Araw nang sabado at maagang nagising si jerelyn para tumulong sa kanyang mga magulang sa bukid, S’ya pa lang ang gising at tulog pa ang kanyang mga magulang at kapatid. kahit na pa ka dilim nang paligid ay sinikap niya paring bumangon nang maaga para maka pag luto nang agahan at baon nila patungo sa sakahan.
tanging ang ilaw lamang ng lampara ang nag bibigay liwanag sa napaka dilim nang bahaging iyon kung saan s’ya nag luluto, nag preto s’ya nang itlog at tuyo, dinamihan nya na rin ang pag luto nang saging at kamote dahil gusto n’yang pamahagian ang kanilang mga kasamang mag sasaka.
salat man sa pera, pero busog naman sa pag mamahal nang mga magulang at kaibigan n’ya si Jerelyn, kaya, kahit pa pano ay na pa ka saya at swerti parin nang kanilang buhay.
sumapit ang alas singko nang umaga at na gising na din ang kanyang mga magulang at tamang-tama lang na natapos n’ya na ang pag p'preto nang itlog at tuyo.
“O! ang aga mo ata nagising anak?” aniya nang kanyang ina.
“Gusto ko kasing sumama sa bukid Nay, total sabado naman ngayun. Ani n’ya na ikina tango naman ng kanyang Nanay.
“Hala segi ikaw ang bahala anak”. Wika naman ng kanyang Ina.
“Upo po muna kayu nay, tay, at malapit na rin yang pinakuloan kung native na kape para mama pag agahan na po tayo, tataposin ko lang po itong pag wawalis”. Ani Jerelyn as kanyang mga magulang.
Nang matapos na s’ya sa pag wawalis ay nag hugas muna s’ya nang kamay at pumasok sa kanilang bahay para gisingin ang kanyang mga kapatid para maka pag agahan na sila nang sabay-sabay.
“Nay! ma una na po kayo, ako na ang bahala mag ligpit dito susunod po ako sa bukid para hatiran kayo ni itay nang pananghalian”. Ani Jerelyn at kinuha Ang basahan na dinampot ng ina nito para sana linisin Ang lamesa.
“Ikaw din ate maligo kana, ako na dito”. baling nito sa kanyang ate at mataman itong tinitigan, pakiramdam n’ya kasi may iniinda itong sakit, napa iwas naman nang tingin ang ate nya sa kanya at dali-daling umalis sa kanya harapan.
nang maka alis na ang kanyang mga magulang at ate, ay ipinagpatuloy nya na ang ginagawa, nilinis nya ang kanilang kubo at hinugasan n’ya lahat ba ginamit sa pag luluto kahit nagka itim-itim ang kanyang mukha dahil sa bandang ibaba nang kanilang kaldero at kalaha ay kiniskis n’ya nang mabuti para maging pilak ulit ang kulay nang mga ito, kahit naman kahoy ang pang gatong nila ay nililinis nila nang mabuti ang kanilang mga pinag lutuan. matapos sa gawaing kusina ay ang mga maruruming damit naman ang binigyang pansin ni Jerelyn, hiniwalay nito ang mga puti sa d' kulay na mga damit. nag simula na s’yang mag lakad papunta sa may tabing ilog dahil duon s’ya mag lalaba, bit bit ang isang may katamtamang laki nang baldi at naka sukbit naman sa kanyang ulohan ang batya na nag lalaman nang ibang mga damit. kailangan nyang dalian ang pag lalaba dahil magagahol s’ya sa oras, kaylangan nyang maka tapos agad sa pag lalaba, mag luluto pa s’ya nang tanghalian na dalhin n’ya sa bukid para sa pananghalian nang kanyang mga magulang. tamang-tama naman na may dumaan na nag bibinta nang isda sa daan nang pauwi na s’ya kaya naman ay bumili na lang din s’ya.
.
“Manang mag kano po ang isda nyu”? Ani Jerelyn sa tindira.
“40 pesos ang kilo ening bagong dating lang ito”. Wika naman ng tindira.
mabuti na lang at naka ipit s’ya ng pera sa may bra nya,
“Segi po manang pabili nang isang kilo po.” Ani’ya.
Habang nag lalakad pauwi ay ini-isip nya na kung anung klaseng luto ang kanyang lulutuin para sa isda na kanyang nabili.
“Aiii! tama! masarap ang sabaw sa tanghali, at e paksiw ko itong kalahati”. Ani’to na naka ngiti. Halata ang saya sa mukha ng dalaga.
“Para mamayang gabi, di naman kasi pwede na ilagay ko lang ito sa plato at takpan baka masira, wala pa naman kaming ref”. hay naku Jerelyn, wala nga kayung kuryenti ref pa kaya “? biglang singit nang kanyang kabilang isip at natawa na lang s’ya dahil kung ano ano kasi ang pumapasok sa isipan nya.
“Maka pag luto na nga nang madalhan na sila itay nang pananghalian”.
nag saing na muna s’ya nang bigas, at pagka tapos ay pomuntas’ya sa kanilang mini garden sa may likod bahay para mamitas nang mga gulay na kakailanganin nya pang sahog sa sabaw na lulutuin nya,
“Hello wonderland namin, kamusta naman kayo dito”? pagkausap ni Jerelyn sa kanilang mga pananim na mga gulay.
“Wow saluyot blooming natin ah bagong dilig.? aba talaga naman, ikaw din kangkong blooming na blooming ahh bagong dilig din, ano felling nang nadiligan sa araw-Araw ha!? masarap ba madiligan? Sana All na lang talaga, buti pa kau dilig ebridi ni nanay, pahingi ako kunti nang dahon mo ha!, ikaw din okra, Aba!Aba! ang lulusog natin ahh, hello kamatis kung ganda aii! taray ang kinis, oii! Di karin papahuli talong kung nilalangit ang kinis at ang haba din natin ah, naku naman ang lulusog pa, sabay himas patas baba ni jerelyn dito, siguro pag may makakakita sa ginagawa nyang pag himas-himas sa talong ay iba ang iisipin, pero, Jerelyn is Jerelyn walang paki., ohh ayan ah kompletos Rikados unidoz na kayo, Tara nat mag luto nang sinabawang isda”.
nang matapos na sa pag luluto ay ni ready nya na ang lahat nang kanyang dadalhin at ipinaloob sa isang basket na laging ginagamit nang kanyang magulang upang pag lagyan nang kanilang baon papuntang bukid.
ipinag handa nya muna ang mga kapatid nya ng pang tanghalian at tinawag nya ang mga ito.
“PINK, BLUE and RED, THE PINAKURAT TRIO., mag tanghalian na kau maya na yan kung ano man ginagawa ninyu.” sigaw nya sa mga ito., at nang maka lapit na ang trio ay binilinan nya muna ang mga ito bago umalis,
“Pag tapos nyung kumain ikaw na ang mag ligpit at mag hugas nang pinagkainan ninyu Pink ha!? at kayo namang dalawa Blue,Red tulong-tulong kayung dalawa, hugasan yung mga kaldero na pinag saingan at pinag lutuan ko ng sabaw, seguraduhing malinis ha kiskisin ng mabuti ang sa ibaba nang mga kaldero ok!? at wag kayung aalis nang bahay dahil sasabay na ako kila inay sa pag uwi tutulong pa ako dun sa kanila”. Mahabang talakay nito sa mga kapatid.
“Opo ate, panabay na sagot nang Trio”.
“Segi na akoy lalarga na”. nag simula na s’yang mag lakad pa puntang Hacienda Lonzaga nasa 20 minutes din ang kailangan niyang lakarin bago maka rating sa may entrance nang naturang Hacienda at 5 minutes naman patungo kung nasaan ang mga magsasaka.
nang maka rating nas’ya sa may entrance ay binati nya muna ang gwardya na andun,
“Magandang tanghali po mang Damian”, bati nya sa Ama ni Dailyn na s’hang gwardya duon.,
“Magandang Tanghali din sayo neng. Balik bati naman nito Kay Jerelyn.
“kumain na po ba kayo Mang Damian? Ani’to
“Hindi pa pero may baon naman ako dito”,
“Ahh ganun po ba!? baka po gusto nyung humigop ng sabaw may sabaw po akung dala, akin na po lagayan nyu”.
“Maraming salamat neng”. Pag pa pasalamat ni Damian.
nilagyan na nga ni Jerelyn nang sabaw ang bowl ni mang Damian.
“S’ya segi po tutuloy na po ako para maka kain na din po sila inay at itay.” Pag papa-Alam ni Jerelyn.
“Segi, maraming salamat talaga nang”., aniya mang Damian sa dalgita.
nang marating nya na kung nasaan ang kanyang magulang ay nilapag nya na sa may parihabang mesa ang kanyang dalqng basket at nilabas ang mga dala nyang pagkain at mga kobyertos bago nilapitan ang mga magulang,
“Mano po nay,”
“Ka-awaan ka ng dyos Anak”.
“Asan po si Tatay nay”?
“Andun sa may unahan anak”.
“Segi, tatawagin ko lang si tatay at sabay sabay na tayo kakain”.
“Hala segi Anak”.
habang nag lalakad s’ya ay nag ma mano s’ya sa mga mag sasaka na kanyang ma dadaanan
“Mano po mga nanay at tatay”.
“Oh! andito pa lang ang diwata”. sabay ngiti sa kanya nang mga matatanda.
“Ka-awaan ka nang Dios anak .” at ganun din ang iba nag mano s’ya at pinuntahan na ang kanyang itay,
“Mano po tay”. Aniya sabay Kuha sa kamay nito at dinala sa noo.
“Ka-awaan ka nang Dios Anak”. Ani’to.
“Tara na tay kain na po tayo”.
nag sabay sabay na silang nag tungo sa malaking mesa at na upo naman na ang kanyang mga magulang, s’ya na Ang nag hain ng pagkain at nilagay sa gitna para maka higop din nang sabaw ang iba pa nilang kasama, pinag silbihan nya rin ang kanyang mga magulang,
“kain napo nay, tay”.
“Aba! kay sarap namang mag luto nang inyung anak Marelyn”. Ani ng isa sa mga kasama nila sa tanghalian.
ngumiti naman ang kanyang ina dito at ang kanyang ama ang sumagot,
“Naman, Celia,, masarap talagang mag luto ang Anak kung yan,. maganda na, masarap pang mag luto at napaka talino pa”. pag bubuhat bangko nang itay nya sa kanya,
“Ang swerte nyu talaga sa mga anak nyu masisipag”.sabi naman ng isang kasamahan nila,. “
“Kaya nga!”. panabay na wika naman nang iba, kinuha naman ni Jerelyn ang mga slice fruits na inihanda nya,
“Ito po mga manong, manang, panghimagas po, may nilagang saging at pretong kamote pa po, ilalagay ko na lang dto sa may gilid para sa meryenda n’yu mamaya”. Ani Jerelyn sa mga ito.
matapos ang masagana at mapayapang pananghalian nila kasama ang ibang magsasaka ay pina uwi na s’ya nang kanyang magulang, wala naman dw kaseng ibang gagawin dun sa bukid. kaya uuwi na lang muna s’ya, sa susunod na s’ya tutulong.
habang binabagtas nya ang daan ay pakanta-kanta naman s’ya.
“It's not about the money money money
kailangan ko nang money money money
para maka ipon pang koli-heyo ah! ain't about ah che cheng che cheng ain't about yeah, tumambleng si mang pableng, we just ahhhhhh atay balunbalunan masarap e adobo.... biglang sigaw nya nang s’ya ay ma slide, at ayun na nga dahil s’ya ang tumambleng sa putikan imbes na si mang pableng,
“Kainis naman oh”. (yan kasi jerelyn kung gustong kumanta, kanta lang wag na man damay nang taong matagal nang nananahimik sa kabilang buhay) kastigo nya sa kanyang sarili.
pero bago pa s’ya maka bangon ay may nakita s’yang subri na kulay brown na may kunting putik. kaya gumapang s’ya para kunin yung subre, at nang buksan nya ay ganun na lang ang pan lalaki nang kanyang mga mata nang makita ang laman.,
sino ba naman ang hindi magugulat kung tumatagingting na sampung libo ang laman nang sobre na nakita nya!? binalik nya sa loob nang sobre ang pera at nilagay sa kanyang basket ang sobre. dahan-dahan naman s’tang tumayo, pero sa kasamaang palad ay natumba nanaman s’yang muli. o tadyang ko ang sheket,. di baling nag dive sa putikan kahit papano maswerti parin., aniya sa kanyang isipan at na pa ngiti kahit na puno nang putik ang kanyang buong katawan pati Ang kanyang mukha at tanging mga mata nya lang ang malinaw.