Chapter Six.

2237 Words
Chapter 6 Taylor Alyson Chua Tumakbo ako hanggang sa maabutan ko si Valentin sa tapat ng open fields kung saan may mga naglalaro ng football. Nag-alangan pa akong hawakan ang kamay niya dahil natatakot ako sa posibleng mangyari kapag dito kami tumigil, ayaw na niya sa football kaya naman baka magalit siya kung dito ko siya kakausapin. Pero hinawakan ko ang kamay niya na kinagulat niya. Hinila ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa isa sa mga park ng university. Hingal na hingal ako sa kakahila sa kanya at pansamantalang nagpahinga. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang pag-alala niya sa akin. Nang nahuli ko siyang nakatingin, umiwas siya ng tingin at nag-smirk. "Please, Valentin. I'm sorry kung di ko sinabi sayo yun." Hinahabol ko pa rin ang hininga ko at bahagyang tumungo. Ayokong makita siyang naiinis sa akin, parang nasasaktan ako. "Kailan mo balak sabihin sa akin? Kapag tapos ka na sa kanya?" Bigla akong nabigla sa kanya. Parang iba ang pinahihiwatig niya, parang may iba akong lalaki bukod sa kanya. "Is that how you look at me? Really? You could say to me right now?" Nakitang kong nabigla siya sa sinabi ko. Hindi na siya nagtaka, mukhang gets niya ang gusto kong iparating. "What? No! I wasn't looking at you that way. I'm sorry." Lumapit siya sa akin at pinigilan ko naman siya. Ayoko munang lumapit siya, baka mawala ang galit ko. "Then what? Ganun ba talaga akong tao? Di ko akalain na ganyan rin pala mag-isip sa akin." "No, Aly. Di yun ang gusto kong sabihin. Sorry, I got jealous. Di ko lang kaya na nasa feeling ka ng ibang lalaki." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Unti-unting nawawala ang galit ko sa kanya. Malakas ang epekto niya sa akin, pero nasaktan lang ako sa sinabi niya. OA na kung OA pero yun ang unang pumasok sa isip ko e. "Please, Aly? I'm so sorry. I'm sorry you felt that way." Di ko namalayan na lumapit na siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Bumuntong-hininga ako kasabay nun ang pagkalma ng isip ko. Wala na, bumigay na ulit ako sa kanya. I know nonsense lang ang pinag-aawayan namin. "Sorry, naging OA lang ako. Di ko pa rin tanggap na ganun iniisip ng mga tao sa akin e." "No, you are not that way. Hayaan mo sila, mas maganda ka pa rin sa kanila." "Sino yung pinakamaganda? Daya mo!" Sinubukan kong umiwas sa kanya pero hinablot niya ulit ako at niyakap. Natatawa siya sa akin at hinalikan ang ulo ko. "Of course, my mom. Sorry, mama's boy ako e." Natawa naman ako sa sinabi niya. Kaya naman pala grabe ang pag-alaga niya sa akin e dahil alaga siya ng mommy niya. "But she left us few years ago." Natigil naman ang pagngiti ko sa pagbanggit niya about sa mommy niya. Unti-unti akong kumawala sa kanya at hinarap siya. Napansin ko din na nabigla din siya sa sinabi niya kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry, hindi ko alam ang tungkol sa mommy mo." Bulong ko. Ayokong maalala niya yung sakit na nagbigay sa kanya noon nung nawala ang mommy niya. I want him to feel na nandito pa rin ako. "It's okay. Naka-move on na ako because of you. This is her last wish, to be with the one that I love." Ngumiti ako ng bahagya sa narinig ko. I guessed he granted her mom's wish. Nakakatuwang isipin na ako ang maswerteng pinaglaanan niya ng pagmamahal niya. "Naalala ko pa noon na ligawan na daw kita bago pa ako maunahan ng iba. Mom really likes you." Lumaki ang ngiti ko sa kwento niya. Hindi ko akalain na matagal na niya akong gusto at madalas niya akong nakukwento sa mommy niya. Hindi ko akalain na ganoon na lang ako kaimportante sa kanya noon pa. Maswerte ako na sa akin niya nilalaan ang pagmamahal na tinuro sa kanya ng mommy niya. "Then, I'll promise to be a good girl to you." I usually don't make promises but to be with him is different. I want to make a promise for him and for his mom. I want to give what he wants, for him to be happy with me every single day. "So, you are my girl now?" Pagkukumpirma niya. Lumaki lalo ang ngisi niya sa akin at nanlaki naman mata ko sa pagka-misinterpret niya sa sinabi ko. "I mean, a good girl friend to you, not girlfriend yet. Excited ka." Natatawang sabi ko kaya naman naging normal ang ngiti niya at tumango-tango siya. "If you say so. Doon din naman bagsak mo e, to be my first and last girlfriend." Sasagot sana ako sa cheesy lines niya nang may marinig akong palakpak mula sa likod ni Valentin. Nung lumingon kami pareho, nakita namin si Blake na nakatingin sa amin at pumapalakpak. "Sorry to disturb the both you but I think she still owe me a tour?" Walang gana niyang sabi at tumingin-tingin sa paligid. Napakawalang modo, panira ng moment namin. "So you're here, what brings you here, Arch?" Napansin ko ang pagiging malamig ni Valentin kay Blake. Nagtaka ako kung bakit sila magkakilalang dalawa. "The usual, Val. So she is your girl? Finally! I thought you're gay but I guessed I was wrong with you." "Don't try to be nice, Arch. Go mind your own business." Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Valentin at pagsara ng kamao niya. Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako sa kanilang dalawa. Kung mag-usap sila parang mortal silang magkaaway. "She is my business today, just today. Di mo pa mabigay yun?" Di ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya towards me. Ang bastos niya! Napakawalang modong lalaki. "You have to go through me first. You can't lay your dirty fingers to my girl." Hinawakan ko ang kamao niya para naman kumalma siya pero mukhang walang epekto e. Nakita ko naman na nag-iba na din ang aura ni Blake, biglang nagdilim. "Don't challenge me, Val. You know what I'm capable of." Tumingin siya sa akin na para bang inaakit niya ako kaya naman napaiwas ako ng tingin sa diri. Nagulat ako nang mabilis na tumakbo si Valentin papunta kay Blake at hinawakan siya sa kwelyo. Kitang-kita ko ang galit ni Valentin sa kanya, parang ang laki ng kasalanan ni Blake sa kanya. "Stop this nonsense of yours, you know what I'm capable of, too." Natawa naman si Blake sa kanya at bahagyang nilayo si Valentin sa kanya. Mukhang umiiwas sa gulo si Blake. "Chill, bro! I know my limits. And besides, I'm engage. Nothing to worry about." Bahagyang kumalma si Valentin sa narinig niya. Mukhang wala na dapat ipag-alala si Valentin e, actually wala naman talaga. Nakitang tumalikod na si Blake sa amin at kumaway sa amin. "Be careful, I might steal your girl. Bye cousin!" Nakita kong nag-igting ulit ang panga ni Valentin habang pinagmamasdan lumayo si Blake sa amin. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka di siya makapagconcentrate sa exams niya mamaya. And it bothers me also, na tinawag siyang 'cousin' ni Blake. So it means magpinsan sila at siya ang tinutukoy niya kahapon na napag-usapan nila ng daddy niya. Small world for us. "Sorry, nakita mo pa yun. Wag kang lalapit sa kanya, siraulo yun." Dire-diretso niyang sabi kaya naman hinaplos ko ang mukha niya para kumalma na siya. "Alam ko naman kung sino lalapitan at lalayuan ko e. Please calm yourself, may exams ka pa oh." "Paano ka pala? Hanggang gabi exams ko? Sino maghahatid sayo? Ang mabuti pa, sumabay ka na kay Marie." "If that's what you want, gagawin ko. Di na ko papasundo kay manong." I assured him. Tumango naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napapikit na lang ako sa kanya. Hindi ko na hinanap si Blake at agad kong nireport sa president na natapos na ang tour ko sa kanya. Hindi na siya nagtanong pa about sa kanya. Nang bumalik ako sa klase, nabigla ako nang makita ko si Blake sa klase namin. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero nagulat lang ako na nandito siya at sa mismong upuan ko siya nakaupo. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya habang siya naman ay nakatingin sa labas. Mukhang wala siyang pakialam sa mundo. Napansin niya siguro ako kaya naman lumingon siya sa akin at walang ganang tumayo at lumipat sa katabing upuan ko. Ayokong mag-isip ng kung ano mang bagay sa kanya kaso natatakot lang ako na baka makita kami ni Valentin, kahit hindi naman talaga kami magkasama, iisipin niyang magkasama kami at baka simulan na naman ng away nila. I don't want to see Valentin get mad again, actually natakot din ako sa inasta niya kanina kay Blake at tendency na makita ko siya ulit na ganun dahil his cousin would be around the university. Bakit kasi siya pa ang napiling maging nobyo ni Heaven? Ang daming lalaki sa states, yung mga taong matitino. Ano bang meron sa kanya? "Uupo ka ba o tititigan mo lang ako dyan?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko napansin na napatagal ang pagtitig ko sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at bahagya kong inusog ang upuan ko para malayo sa kanya, sadly nasa pinaka-edge na ako ng wall. So, hindi ako masyadong nakalayo sa kanya. "Bakit ka lumalayo? Dahil ba sinabi sayo ni Val? Don't waste your time on me, wala akong paki sa inyo." "Sorry, after that incident, parang ayoko nang mangyari ulit." Pag-amin ko. Wala naman masama kung sabihin ko sa kanya nasa isip ko. As much as possible, maiwasan na ang ganung klaseng gulo. "He's just overreacting, he's just scared that I can steal you from him." Nabigla ako sa sinabi. Gusto ko ibato lahat ng pwedeng ibato sa kanya para naman magising siya sa katotohanan at mabawasan ang kayabang niya. Kahit hindi niya aminin, kitang-kita sa kanya na saksakan siya ng yabang at hangin. Napairap ako ng wala sa oras. Bakit ko pa nga siya kinakausap? Tapos na naman tungkulin ko sa kanya so he is not responsibility anymore. Wala na akong paki sa kung ano man ang sasabihin niya. "You're scared too, scared that you might fall for me when I steal you away from him." Tumayo ako ng wala sa oras. Wala na akong pakialam kung nagtuturo ang professor namin pero sumosobra na siya. I will not stood down to his level, ako na lang ang iiwas para wala nang gulo. Dali-dali akong lumabas ng room at sinubukang magpahangin sa open fields. Nakaka-frustrate naman ngayon. Hangga't naaalala ko yung nangyari kanina, di ko maiwasang di magalit din. Mukhang alam ko na kung bakit galit si Valentin sa kanya, mukhang takot nga siyang maagaw ako ng pinsan niya sa kanya. I don't know pero I know he is capable of doing it. Di ko naman sinasabi na magpapaagaw ako, what if guluhin niya kami o sirain niya kami for his sake. Kampante siya na kaya niya kaming sirain dahil alam niyang isang grenade si Valentin, isang kalabit lang ay sasabog agad. As my part, I won't let that happen. Gusto kong maging okay kami, gusto ko na wag niyang pag-aksayahan ng oras ang pinsan dahil lang trip nito. I barely know Valentin, he is hard-headed, hindi siya basta-basta makikinig sayo. Kailangan mo muna ipaintindi sa kanya ang lahat bago ka niya pagkatiwalaan. "Binibiro lang kita, sineryoso mo agad? Mga babae nga naman oh." Agad akong napalingon at nakita siyang papalapit sa akin habang may usok na lumalabas sa bibig niya. "Bakit ka nandito?" Nagkibit-balikat lang siya sa akin at ngumiti. Nilagay niya ulit ang yosi sa bibig niya at humithit ulit bago bumuga ng usok. "At nakuha mo pang manigarilyo sa harap ko?" "Sino ka ba para pigilan ako? Magpinsan nga kayo." Lumayo siya at sumandal malapit sa isang puno. "May posisyon ako sa university at kaya kita ipa-suspend sa ginagawa mo." Pagdepensa ko. He just tsk-ed on me at umiwas ng tingin. Lumapit agad ako at kinuha ang yosi sa kanya tsaka ko siya inapakan. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. Tumingin siya ng masama sa akin at unti-unting lumapit. Akala mo naman masisindak niya ako. Oo may takot ako sa kanya at sa posible niyang gawin pero ipaglalaban ko ang tama para naman matuto siya. "And do I have a f*****g care if you have a position here? Mind your own business, you barely know me." "Well, you're in our teritory. Know your place here. Follow the rules." Pananakot ko din sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko nakuha lahat ng lakas na yun pero kakayanin ko siya kalabanin. Bahagya siyang lumayo sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Para bang kinakabisado niya ako. Bigla na silang ngumiti sa akin na para bang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Mukhang hindi siya natakot sa sinabi ko, o mukhang wala siyang pakialam sa kung ano man sinabi ko. May sasabihin pa sana ako nang tumalikod siya at mukhang aalis na siya. "I've done my part, good luck dealing with your monster." Huli sinabi niya bago siya tuluyang lumayo sa akin. Nagtaka ako sa sinabi niya pero nagkibit-balikat na lang ako. Nang tumalikod ako, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang nakatayo di kalayuan sa akin, naniningkit ang mga mata, kagat ang ibabang labi, nakasarado ang kanyang kamao at galit na nakatingin sa akin. It was Valentin raging in anger. To be continued.... -Moon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD