Chapter Twenty

1602 Words
Chapter Twenty Vida GULAT KONG pinagmasdan ang nakangising si Khalil. Hinagod niya ang kanyang kulot na buhok na mukhang cotton candy bago nagpasyang lumapit sa amin. Samantala, wala namang kibo si Carter na nanatiling nakatayo sa pwesto niyo. Ang mga mata niya ay nakapako sa lalaking nabangga ko kanina na kasalukayan pa ring namumulot ng mga nahulog nilang gamit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa hindi malamang kaba. Nakakahiya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko rito sa mga kaibigan ni Sygmund. Saka pansin ko rin na pinagtitigan nanaman kami ng mga estudyanteng napaparaan. Kakaiba talaga ang aura nila Khalil at Carter, gaya ng karisma nila Sygmund, Sandra, at president Geneva. Meron talagang kakaiba sa mga estudyanteng ito na may puting uniporme. Tumitig sa akin si Khalil na kasalukayan pa ring may ngisi sa labi. "You're Agape, right?" Maligaya niyang tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. "Ah, o-oo," medyo nanginig pa ang labi ko sa kaba. Ano ba ito, hindi talaga ako kumportable na nasa harapan ko ngayon ang dalawa sa mga kaibigan ni Sygmund. Tapos ay nakakailang pa ang mga matang nakatuon sa amin. May iilan pa akong naririnig na bulungan mula sa mga kalapit na estudyante. "Aww, you're really a shy girl, it's cute..." Tunog natutuwang tugon naman ni Khalil na sinundan ng isang bungisngis. Parang sumabog ang init sa pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Mariin ko nang kinagat ang labi ko dahil sa mas tuminding pagkailang. "Khalil," napalingon ako nang marinig na magsalita si Carter hindi kalayuan. Mariin siyang nakatingin kay Khalil na para bang binabalaan ito. "Stop teasing her, she's already embarrassed," ani niya pa sa isang nangangaral na tono. Tapos ay dumapo ang tingin niya sa akin. Ang malamig na tingin na ipinukol niya kay Khalil kanina ay naging maamo nang biglang napadako sa akin ang mga mata niya. Halos hindi na ako makahinga sa mga nangyayari. "Oops, my bad..." Natatawang sagot naman ni Khalil habang hinihimas ang batok niya. "Can't help it, she's just too cute. Now I understand why he seems fascinate about her," dugtong pa niya. Bahagyang kumunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Palipat-lipat din ang tingin ng naiilang kong mga mata sa pagitan nila Khalil at Carter. "Now, let's see..." Tumikhim si Khalil na para bang kino-composed ang sarili bago idinako ang mga mata sa likuran ko. Doon ko sinundan kung anong tititigan niya at na-realize ko na nakatingin siya roon sa lalaki na nabangga ko kanina. Hindi pa rin sila tapos mamulot ng mga kaibigan niya dahil mukhang maging sila ay nagulat sa biglaang pagsulpot nila Khalil at Carter. Ang kaninang mga balisang mukha ng mga lalaki ay mas lalong nagmukhang kabado nang mapansin nilang sa kanila na nakatitig sila Khalil at Carter. Nilingon ko naman ulit ang dalawang lalaking nakaputi at kasalukayang tinititigan ni Khalil ang mga mangilan-ngilan pang maliliit na kahon na nagkalat sa sahig. Medyo nagulat ako dahil hindi kagaya kanina ay parang walang emosyon ang mga mata niya ngayon. "What about the two of you? Aren't you going to fix that a little bit faster? That kind of mess is not really visually pleasing, you know?" Napaawang ang labi ko nang sabihin iyon ni Khalil sa isang ma-awtoridad at halos malamig na tono--sobrang taliwas sa palabiro niyang pananalita kani-kanina lang. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig ang lalaking nabangga ko kanina pati na rin ang kaibigan niya dahil awtomatiko silang nagsikilusan at nagmamadaling pinagdadampot ang mga natitira nagkalat na maliliit na kahon sa sahig. Halos bara-bara na nilang isinaksak sa paper bags ang mga kahon na iyon dahil sa pagmamadali; halatang kinabahan sila nang husto dahil sa panginginig ng mga kamay nila. Gusto ko pa sana silang tulungan dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nagkalat ang mga gamit nila pero baka mas lalo lang akong magdulot ng problema sa kanila kung pipilitin ko pang tumulong kaya pinigilan ko nalang ang sarili. Nang natapos na nilang madampot ang lahat ng gamit nila ay dali-dali silang tumayo na. Hindi pa rin naalis ang pagkabalisa sa mga mata nila at parang hindi mawari kung aalis na ba sila o ano. Mukhang napansin iyon ni Khalil kaya naman nagsalita ulit siya. "Now, get lost," imiwestra pa niya ang kamay niya na para bang pinapalayas na ang dalawang lalaki. Hindi na nagsayang ng oras ang mga ito at dali-dali nang umalis pero yumuko muna sila saglit bilang paggalang. "P-Pasensiya, Gamma," ani ng lalaking nabangga ko bago tuluyang kumaripas ng takbo kasama ng kaibigan niya. Napanganga nalang ako habang pinagmamasdan sila. Ganito ba... Ganito ba talaga ang epekto nila Khalil at Carter sa mga estudyante rito? Kakaibang respeto ang ibinibigay sa kanila. "Phew, nawala rin ang panggulo..." Natauhan ako nang marinig ulit ang palabirong boses ni Khalil malapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatalon nang ma-realized na sa mismong tenga ko pala siya nagsalita. Halos atakihin ako sa puso noong lingunin ko siya at halos ilang pulgada lang ang kayo ng bibig niya sa pisngi ko. Agaran kong hiniwalay ang katawan ko sa kanya at parang ikinatuwa niya pa iyon. Lumapad ang ngisi niya habang tinititigan ako. Pakiramdam ko tuloy ay pinagkakatuwaan niya ako. Kinagat ko ang labi ko at inisip kung ano na ang dapat na gawin ko. Wala na namang dahilan para manatili ako rito, eh. Tama, kailangan ko na rin namang bumalik ng dorm. "U-Uhm, s-sige. Babalik na ako ng d-dorm," naiilang kong paalam sa dalawa. Ayoko namang bigla nalang umalis nang walang paalam. "What?" Sagot ni Khalil, naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya--pero bakas pa rin ang pagiging palabiro. "You're just going to leave us here?" sabi niya pa na para bang inapi siya o ano. Nangapa nanaman ako sa mga salita. Ano bang dapat kong sabihin sa taong ito? "Khalil, stop that. You are only making her uncomfortable," sumingit na ulit si Carter sa usapan at parang gusto ko siyang pasalamatan doon. May isang palakaibigang ngiti sa labi niya habang naglalakad palapit sa kaibigan. Tinapik niya ito sa likod na para bang sumusuway ng isang bata. "Tsk. You're such a kill joy, Carter. I only want to properly introduce myself to this lovely maiden, you know?" singhal ni Khalil kay Carter. Kumunot nanaman ang noo ko. L-Lovely maiden? Ano raw? Ako ba ang tinutukoy niya? Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat maramdaman sa mga lumalabas sa bibig ng taong ito. "So... Please let me properly introduce myself to this fine lady," lumapat ulit sa akin ang mga tingin niya bago madramang iniluhod ang isang tuhod sa sahig. Hindi ko akalain na may ilalaki pa pala ang mga mata ko. Nagimbal nang husto sa biglaang pagluhod niya sa harapan ko. Anong... Anong ginagawa niya? Dinig ko rin ang kaliwa't kanang pagsinghap ng mga estudyante hindi kalayuan. Muntik ko nang makalimutan na kanina pa pala nila kami pinapanuod! Marahang kinuha ni Khalil ang kanang kamay ko saka hinalikan ang likuran ng palad ko. Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa sobrang kahihiyan. Halos mapasigaw na rin ang ilang mga estudyanteng nakakakita. Ano bang ginagawa ni Khalil? Akala ko ay may problema siya sa mata dahil mahilig siyang kumindat pero ngayon, tingin ko ay marami pa siyang problema sa buhay. "I am Khalil Vida at your service," aniya matapos halikan ang likuran ng palad ko. Marahan niyang binitawan ang kamay ko bago tumayo pero bago siya tuluyang tumayo ay humabol pa siya ng isang kindat at parang gusto ko nalang magiba ang sahig na nilalakaran ko sa mga oras na ito. "U-Uh... N-Nice to meet you," halos patanong na ang naging sagot ko. Tama naman siguro ang naging sagot ko? Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit kailangan niya pang ulit magpakilala kahit na kilala ko na naman siya. Umiling-iling naman si Carter sa tabi. "I'm really sorry about his antics..." Ani niya at saglit na nilingon ang kaibigan. "Khalil is just really a--" "Vida-vida..." Napaawang ang labi ko at awtomatikong napalingon sa isang pamilyar boses na biglang sumingit sa usapan. Naglalakad papalapit sa amin ay walang iba kung hindi si Denisa. Nakabulsa ang isa niyang kamay habang ang isa'y tamad na hawak ang strap ng kanyang itim na backpack. "D-Denisa..." Bati ko sa kanya. Ngayon ay nabaling na sa kanya ang mga mata ng mga estudyanteng nakikiusyoso. Tinaasan lang ako ng kilay ni Denisa na para bang nagtatanong kung bakit napunta nanaman ako sa ganitong klaseng sitwasyon. "Oh, this must be my lucky day! Now, I get to have some time with these two lovely maidens," natutuwang ani ni Khalil. Habang si Carter naman ay bumuntong hininga nalang, para bang suko na siyang awatin ang kaibigan. "'Lul, ba't may vida-vida rito?" Ani Denisa habang tinititigan si Khalil mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi naman na-offend si Khalil sa sinabi ni Denisa dahil mas ngumisi lang ito. "My, you're really a feisty one and I like it," sabi ni Khalil sabay kindat kay Denisa. Ngayon, sigurado na ako na may diperensiya siya sa mata. Nalukot naman ang mukha ni Denisa na animo'y nandiri sa nakita. "Tsk. Wala akong panahon sa inyo, ah. Uuwi na kami," maangas na singhal niya bago ako hinila palayo sa dalawa. Hinayaan ko nalang siya na kaladkarin ako palayo roon dahil kanina ko pa naman iniisip kung paano makakaalis. "What a rude yet hot girl. Let's see each other some other time, ladies!" Dinig ko pa ang pahabol na sigaw ni Khalil bago kami tuluyang nakalayo ni Denisa. "Tss. Vida-vida talaga," iritang bulong ni Denisa sa sarili. -- -C. N. Haven-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD