko alam kung anong una kong titingnan sa sari-saring mukha ko na nasa pader ng kuwartong ito. Punyemas! Ako ba lahat ng ito?   Gusto kong magsalita pero parang nawalan ako ng boses sa sobrang pagkamangha! Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng kuwarto at puro mukha ko ang nasa dingding. It's like an office room kasi may office table, computer set, bookshelves, couches. It's like a normal office setting pero ang kakaiba lang sa opisinang ito ay ang disenyong nasa dingding, kasi nga pagmumukha ko lahat ang nandito!   "Pa-Paanong..." Hindi ko matapos ang sarili kong salita dahil sa gulat. My heart also literally jumped in happiness!   It's as if I see my younger selves again through these picture.   Nilakasan ko ang loob ko para lapitan ang isang portrait. Pinagmasdan ko ang mukha ko, it's my childhood self. Isa akong flower girl at may hawak na basket ng bulaklak habang tinatapon sa ere ang petals na nasa basket na hawak ko. Nakangiti, masaya, at parang walang problema. Hindi ko na maalala kung anong taon ito at kung kaninong kasal ang in-attendan namin n'yan pero mukhang masasagot na ang tanong ko, nasa ilalim ito ng portrait.   MJC L. Osmeña, two thousand five, Tito Fidel and Tita Jane's wedding.   "Tito Fidel and Tita Jane?" Lakas loob na tanong ko kay Darry na nasa gitna lang ng kuwarto at tahimik na nakamasid sa akin.   "Tito Fidel is my Mom's cousin. Fidel Lumayno and Jane Lumayno."   "Ah! Oo, naalala ko na," patango-tango kong sabi habang nakaturo pa sa kaniya. "Ang dami kong tanong! Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula!" Pagmamaktol ko habang nakatingin na sa portrait.   "Reserve your questions later, I'll answer it all," kalmadong sabi niya kaya napa-buntunghininga ako nang nakangiti habang nakatingin pa rin sa bata kong sarili.   It's so good to see my younger self again. Sa sobrang daming ganap sa buhay ko ngayon, nakalimutan ko nang magbalik tanaw sa dati kong sarili.   Hinarap ko naman ngayon ang susunod na portrait.   MJC L. Osmeña. Two thousand seven. Mayor's soccer cup, junior edition.   The second photo is still me playing soccer under the scorching heat of the sun. I was about to kick the soccer ball when that shot happened. It's me, my nine year old self.   MJC L. Osmeña, two thousand twelve. School uniform.   It's me again wearing my brown high school uniform. Nakatayo ako sa ilalim ng puno, mag-isa, kumakain ng lollipop habang nakangiti. Ewan ko kung ano ang tinitingnan ko r'yan at kung bakit nakangiti ako tapos mag-isa pa. Hindi ako mahilig mag-isa noong nasa high school pa lang ako. Palagi akong may kasama, kung hindi mga kaibigan ko, mga pinsan ko naman.   Ang cute kong tingnan. Naalala ko tuloy ang high school days ko. Punyemas. I'm so cute talaga!   Marami pang mga pictures ang nandoon. Iba't-ibang taon, iba't-ibang senaryo. Lahat magaganda ang kuha kasi maganda ang kinukuhanan. Lahat nakangiti. Lahat candid shots. As if someone is looking at me from afar and took a shot of me. No, hindi pala as if, talagang someone is photographing me from afar! Punyemas! How?   Sa bawat picture na nakikita ko, para akong maiiyak. Lahat 'yon nagpapaalala sa akin sa masaya kong childhood years and teenage years. Pero ang mas lalong nagpaantig ng aking puso ay ang litrato ko noong college graduation ko.   MJC L. Osmeña. Two thousand twenty-two. College Graduation Day.   I was in the stage, raising my diploma upward, with full-blown smile. Punyemas! I look so happy and how could I forget that smile? It's the smile when my total system is in havoc. Total chaos. That's when I realized I have a crush on him. I was happy despite of the side emotions I felt that time. I look so happy, genuinely happy. Posible pala sa isang tao na maging masaya ng totoo kahit na maraming pinagdadaanan? Lumaki ako sa paniniwalang hindi kailanman magiging totoong masaya ang isang tao. They can press a smile but kailanman ay hindi magiging totoo 'yon. Pero look at it, nabago ang tingin ko sa happiness nang dahil sa kaniya.   Kaya bago pa man bumagsak ang luha ko, nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap. Wala na akong pakialam sa lahat, wala na akong pakialam sa mangyayari. Pangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya bibitiwan. Kung hindi man pareho ang nararamdaman namin, gagawin ko ang lahat masuklian lang niya ang nararamdaman ko. Susugal na ako. Susugal na ako sa 'yo, baby. Matalo o manalo, susugal ako.   Mahal na kita, Darry Lizares.   "T-Thank you..." Habang nakayakap sa kaniya nang mahigpit ay pinilit ko ang sarili kong magsalita kahit papaano. I am literally shaking, I'm smiling pero naluluha ako. It's true, maiiyak ka sa sobrang tuwa and that's happening to me right now. Punyemas, baby, how could you do this to me? "Hindi ko alam kung bakit meron ka ng mga luma kong photos pero thank you for keeping it. Sobrang saya makita ang dati kong sarili, sobrang saya. Thank you, baby!" Naramdaman ko ang palad niya sa likuran ko at mahigpit din akong niyakap. Mas lalong sumaya ang puso ko. Sobrang saya!   Hindi siya nagsalita. Nanatili kaming magkayakap na dalawa hanggang sa mahimasmasan ako. Unti-unti akong kumalas sa yakap pero magkaharapan pa rin kaming dalawa. He gently caress my cheeks and carefully wipe away the tears I made.   "Then why are you crying if you're happy, wife?"   Nakipagtitigan ako sa kaniya. Nilalabanan ang maalab at kalmadong titig niya sa akin. Wala na akong pakialam kung maduling man ako sa kakatingin sa kaniya at sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Basta ang importante, nandito siya sa harapan ko.   "Tears of happiness..." Simpleng sagot ko. He sighed and languidly smiled at me.   "It's my way of showing you that ever since, I am devoted to you and will always be devoted to you. I have love you since we were little, wife. That's why marrying you was my dream come true-"   I shut his mouth by taking a peck to his lips, softly, with utmost care, like butterfly wings. It was long, not moving, kiss.   Mahal din kita, Darry. Pero bakit hindi ko masabi sa 'yo?   Humiwalay ako sa kaniya. Slightly afraid if I move my lips for a deeper kiss, he might reject me again. I'm afraid.   Kaya nang humilaway ako, bahagya akong yumuko at iiwas na sana ako ng tingin nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at halikan ako ulit.   He kiss me like he wanted to be kissed, like no boy had ever kissed me. He kissed me like he's up for more. Soft, moist, hot, and breathy, not trying to win a battle but seeking union and closeness and the sharing of one breath. Gamit ang dila niya, he parted my lips for more. I gave in. I sensually gave in.   Nag-init ang buong katawan ko nang mapahawak ako sa batok niya at mas lalong idiniin ang katawan niya sa aking katawan. Para akong sinisilaban sa init ng kaniyang halik. Lalo na nang magtama ang dila naming dalawa. Quick, electric, and delicious, then firmer, determined, more curious about the heat that lay within, seeking to chase down that elusive liquid lightning that reached through between me.   Malikot ang kaniyang kamay, na mas lalong nagpapasilab sa init ng aking nararamdaman. He moved and gently carried me until I feel a soft cushion behind my back. Nasa sofa na ako, and he's on top of me. And still, nothing could stop this. Bumaba ang kaniyang kamay sa aking baywang hanggang sa maramdaman na ng katawan ko ang mainit niyang palad. Nakakapanindig balahibo, nakakapanabik.   "D-Darry..." Punyemas. I sound like a hypocrite animal wanting for more. It doesn't sound like me but I don't care.   Napaliyad ako at napatingala nang biglang bumaba ang halik niya sa aking leeg, giving me a teasing kiss and it's so nakakakiliti. Punyemas, para na akong mababaliw. I've kissed guys before, kasing sensual nito but I never felt this kind of energy. This is different because I want more and I don't want to stop this.   "Ah!" Mas lalo akong napaungol nang maramdaman ang maiinit na palad niya sa ibabaw ng aking dibdib. Punyemas, he just effortlessly unclasp my bra.   "I'll erase the traces made by your boys in the past, wife, I'll let you never forget this kiss," he said it before coming back to my mouth and kiss me again. "I love you, wife."   Punyemas!   Sinunggaban ko siya. Like a lioness aiming for her prey. Punyemas! You just said it and it's no turning back! I am so inlove with you, Darwin Charles!   The kisses went depeer and I can feel a gushing falls between my thighs. I think I'm turned on? But like what I said, susugal ako. He's my husband... after all. Akin siya. Akin na siya.   Pero anong kasiguraduhan na magiging akin nga siya? His I love you? Ang isuko ang sarili ko? Ang malamang kasal kaming dalawa? I don't know. They are blurry signs.   He was about to go below my stomach when the doorbell bombarded the whole penthouse. Napatigil ako sa paghalik sa kaniya at tiningnan siya.   "Buksan mo," sabi ko sa kaniya.   He silently groaned and look at me in the eyes gamit ang mapupungay na mga mata. He wants to protest on what I said pero pinilit ko siya.   "Buksan mo na, baka sina Alice na 'yon."   The doorbell keeps on while we're here lying on the sofa. He groaned again and lazily stand up. Napa-ayos na rin ako ng upo habang sinusundan siya ng tingin palabas ng opisinang ito.   Hindi ko mapigilan ang mapangiti at hawakan ang labi ko. Punyemas! Ang tamis ng labi niya!!!!! Punyemas naman! I've tasted other boys' mouths before but his is one of a kind. It's like chocolate mixed with sweetmeat. Ang sarap day! Ang sarap laspagin!  ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD