Chapter One.

2042 Words
Chapter 1 Taylor Alyson Chua Pagkatapos ang insidente yun with Xander, mabilis kaming nakahanap ng janitor para tumulong sa amin. Good thing, lalaki ang nakita namin at hindi si manang biday, palagi akong sinusungitan nun e. Isa-isa naming inayos ang mga regalo sa cart dahil baka mamaya matulad na naman nung last birthday ko. Halos karamihan sa nagbigay sa akin ay puro mga make-up at babasaging mga bagay na personalized pa. Halos lahat yun ay nabasag dahil kay Marie, sobrang lungkot ng mukha ng mga nagbigay sa akin at sobrang panghihinayang nila. And as for this time, I won't let that happen again. Maingat kaming dalawa ni Marie. And to make some extra sure, nanghiram kami ng dalawang cart para naman siguradong walang mababasag o masisira sa kahit ano dito. "So anong gagawin mo sa regalo mo?" Tumingin ako kay Marie at nakangiti na sa akin na parang aso. Inirapan ko siya dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. "Of course, it's my gift so dapat angkinin ko lahat. The rest, I'll give sa nangangailangan." Diniin ko ang huling salitang sinabi ko. I know she wants some of these stuffs. Pangit naman kung ibibigay ko pa sa iba kung bigay lang naman sa akin. Kukunin ko lang ang mga kailangan ko at ibibigay ko ang matitira kay Marie at sa kung sino man may kailangan nun. "Nevermind. Kaya ko naman bumili niyan." Irap niya sa akin kaya naman natawa ako sa inasta niya sa akin. Kung mag-inarte naman, for sure hihingi sa akin mamaya 'to. Nginitian ko na lang siya habang tinatapik-tapik. Mukhang di niya na-gets ang punto ko kaya naman inirapan ko siya. Bahala nga siya sa buhay niya. Nang makarating kami sa parking lot, maraming taong nagpupuntahan doon at karamihan sa kanila ay mga nagbigay sa akin ng regalo. Siguro inaakala nila na itatapon ko lang ang mga ito. Well, it's a blessing so I have to keep it. Bago namin ipasok sa sasakyan lahat, tiningnan muna namin isa-isa ang mga regalo para malaman ko kung kanino galing yun. Kung anonymous naman, di ko na iintindihin kung sino man siya. "Look oh, it's from your best friend." Di ko alam kung matatawa ba ako, matutuwa o mainiis sa sinabi ni Marie. I know naman kung sino tinutukoy niya. "If it is from Maris, tapon mo na. Feeling ko patay na daga na naman yan." Nagpatuloy na ako sa pagtingin ng pangalan at pagkilatis sa kung ano nasa loob ng regalo nila. Wala na akong pakialam kay Maris, she's just a cheap w***e cheerleader. "Uh-huh." Sang-ayon niya sa akin at bumalik sa ginagawa niya. "I guess lahat ng nasa akin ay galing sa mga alipores ni Maris." "Well, get rid of it. I'm not gonna waste my time playing games with her." Naiinis na sabi ko. Alam ko naman na iniinis niya lang ako at gusto niya lang ng atensyon. After all, she was my best friend before who turned out to be a fraud. She was just using me all along. Di ako masamang tao pero sobrang hangin niya at di ko alam kung may alam ba siyang ni isang word sa kahit anong libro. She's a w***e and most of the time, she only thinks about being popular and being rich by selling her body. And I keep asking myself kung bakit ko ba siya naging kaibigan at bakit ako nagpauto sa kanya? That's why ayoko sa mayabang at mapagmataas. "Maybe you're right. I know her evil plans, she just want your popularity." Natatawa niyang sabi. Ngumiwi ako nang marinig ko ang popularity. "Shut it. I'm just popular because I have a big resposibility in this school." Seryosong sabi ko na nagpa-realize sa kanya na may mali siyang nasabi. I know being popular is a great hit na sa mga kabataan ngayon, pero ayokong maging sikat. Di ko naman ginusto 'to at ayokong napag-uusapan ako sa mga bagay na ginagawa ko, gusto ko maging pribado pa rin ang buhay ko kahit papaano. My parents maybe popular dahil sa malaking business nila, I'm still not getting that opportunity to be popular. That's why I'm the opposite of kuya Andy, he seeks fame and power as always. "Sorry, alam mo naman na nasa dugo niyo na ang maging kilala. Ayaw mo man pero kilos mo ang nagsasabi nun e." Tumango-tango ako sa kanya. Ginusto ko din 'to, pero ginawa ko lang yun para bawian si Maris na hindi alam ni Marie ang tungkol dun. Wala na akong sinabi sa kanya at tinapos na lang lahat para makabalik na ako sa student council para mag-ayos ng mga papers for upcoming events ng university. --- Gladly, Marie is with me all the time. She's the vice president of the student council and we make a great team and leader, of course. "Hey, have you seen Valentin's gift? Ni hindi ko nakita name niya." Siniko-siko ako ni Marie habang nagtataas-baba ang dalawa niyang kilay. "Nagbigay na ba siya sayo?" Di ko alam ang isasagot ko. Tanging naramdaman ko na lang ang pag-init ng mukha ko sa pagbanggit niya ng name ni Valentin. Ugh! Kahit pagbanggit ko ng pangalan niya sa isip ko, kinikilig ako. "I think, merong bigay. Di mo lang sinabi. Ikaw huh, sabi na nga ba type ka rin nun e." Natutuwa niyang sabi habang niyuyugyog ako. "What's his gift?" Ngumiti ako ng peke sa kanya. Aminin ko man o hindi, wala pa siyang binibigay sa akin. "I didn't receive anything from him." It's okay lang naman kung may matanggap ako o wala sa kanya. Afterall, I'm not his responsibility and I'm not that important to him. Valentin Perez is the most popular hot nerd in our university. Not that kind of nerd who always looking in books, he just wear eye glasses but he is hella intelligent. Gentleman and a good boy in short. "Bakit wala? For sure, pinaghandaan niya this time." Natutuwang sabi niya at binaling ang sarili sa phone niya. I wonder kung sino na naman ang bago niya. Madalas ko kasing mahuling may mga kausap 'tong random guys sa university. I wonder kung sino ang latest. "What about you? Sino yang ka-text mo? Bago na naman." After niya mag-type ng message at ngumiti siya sa akin na parang aso. Kinabahan ako tuloy sa kanya. "I texted someone I knew na ikatutuwa mo after natin dito." "Who is it? Baka mamaya binebenta mo na ko sa mga textmates mo, kadiri ka." Kung may ayaw man ako kay Marie ay yun yung palagi niya akong nirereto kung kani-kanino. Alam ko na minsan nakwento niya sa akin na yung gusto niya ay ako pala ang gusto kaya nireto niya sa akin kasi alam niyang itu-turn down ko and eventually babalik sa kanya. Then, ilang days lang pinagsawaan na ni Marie yung guy dahil di niya daw tipo ang mga gusto. "Hahaha! Just wait for his text, you'll thank me after that." Gusto ko siyang batukan dahil binigay na naman niya number ko. Ilang palit ko na din ng sim dahil may mga iba talaga na ayaw tumigil like Xander del Mundo. Bumuntong-hininga na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Wala naman akong masyadong gagawin sa mga papers pero I'm keeping myself busy para naman makalimutan pansamantala ang hinihintay naming text para sa akin. Ni hindi ko maalis sa isip ko na manghula kung sino yun. Binaling ko ang tingin ko sa isang folder na puno ng papel. Mukhang may darating na transferee na naman. Ganito kasi palagi sa office, may isang brown folder na nagsasabi na may new student na lilipat dito. Ayoko naman pakialamanan yun pero curious ako sa kung sino siya. Bubuksan ko na sana nang lumapit si Marie sa likod ko at tinitingnan ang hawak ko. "Ano yan?" Nang pinakita ko sa kanya ang puting folder, nanlaki ang mga mata niya sa excitement. "Omg! Buksan natin baka new baby boy 'to." Natatawa na naiinis ako sa reaksyon niya e. Akala mo naman talaga papatulan niya, paglalaruan lang naman niya. "Baka ibig mong sabihin, baby toy mo." "Whatever. Buksan mo na baka mamaya fafable naman pala." Excited siya talaga kung sino yung new student. Binigay ko na lang sa kanya ang folder ngunit bago niya mabuksan bigla na lang nag-ring phone ko. Nagtaka ako kung sino ang tumatawag, bago ko sagutin yung tawag ay nakita ko si Marie na todo ngiti sa akin at di na binuksan ang folder. Mas focus ang mga mata niya sa phone ko. "It must be him! Omg! Sagutin mo na yung tawag." Naasiwa ako sa mukha niya nang bigla siyang pumalakpak na parang bata kaya pinatay ko yung tawag. "What the? Bakit mo pinatayan?" "Well, I don't know who's calling. Sino ba kasi yun?" Reklamo ko sa kanya. Ayoko naman sagutin yung tawag kung di ko naman talaga kilala at lalo na kung nireto lang sa akin ni Marie. Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko kaya naman binaling ko tingin ko sa isang message galing sa unregistered number. +639063456879 Hi! It's Valentin Perez. Why aren't you answering? Are you busy? Can I call you again? Halos mabitawan ko yung phone ko sa sobrang gulat. I even sit on the couch para lang pakalmahin ang sarili ko. Is this even for real? "Sino nag-text? Hays!" Inis na tanong ni Marie habang nakatuon ang pansin sa phone niya. "If it is Valentin, it's true. I gave your number to him. Baka siya din yung tumawag sayo." Paalala niya kaya naman napasigaw ako sa tuwa at kahihiyan. "Seryoso? Sinayang ko yung call niya. Hays!" Medyo iritado na din ako kasi akala ko kung sino. I don't have Valentine's number kaya naman impossible na malaman kong siya yun. "That's my gift for you. It's a long story though. The thing is may date kayo ngayon." Naestatwa ako sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang segundo at hinihintay na sabihin niya na joke lang ang lahat. Masaya ako sa regalo niya sa akin na makakasama ko si Valentin pero baka kung anong magawa ko, baka maging OA ang mga magiging reaksyon ko sa kanya at baka mapahiya lang ako sa kanya. Tumayo ako at agad na niyakap si Marie mula sa likod. Nakakatuwang isipin na nagpakahirap siyang gawin ang lahat para lang pansinin ako ni Valentin. "Thank you, Marie for this one." "At dahil dyan, akin na ang iba mong regalo. Hahaha!" Medyo nabigla ako sa pagbabago ng mood niya. Halatang nagkukunwari lang siyang galit sa akin. Sinasabi ko na nga bang may kapalit ang lahat. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang mahinang katok mula sa sliding door at bumukas agad yun. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Valentin na may hawak na bulaklak at nahihiyang pumasok. "Happy birthday, Aly." Inabot niya sa akin ang mga bulaklak at nag-iwas siya agad ng tingin. Maputi siya kaya naman kita ko na bahagya siyang namumula. "Thanks." Matipid kong sagot at nilapag ang bulaklak sa malapit na mesa. Napansin kong di pa siya umaalis kaya naman kinalabit ko siya at bahagya siyang lumayo ng onti. "Since you didn't answer my call, pinuntahan na lang kita dito." Inayos niya ang kanyang salamin at bumuntong-hingina bago siya tumingin ng diretso sa akin. "And I was wondering if you want go out with me tonight." Napaiwas kaagad ako ng tingin sa kanya kaso di ko mapigilang di mapangiti sa kanya at feeling ko namumula na ko. Sobrang nahihiya ako sa pagyaya niya sa akin dahil alam kong napipilitan lang siya kay Marie dahil inutusan siya nito. Ayoko umasa agad. "Kung napipilitan ka lang, it's okay kung ayaw mo." Pagdadahilan ko. Humigpit bigla ang hawak ni Marie sa kamay ko. Alam kong di siya sa sang-ayon sa sinabi ko. "No, no. I'm really willing to go out with you. Actually, I asked Marie to help me. Please say yes." Feeling ko sasabog na ako sa sobrang pula ko na. Di ko akalain na niyayaya niya talaga ako. I can't help myself but to smile really wide. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko ang mga titig niya sa akin habang hinihintay ako. "Okay, I'll go out with you." Nakita ko ang paglaki lalo ng mga ngiti niya sa akin. To be continued.... -Moon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD