Chapter 2: Go out with me

2740 Words
One week had passed since I started working here at IGC. So far hindi pa ako nasi-sesante kahit ang dami ko ng kapalpakan na nagagawa. Ewan ko ba don sa boss ko. According sa mga ibang empleyado dito sa IGC na naging friends ko ay napaka-strict daw ni Sir Stephen. There must be no room for mistakes daw or else you’re fired! Samantalang ako, isang linggo ko pa lang dito ay hindi ko na mabilang ang mga kapalpakan ko. Minsan natapunan ko siya ng kape. Nung minsang may board meeting ay hindi ako nakapagtake-note dahil nakatitig lang ako sa kanya. Tapos inaway ko pa ang isang babaeng pumunta at naghahanap sa kanya. At ito ang worst… nahuli niya akong nakatitig sa kanya habang natutulog siya sa couch niya. Natutulog siya that time sa couch and kita ko ang struggle niya dahil masyadong maliit para dito ang couch na kinihihigaan niya. I don’t know what drove me to kneel down beside him and stare at his handsome face but I just found myself doing it. I was tracing his face with my hand when he suddenly opened his eyes. Pakiramdam ko ay literal na tumalon ang puso ko. Tumayo ako agad at bumalik sa table ko ng hindi nagpapaliwanag. Haay… naiintindihan ko na kung bakit nasesante ang mga dating secretary niya. Napakagwapo nito kasi. But there’s something about him that feels familiar to me. Hindi ko maipaliwanag pero sa tuwing tumitingin siya sa akin at bumibilis ang t***k ng puso ko… parang normal lang yon. Parang normal lang para sa akin ang tumibok ng napakabilis ng puso ko kapag napakalapit niya sa akin. Sa tingin ko nababaliw na ako. Pero minsan naisip ko… di kaya kilala ko dati si Sir Stephen before ako nagka-amnesia? It’s possible pero hindi rin. “Angie, night out tayo.” Aya sa akin ni Sabrina habang inaayos ko ang gamit ko dahil uuwi na ako. “Sige ba! Saan? Sino kasama natin?” Pumayag ako agad dahil wala naman akong pasok bukas dahil weekend na. “Sa The Wild. Sasama sina Laila, Mica  at si Papa Liam!” kilig na kilig na sabi ni Sab. Crush kasi nito si Liam, ang head ng finance. I can’t blame her though. Liam is very hot! But he’s not my type. Napaka-chic boy kasi nito. Hindi pa ako nakakapunta sa The Wild na sinasabi ni Sab. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga night out na yan pero gusto kong maranasan. At isa pa ayokong maging KJ.  Napagpasyahan namin na susunduin ako ni Sab dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang The Wild na yon. At isa pa, I don’t have a car. Nag-taxi ako pauwi at agad na nag-ayos. I’m quite excited about this night out dahil I’m going out with some friends. I don’t have friends. Well, I used to but since the accident nakalimutan ko sila. They tried to make me remember pero hindi ko talaga sila maalala kaya lumayo sila sa akin. And it was okay with me. Nung una akong magising ay alangan pa ako kay Mama at kay Papa. I was scared to death dahil wala akong maalala that time. I can’t even remember my own name. I don’t trust anyone and I was so confused. Palagi ko pang tinataboy noon si Mama at Papa but Mama has been patient with me hanggang sa gumaan ang loob ko rito. Mama tried to make me remember by showing me my photos of my childhood. Doon ako naniwala na anak talaga nila ako. “Angel, nandito na ang susundo sa’yo!” tawag ni Mama sa akin. “Anjan na ako!” I shouted at nagwisik ako ng perfume. I looked at myself in the mirror and smiled. I look just fine. Bumaba ako at humalik kay Mama bago ako dumiretso sa labas dahil hinihintay na ako ni Sab. “Ang bagal mo naman! Bilis!” hindi makapaghintay na sabi ni Sab. “at ano yang suot mo? Ang sabi ko night out hindi simbang gabi!” nanlalaki ang matang sabi nito. “What’s wrong with my outfit?” tanong ko rito but she just shrugged her shoulders. “Hay wala po! Halika na!” hinila na niya ako papasok sa loob ng sasakyan and I was a bit surprised to see Liam in the driver’s seat. “Hi Angela!” nakangiting bati nito sa akin. “Hello.” I smiled at him too. Ako lang ang nasa likod at nasa front seat naman si Sab. “You look cute.” Sabi ni Liam sa akin. “Ah thanks.” I smiled at him again and looked at Sab who was glaring at Liam. “Bilisan mo na nga! Baka hinihintay na nila tayo doon.” Bakas sa boses nito ang inis. Ito talagang babaeng ‘to. Patay na patay ito kay Liam pero imbes na magpacute kay Liam ay sinusungitan pa niya ito. I guess ayaw lang niyang mahalata ni Liam ang feelings niya. We arrived at The Wild after 15 minutes. Ang The Wild  ay isa pa lang night club! OMG! Masyadong OP ang suot ko. Paano naman kasi! Naka-white dress ako na hanggang tuhod. I’m so stupid! Pero hindi ko pinahalata na hindi ito ang inaasahan ko. Usok, amoy ng beer, maingay na tugtog agad ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa loob ng The Wild. The place really suits its name because it was literally wild! There are lots people around. Maraming nagsasayaw sa dance floor at parang gusto kong lumabas at tumawag ng taxi pauwi when I saw some couples were almost having s*x inside the place! My God! Ito pala ang night out na tinutukoy ni Sab! I thought kakain lang kami sa labas! Sabrina pulled me where the other guys are. Nakipag-beso-beso si Sab kina Mica at Laila. At may tatlo pang lalaki doon na hindi ko kilala but their faces are familiar. They must IGC’s employees too. Usap sila ng usap habang ako ay tahimik na nakaupo lang doon. Sana hindi na lang ako sumama. Sobrang out of place ako tuloy. “Huy! What’s wrong with you? Bakit ang tahimik mo?” untag ni Mica sa akin. Assistant ito ni Sab. I shook my head. “Nothing. I’m okay.” Sabi ko. “Uminom ka nga para ka kasing na-i-ebs na hindi mapakali.” Sabi nito at inabot nito sa akin ang isang baso na may laman. Hindi ko alam kung ano ang laman niyo pero dahil nga ayokong maging KJ ay ininom ko yon. Pagkatapos kong maubos ang isang baso ay wala na akong maalala. ~~~~~~~~~~~~~ “Mother of holy f***s! Is that Sairah?” Napatingin ako kay Alex dahil sa sinabi nito. We were in The Wild, night club na pag-aari niya. I looked at his face and he looked pale. Tiningnan ko ang tinitingnan nito and I cursed when I saw Angela dancing wildly in the middle of the dance floor with Liam. Last month I got the surprise of my life when I saw her at the cemetery sa harap ng puntod ni Sairah. I knew instantly in my heart that, that woman, Angela is my Sairah. Hindi ako pwedeng magkamali. Pinahanap ko siya agad pero hindi nagawa ng maayos ng mga taong inutosan ko. But one day, she popped out inside IGC shouting at me and calling me names. But I was too absorbed in her eyes... red and fiery. She was so beautiful and her lips were so inviting that I had to move mountains just to stop myself from crushing mine to hers in a passionate kiss. I acted cold towards her because I don’t want to scare her just like the last time. I don’t want her to run away from me again. Plus, I am still observing her. I am certain that she is Sairah. The way she talks, she moves, she walks, she smiles and she laughs… parehong pareho kay Sairah. Even the way she makes me coffee and cook me food. May inutusan na akong tao para alamin lahat ng tungkol kay Angela Evangeline dela Vega at malapit ko ng makuha ang resulta. Kahit na sigurado akong siya si Sairah ay gusto ko pa ring malaman kung bakit wala itong maalala at sino nga ba ang Angela dela Vega. I want concrete evidence. “Holyshit! Siya nga!” Alex shouted which put me out of my reverie. Humarap ako sa kanya. “Don’t tell this to anyone.” I said before I left him confused and I went to Angela. Liam the bastard was enjoying how Angela dances wildly in front of him and I want to punch his f*****g face off. Hinila ko si Angela and I pushed Liam harshly. “f**k off.” I said coldly. “Sir?” tumingin ako sa may-ari ng boses at nakilala ko ang iba ko pang empleyado sa IGC. “Why did you let her drink? Don’t you know that she can’t handle her drink well? Mabilis siyang malasing!” I shouted at them. “And you?” I faced Liam and glared at him. “Stay away from my girl.” I said before I lifted Angela bridal style. Tulog na ito dahil sa kalasingan. I was on my way out of that place when Alex called me. “Holyshit! Si Sairah nga! Akala ko multo! Pero paano?” naguguluhang tanong nito sa akin. “Hindi ko rin alam. But don’t tell anyone about this dude. This is just between you and me.” I told him at dinala ko na si Angela sa loob ng  kotse ko. I don’t know where she lives so I brought her to my unit. I deposited her on my bed and took her clothes off dahil pinagpapawisan na ito. Tinira ko ang mga underwear niya dahil ayokong mag-freak out ito paggising nito. I was giving her a sponge bath when I noticed a scar in her chest near her heart. I caressed it and she moaned. f**k! Hindi ako pwedeng magkamali! The scar was in the same spot where Sairah stabbed herself. “Sairah… hindi ko alam kung bakit mo ko nakalimutan but I’ll make you remember, babe.” I whispered and give her a smack kiss on the lips. I took a cold shower after taking care of her. I feel hot damn! God knows how I want to take her but she’s drunk and I don’t want to take advantage of her. I wore a sweat pant at tumabi ako rito at yumakap. God! I missed her so much! Naramdaman kong nagsumiksik pa ito sa akin and I smiled. This is how it should have been… Sairah and I together. And this is how it should be. Hindi ko na hahayaang mawalay pa ito ulit sa akin. ~~~~~~~~~~~~~~ This feels really good. I was hugging something warm and soft yet hard. And I can’t get enough of it. Ang sarap sa pakiramdam. Nagsumiksik pa ako sa bagay na yon at naramdaman kong humigpit ang yakap nito sa akin. Then something happened… parang may pumukpok sa ulo ko and I winced in pain. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko parang mabibiyak na yon sa sobrang sakit. “Aww! OhMyGod! Aray ko! Mama! Mama!” I called mom. “What’s wrong?” Teka? Hindi yon boses ng mama ko. Parang boses ng lalaki yon ah? I looked up and I saw SIR STEPHEN! Topless! “KYAAAA!!!!!!!” I pushed him at nahulog ito sa kama. Kama? Ohmygod! Bakit magkatabi kami sa kama? Bakit kami magkasama? Nasaan ako? Ngayon ko lang napansin na wala pala ako sa kwarto ko. But the room seems familiar… “What is wrong with you?!” naiinis na tanong nito habang hinihimas ang lower back nito. Medyo nabawasan ang sakit ng ulo ko at humarap ako rito bago ko siya sinampal ng malakas. “Walanghiya ka! Manyak! r****t! Magnanakaw!” sigaw ko sa kanya habang walang humpay ang paghampas ko sa matigas nitong dibdib. Teka nasasaktan ba ‘to? “Magnanakaw?” hindi makapaniwalang tanong nito at sinampal ko ulit ito sa mukha. “Oo! Magnanakaw ka! Ninakaw mo ang puri ko! Ang virginity ko! I hate you! You p*****t! You r****t! You thief!” “Nakakasakit ka na!” sigaw nito at tinulak niya ako at bumagsak kaming dalawa sa kama with him on top of me. He was holding my wrists above my head and my heart skipped a beat then it became erratically fast. His eyes were on my face at bumaba yon sa labi ko. He was looking at my lips as if he wants to kiss me and I gulped. His body was so close to mine I could feel his heat. And he’s hot! Oh my! “Nothing happened.” He said and I didn’t get him. “Huh?” Binitawan niya ako tumayo siya. “I said nothing happened. You were drunk and asleep. Kung hindi ako dumating malamang iba ang nakanakaw ng sinasabi mong puri.” “Whew!” I sighed in relief. “But wait! What do you mean kung hindi ka dumating?” tanong ko rito habang binabalot ko ang kumot sa katawan ko. Ngayon ko lang kasi napansin na wala akong suot na pang-ibaba maliban sa panty at nakahantad rito ang legs ko. Nakakahiya! He glared at me and I gulped. “Bakit ka uminom kung hindi mo naman kaya? You were so drunk last night and you were all over Liam! That bastard! I’m gonna f*****g fire him!” Bakit parang nangyari na to dati? Déjà vu? Something flashed in my mind. A man shouting at me but his face was shadowed…  I thought you’re smart! How can you be stupid??? Hindi mo pala kayang uminom ng marami pero uminom ka pa rin…. Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ulit yon. “Are you okay?”  “Sairah” “Angela? Are you okay?” “Huh?” “Are you okay? You look pale?” Tumingin ako rito and his worried eyes greeted me. I nodded. “Hangover lang ‘to.” I said. “Halika rito.” He said and he pulled me. Pumunta kami sa kitchen niya at pinagtimpla niya ako ng kape at ako ay nakatayo lang doon. This place seems familiar… parang nakapunta na ako dito. I shook my head. Paano naman ako makakapunta sa place ni Sir? Hay naku! Baka may napuntahan lang akong lugar dati na pareho ng interior design. “Heto… kape pampatanggal ng hangover.” Tinanggap ko ang kapeng tinimpla niya at humigop ako. Medyo okay na ang pakiramdam ko at nang maubos ko ang kape ay tinanong ko ito kung sino ang nagtanggal ng damit ko. “Ako.” He answered. “WHAT?” I screamed. “Ikaw? Then nakita mo ang…” “Yeah… I saw your hello kitty printed panty.” Tinampal ko ito sa braso. “Ang manyak mo! Bakit mo ginawa yon?” “Huy! Wala akong ginawa sa’yo. I just took your clothes off. Kasi pawisan ka na and you reek of alcohol. I saved you last night from Liam’s claw and I took care of you and instead of thanking me you are beating me.” Natigil ako dahil sa sinabi nito. Tama ito. Dapat akong magpasalamat rito pero naiinis ako dahil halos nakita na nito ang buong katawan ko. “T-thank you.” I muttered. I can feel myself blushing. “Hindi sapat ang thank you lang. You slapped me twice and it hurts like hell. Isama mo pa ang paghampas mo sa akin. Ang bigat ng kamay mo.” Kinabahan ako. Paano kung hingin nito ang virginity ko? Ibibigay ko ba? Yes! I mean no! Hindi pwede! “Go out with me.” “Huh?” Wait? Did he just ask me out??? “Go out with me.” To be continued…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD