OBSESSION ENTRY #14 " Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?" sa nanginginig kong mga tuhod naglakad ako papalapit sa doctor na lumabas sa ER.. bawat hakbang na aking gawin pakiramdam ko sinasakal ako sa sobrang kabang aking nararamdaman.. natatakot ako sa maaari kong marinig.. sobra sobra na ang mga nangyayari sa amin. . . hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kaya kong tanggapin.. pati kasi ako.. nahihirapan na.. " a-ah, kaibigan niya po ako.. AKo na lang po ang kakilala niyang pupwede niyong makausap tungkol sa kalagayan niya. Wala kasi ang pamilya niya dito nasa, amerika.. A-ano ba po ba ang lagay ni J-Jas at ng b-baby?" " G-ganun ba.. she's stable now, mabuti na lamang at naagapan ang pagdadala sa kanya dito sa ospital.. she was sedated dahil kailangan niyang makabawi ng lakas.. d

