Obsession Entry # 1

1802 Words
" Napakalandi talaga niya, hindi pa ba siya kontento sa isa.?" " Oo nga, matapos kay Sir Leandro mabilis pa sa alas kwatrong kinakalantari naman niya si Sir Xander!! Hindi marunong mahiya, naturingang maganda p****k naman pala at talagang magkapatid pa ang tinuhog niya, ng malaman niyang mas mapeperahan niya siguro si Sir Xander iniwan nito si Sir Leandro!!!" " Nagtaka ka pa kailan ba nagbunga ng santol ang mangga!! Hindi ba at manang mana lang siya sa kanyang ina!!" " Balita ko pa nga kaya nakapagtapos ng pag aaral yan iyon ay dahil sumisiping siya sa kanyang mga naging professor!!! o di ba ang tindi!! Hindi na ako nagtataka kung bakit nagtagal sa loob ng opisina ni Sir Xander yan malamang bumigay na yan!!" Hindi ko ininda ang mga mapanghusgang mga mata na nakasunod sa akin. Matagal ng akong sanay na sanay sa ganyang mga klaseng tingin, na susundan na mahihinang bulungan na akala mo naman hindi ko naririnig. Mga masasakit na salitang akala mo ay totoo. Ilang beses na ba akong nasaktan, umiyak at naphiya ng paulit ulit sa mga taong mga akala mo malilinis pero nasa kaloob looban naman ang dumi. Taas noo akong nagpatuloy sa paglakad habang tinutungo ko ang elevator sakto namang bumukas iyon at nagsilabasan ang mga empleyadong nasa loob noon. Walang bahid ng takot at emosyon akong humarap sa kanilang lahat habang nakatingin sila sa akin. Biktima ako.. biktima ako ng verbal abuse hindi lang sa sarili kong mga magulang, sa aking kapatid isama mo na rin ang mga laging nambubully sa akin noon. I learned to be tough.. dahil kailangan ko ng lumaban.. sawang sawa na akong tinatapak tapakan at minamaliit. The moment the elevator closed... doon ako nanghihinang napasandal dahil samut saring senaryo na naman ang naglalaro sa aking isipan.. hahabulin niya ako.. pasusundan.. babantayan.. natitiyak ko iyon .. Hindi ko na maintindihan si Xander. Hindi ko na alam ang mga iniisip niya.. gusto kong ng makalaya pero pilit niya akong ikinukulong sa mga palad niya.. Hindi ko na kayang mabuhay ng ganito.. kailangan ko ng maituloy ang aking plano.. at gagawin ko na iyon ngayon.. at isang tao lang ang makakatulong sa akin.. at alam kong hindi niya ako bibiguin.. Marahan kong pinunasan ang aking mga luha at tumayo ako ng tuwid dahil malapit na akong makalabas.. I need to wear that cold, emotionless expression dahil iyon ang shield ko sa mga taong minamata ako. toktok..toktok..toktok.. toktok..toktok..toktok.. Gulat at puno ng pag aalala ang mukha ni Leandro ng makita niya ako ng buksan niya ang pintuan ng kanyang Condo sa Manila Pen, alam kong magtong mugto na ang aking mga mata at namumula ang aking ilong dahil sa walang tigil na pag iyak.. Halos muntikan na rin akong maaksidente dahil sa aking nararamdaman. Bakit ba kasi sinasaktan niya ako ng paulit ulit? Bakit hinahabol habol pa niya ako? Nakuha na niya ang lahat, ano pa ba ang kulang? " W-what happened? Sinaktan k---------------------------- s**t!!! s**t!!! s**t!!! Si K-kuya ba ang may gawa nyan sayo? Sinaktan ka ba niya? I swear to God mapapatay ko na siya talaga this time!! " niyakap ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit dahil damang dama ko ang ang kanyang galit. Nakita niya kasi ang mapupulang bakas ng mga halik ni Xander sa akin, sa aking leeg pati na rin ang dalawang braso ko na nangingitim dahil sa mahigpit na pagkakakapit doon. I heard him cursed many times above my head habang nakapaloob ako sa kanyang mga bisig. Hinayaan kong icomfort niya ako gaya ng dati, he was my bestfriend, bestbuddy kami ika nga. He was my rock through all the years that past. Basta nandyan lang siya sa tabi, lumalakas ako dahil alam kong kapag ako ay nadapa at nasugatan siya ang unang unang magtatayo, tutulong at gagamot sa akin, kagaya na lang ngayon. " T-Take m-me away.. p-please Lean, ilayo mo ako sa kanya.. Itakas mo ako sa kanya dahil nasasakal na ako!!! nasasaktan na ako ng sobra.. s-sobra----------- wasak na wasak na ito oh.." sabay turo sa aking puso. " A-ano pa ang dapat kong gawin para tigilan na niya ako!! hindi ko siya maintindihan!! nakuha na niya hindi ba!!! hindi pa ba sapat na pinaglaruan niya ako para lang mabawi at makuha niya ang lahat lahat ng kayamanan ng Papa ko!!! hindi pa siya tapos sa paghihiganti niya!!! Hindi pa ba!!! Ano bang gusto niyang gawin ko!! patayin ko ang sarili ko para maging masaya siya!! Pinahihirapan niya ako sa kasalanang hindi ko ginawa!! Si ate Shania dapat ang ginagantihan niya hindi ako!!! Ako na ang tumulong ako pa ang masama!!! " naghihisterya na ako.. wala akong pakialam kung mukha na akong baliw dahil sa lakas ng iyak at sigaw ko.. nanginginig ang aking buong katawan.. sobra sobra na kasi talaga.. sobra sobra na.. Hindi ko na ininda na nandito lang kaming dalawa sa harapan ng condo niya at hindi pa kami nakakapasok sa loob ng tuluyan. Marahan niyang iniangat ang aking mukha sa pamamagitan ng kanyang dalawang kamay, pinahid ang aking mga luha at mabini niyang akong dinampian ng halik sa aking noo. I closed my eyes tightly, sana... sana siya na lang ang minahal ko dahil alam kong hinding hindi niya ako kayang saktan.. I know him since I was 9 years old.. too long.. pero talagang hindi mo matuturuan ang puso kung kanino ito titibok.. pipintig.. sa dinami dami ng lalaki sa mundo hindi ko akalaing sa kanyang kapatid pa ako mahuhulog.. magmamahal.. ang lalaking iyon na walang puso at pakiramdam. Sana nung oras na magtapat sa akin ng pagmamahal itong si Lean.. siya na ang pinili ko.. ang tinanggap ko.. pero hindi naging bulag din ako.. naloko.. at nalinlang.. " I should have done this a long time ago. Hindi ko na sana hinayaan na umabot sa ganito ang lahat. I should have protect you more.. pero nagkulang ako sayo Jas.. Hindi ko sana hinayaan na makuha at maaagaw ka niya sa akin.. ipinaglaban ko sana ang pagmamahal ko sayo instead of giving up.. I should have fight for you kahit pa nga ikagalit ni Kuya.. Ako ang mas may karapatan sayo.. ako.. dahil.. dahil sa akin ka nakatali.. ako ang asawa mo... " tama.. tama ang mga sinabi niya. I am his wife, he is my husband he has every right to me. I married him to escape from Xander.. Lean offered me marriage the moment na nalaman namin ang mga plano ni Xander sa akin. The plan of revenge para makuha niya ang lahat lahat ng pinaghirapan ng aking ama.. kahit pa nga ilang beses sa aking pinamukha at sinampal na ninakaw lang ni Papa ang lahat lahat sa kanila.. niloko ni Papa ang tatay nila para maisalin ang lahat lahat ng ari arian nila sa amin. Magkaibigang matalik sila.. paulit ulit sa aking isinigaw ni Xander na manloloko, magnanakaw at manggagamit ang aking ama.. pero.. hindi ko iyon papaniwalaan kahit kailan. My Papa is a good man.. I know it.. kahit pa nga kahit kailan hindi ko naramdaman na ako ay anak niya.. na mahal niya ako.. dahil laging nakatuon lang ang kanyang pansin sa aking panganay na kapatid. " Then let's get out of here. Habang maaaga pa. Magpakalayu layo tayo, kahit saan sasama ako, kahit na mamundok pa tayo basta wag niya lang akong makita, mahanap at matagpuan. Alam kong hindi ako makakalabas ng Pilipinas dahil nakaban ako.. Your brother make sure of that.. ganyan siya katuso. " " Dont worry I know a place that we can hide. At alam kong hinding hindi niya tayo makikita Jas. Let me just pack a few things and we will go. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa apartment mo dahil alam kong may mga tauhan na si Kuya doon. Bumili na lang tayo ng mga gamit na kailangan mo kapag nakalayo na tayo dito. Come get inside now and wait for me." Tumango lang ako sa kanya habang nagmamadali siyang pumasok sa kanyang silid. Isinarado ko ang pintuan ng condo niya at nilock ko iyon.. mahirap na kasi.. kinakabahan ako.. alam kong kailagnan na naming magmadali dahil alam kong hindi niya ako hinayaang mag isa talaga.. I know any moment now maaaring lumitaw siya sa aking harapan.. kilala ko si Xander.. gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya.. I was fidgeting habang hinihintay ko si Lean, god bakit ba ang bagal bagal niya. Ang kailangan lang namin dalhin ay pera as in cash dahil natitiyak kong matratrace kami ni Xander kung gagamit kami ng atm.. mabuti na lang at nakapag withdraw na ako kanina bago ako nagpunta sa opisina niya dahil alam kong hindi maganda ang magiging pag uusap namin.. alam kong ipipilit niya ang katwiran niyang baliko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita kong lumabas na ng kanyang silid si Lean, may bitbit itong bagpack. " Lets go Jas. Nakausap ko na yung kaibigan kong tutulong sa atin. Hinihintay na niya tayo sa pier. " humawak ako sa naghihintay niyang kamay at ngumiti ako ng bahagya. I saw him smiled and he kissed my forehead. " Everything will be alright from now own Jas.. magkasama na tayo." Naglakad na kaming dalawa patungo sa pintuan habang magkahawak ng kamay. He opened the door.. namutla ako at pinagpawisan ng malapot dahil.. right infront of us is Xander.. he is very angry kulang na lang patayin niya kami sa pamamagitan ng mga tingin pa lang niya. Hindi siya nag iisa may mga kasama siya, mahigit kumulang 10 mga lalaking nakaitim. Dumiin ang pagkakahawak ni Lean sa aking kamay at mabilis pa sa alas kwatrong inilagay niya ako sa kanyang likuran.. lalong dumilim ang anyo ni Xander habang galit na galit na nakatingin sa aming magkahawak na kamay.. I saw his jaw clenched, his fist balled na para bang any moment now babasagin niya mukha ng kanyang kapatid. " Going somewhere my dear wife?" nanigas ang katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Wife? Papaanong--------------------- " Damn you!! Xander!!!" galit na galit na sigaw ni Lean kay Xander.. right infront of me, I saw him punched Xander in his jaw.. tulala lang akong nakatingin sa kanilang dalawa habang nagpapambuno sila sa aking harapan. What does he mean? Wife? I am his wife? pero papaanong mangyayari iyon kung ikinasal ako kay Lean...? maliban na lang kung... No!!!! No!!! Hindi niya pwedeng gawin sa akin ito!!! Naisahan niya ako!!! Hindi ko siya asawa!!! Hindi!!! Kaya pala ganoon na lang ang galit niya.. ang paghahabol niya sa akin.. it can’t be... damn you XANDER!!! damn you for doing this to me!! for ruining my life!! everything!! Sa pinagsama samang galit, tensyon at takot.. unti unti akong bumagsak sa aking kinatatayuan.. hanggang sa maramdaman kong may mga bisig na sumalo sa aking nanghihinang katawan.. "Jas!!" "Jasmine!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD