Hideout 2.0
Napahawak pa ako sa tiyan ko. "Awww."
Masakit.
Parang pinipilipit yung loob. Lintek may lason pa yata yung nainom ko.
"Arayy! Ang sakit ng tiyan ko. Aray!" daing ko
Ano ba ba't wala siyang ginagawa?
Tinitigan lang ako nito habang nakapamewang. Iniisip niya siguro umaarte ako.
"Aray! Hoy tanga totoo na 'to!" Mas lalo pang sumama ang tingin niya dahil sa sinabi ko.
"Arayyy ko nga! May lason ba yung tubig mo?!"
"Tubig? I don't have water in here." kunot noong sabi niya
"Eh ano yung nainom ko?! Arayyyy! L-Lason?!?"
Mukhang naniniwala na siya dahil nilapitan niya na ako at inalalayan papuntang sofa.
"Ano yun?! Awwww!"
Natataranta na siya, kinuha niya ako ng coke. Coke?! Seryoso papainumin niya ako ng coke sa ganitong sitwasyon?
"Pagkatapos mo akong lasunin bibigyan mo ako niyan?!" inis na singhal ko
"Hindi nakamamatay ang rain water."
Nagpabalikwas sa 'kin sa pagkakasubsob sa sofa. "Rain water?! Bakit nasa ref ang tubig ul–aray! Punyawa!"
Alien ba siya? Sinong nasa matuwid na pag iisip ang magsasahod ng ulan at ilalagay pa sa ref?
"Jix, pag ako namatay mumultuhin kita hanggang sa ikasampung reincarnation mo!" Dinuro duro ko pa sjya. "Ayoko pang mamatay, di pa ako nakakatikim ng luto ng Diyos." Isinubsob ko ulit ang mukha ko sa sofa. Wtf? Anong sinabi ko? Sana hindi niya na-gets...
"I said hindi yan nakamamatay. Makakatikim ka pa ng luto ng Diyos." Parang may halong pang aasar yung huli niyang sinabi ah.
Shit!
Pakiramdam ko namumutla na ako, ano ba kasi yung lumabas sa bibig ko?
"Araaayy! Shut up! Mas lalong sumasakit dahil sa ingay mo. Arayy!" Bakit ganun? Nawala na yung p*******t. Ano ba sumakit ka na lang kailangan pa kita.
Narinig ko ang paglakad niya palayo sakin, yes! Umayos na ako ng upo sa gilid ng sofa habang nakasandal naman siya sa fridge.
"Aray sakit padin." sabi ko pero mukhang hindi ko siya na-convince, "Bakit kasi sa ref mo nilalagay?"
Lakas ng loob ko manermon. Eh bakit din ba ako nakikiinom at nakikialam? Yun yung nasa isip niya malamang.
Umirap lang siya.
"Buti na lang di ako namatay, makakakain pa ako ng karne ng manok, baboy, at baka na mga luto ng Diyos." Nakatingin ako sa kaniya habang sinasabi yun.
And s**t!
Kitang kita ko ang bahagyang pag ngiti niya. Sana kainin na lang ako ng lupa, sobrang nakakahiya yun. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong hiya. Pano ko ba 'to lulusutan? Bakit niya ba kasi na-gets yun e salitang balbal yun. Huhu
"Ahhh sumasakit na naman.. Awww!" Pag arte ko pa at akmang dudukdok sa sofa pero may kung anong matigas na bagay ang tumama sa noo ko. Ano na naman ba yun?!
Mabilis siyang lumapit sa 'kin. "I didn't mean it."
Agad kong hinanap ang matigas na bagay, remote control pala. Dinampot ko yun at walang pagdadalawang isip na pinukpok sa noo niya.
"Awww!" Baliw ka ba?!" Ayan sumisigaw na naman siya. "I said I didn't mean it!" pahabol niya pa at lumayo sa 'kin
Matapos mo akong painumin ng maruming tubig ngayon bubukolan mo naman ako.
"Well, I mean it and sorry. Oh atleast ako nag sorry pero ikaw hindi." Depensa ko pa sa baluktot kong dahilan. "Bakit mo kasi hinagis?!" galit galitan na singhal ko
"Bakit ka kasi humiga?!" bwelta niya
Aba, sumasagot ka na ah. Niyakap ko na lang ang throw pillow at salubong ang kilay na umupo dun sa gilid. Hinihimas himas ko ang noo ko, ang sakit nun ah.
"Oh, walang ice pack dito." walang tingin na abot niya sa lata ng coke
Bato ko pa sa kaniya to e. Tinanggap ko naman yun, pero sa halip na ilagay sa noo ay binuksan at ininom ko yun.
"Bakit mo ininom?!" Halos magdugtong na ang kilay niya. Labis na stress na yata ang naidudulot ko. At ikinasasaya ko iyon.
"Hahayaan ko siyang magbukol para makita mo ang ginawa mo at ng hindi ka patulugin ng konsensiya mo!" mataray na sabi ko at piniga ang lata ng coke sa kamay ko
Napasapo na lang siya sa noo niya at muling sumandal sa pader. Tsk
Nakabusangot lang ako sa pinaka-gilid ng sofa. Tanging ang tunog lang mula sa TV ang naririnig naming ingay. Nakakabuwisit talaga!
Maya maya ay kinapa ko ulit ang noo ko at naramdaman ko na ang tila pag umbok doon. Ito na...
"Hoy! Tingnan mo lumabas na yung bukol ko oh! Tumingin ka."
Nakapilig kase ang ulo nito sa kung saan. Muntanga.
"Hoy tingnan m–" Naputol ako sa pagsasalita nung humarap siya sa 'kin at nakitang mas malaki yung bukol niya.
Napahagalpak ako sa tawa habang tinuturo ko pa yung bukol niya. Nilapitan ko pa siya para muling humagalpak ng tawa
"Ang laki!" sabi ko pa sabay hawak pa sa tiyan ko
Para siyang bukol na tinubuan ng Jix. Grabe ganun ba kabigat kamay ko?
Naka-cross arms lang siya habang tinitingnan ako ng napakasama. Well, wala akong paki. Sobrang nakakatawa kaya, ang seryoso ng mukha niya tapos may malaking bukol sa noo. Sumasakit na ulit yung tiyan ko dahil sa katatawa kaya sinikap ko ng huminto.
"Kala mo makokonsensiya ako. Bleh!" Nagbelat pa ako para mas mabwisit ko siya. Galing mo talaga Kila.
"Immature," pabulong na sabi nito pero narinig ko
Inirapan ko agad siya. "Killjoy! Alam mo Jix paminsan minsan masarap din maging tanga. At saka bawasan mo ang pagiging masungit mo, lalo na sa 'kin. Duh! It's not like first encounter natin 'to. At hindi mo ako masisindak, okay? Tsk" Walang tingin na sabi ko, naramdaman ko naman ang paglakad niya palapit sakin. Hala! Sasakalin niya kaya ako? Napayakap ako ng mahigpit sa throw pillow. Napasinghap pa ako sa pabigla niyang pag upo sa sofa.
"Hoy! An–"
Sinalubong niya agad ako ng nagliliyab na mata. Oo nga pala, kanina pa siyang nakatayo tapos sofa niya pala ito. Ikinipot ko na lang ang bibig ko para walang gulo. Nanatili kami sa ganoong sitwasyon, nasa magkabilang dulo kami ng sofa. Another unexpected moment with this monkey.
Habang nanunuod ay biglang tumunog ang phone ko. Dali dali akong lumayo para sagutin yun. Si Ranz
"Hello?"
"Hey, where are you? Kanina pa kami nag aalala."
"Ah, eh n-nandito sa ano...sa field." pagsisinungaling ko
Pero sakop parin naman ng field to ah.
"Eh bakit may naririnig akong TV?"
"Ha? Eh hindi yun TV, music yun. May nagsa-sountrip kasi sa kabila. Eh teka? Tapos na ba ang klase?"
"Nope, nag CR lang ako to make a call."
"Oh! Okay. Sige–"
"Sa labas ka nga makipag usap! Ingay!" Malakas na sigaw ng punyawa na si Jix.
Tinapunan ko siya ng napaka-samang tingin. Epal!
"Kila, sino yun?!"
May bahog ka talaga Montereal.
"Ah wala, mga ibang estudyante lang. Sige na, tawagan n'yo na lang ako after P.R, Bye."
"Pero Ki–"
Hindi ko na pinatapos si Ranz at ibinaba ko na ang tawag.
"Napaka-epal mo talaga." asar na baling ko kay Jix
Pero siyempre dedma lang siya, pinalagpas ko na yun at naupo na lang ulit sa sofa. Dalawampung minuto na lang ang kailangan kong hintayin, mananahimik na lang ako dito.
Ganoon nga ang naging sitwasyon namin. Magkasama pero di nag uusap, iisa ang upuan pero di magkatabi. Oh diba? Parang may nakahahawang virus ang isa sa amin. Pero ayos na din yun, kaysa nasa labas ko na mainit.
Makalipas ang 20 minutes ay nagdecide na akong lumayas sa hideout ni boy sigaw.
"Byebye, salamat sa bukol at tubig ulan ah. Well appreciated." sarkastikong sabi ko
Ni hindi man lang siya natinag sa pagkakaupo niya at panonood. Hmp! Bahala ka diyan... Bago lumabas sa garden ay sinigurado ko munang walang makakakita sa 'kin, mahirap na at baka maissue na naman kami. Mga chismoso at chismosa pa naman ang mga estudyante rito. Nung makitang walang estudyante na malapit ay mabilis na akong lumabas at halos patakbong naglakad patungo sa hallway.
"Kila!"
Napalingon ako kay Ranz at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan niya. Hindi na ako nag aksaya ng oras at pumasok na sa loob ng kotse.
"San ka ba talaga galing?" bungad niya
Bakit parang galit siya?
"Maya ko na paliwanag sa resto."
Nagbuntong hininga lang siya. Galit ba talaga siya?
Pagdating sa chinese resto ay sinalubong ako ng mga nakakunot nilang kilay. Ano bang ginawa ko?
"Gawain ba ng matinong estudyante yan?" tanong ni Kurt
Teka una sa lahat, matino ba akong estuyante? Tsk
"Eh kasi nga tinulungan ko lang si Yvette tapos dinala ko siya sa coffee shop. Ayun nauwi sa kwentuhan, nakalimutan ko tuloy na estudyante ako. Tapos di na rin ako pumasok sa P.R, syempre nagcutting classes na rin ako edi susulitin ko na." mahinahong paliwanag ko
Mas lalo pang nangunot ang mga noo nila. Grabe parang ako lang ang nagcu-cutting dito ah.
"Diba sinabihan ka na naming wag mangialam diyan sa issue ni Yvette. Napakatigas talaga ng ulo." sermon pa ni Ranz sa 'kin
"Eh di ko naman yun intensyon. Saka si Kian naman kaya ang unang nanghimasok, sinegundahan ko lang. At saka wag na kayo manermon, di naman ako nakipag away. Ang totoo nga niyan, okay na kami ni Yvette e."
Mukhang tinatanggap na naman nila ang sinasabi ko pero masama parin ang tingin sa 'kin.
"Teka, asan pala si Kian?" pag iiba ko
"Umuwi na nung umaga pa. Diring diri dun sa yellow thing na ipinaligo sa kanya." sagot ni Hyun
Napaka-arte talaga ng mokong na yun.
"Ikaw talaga, gagawin mo kung ano ang maisip mo. Eh saan ka ba nagpalipas ng dalawang oras? Saka ano yang nasa noo mo?" tanong pa ni Ranz at chineck ang noo ko
Naalala ko na naman ang bwisit na Jix na yun.
"Sa field nga. Tapos ito naman, wala yan kinagat lang ng lamok kasi nakatulog ako." pagsisinungaling ko
"Higanteng lamok?" Bahagya pang natawa si Miel
Napairap naman ako.
"Eh basta sinabi ko na lahat nang nangyari. Umorder na tayo nagugutom na 'ko. Hmm" Nagpaawa effect pa ako at napabuntong hininga na lang sila sabay irap.
Di rin kayo mananalo sa 'kin.
Nakakunot parin ang mga noo nila sa 'kin kahit nung kumakain na kami. Para talagang kuya ko kung umasta. Tsk.
Bumalik na rin kami sa classroom pagkatapos naming kumain. Kahit papaano ay malungkot din pala ang room pag wala ang bruhang si Yvette.
"Hyun ilang taon ng magkaibigan yung apat na bruha?" bulong ko
Nakapaikot kasi kami at nagkwekwentuhan sila.
"Since 7th grade, I guess. Why?"
Umiling lang ako. Almost 5 years silang magkakasama pero nauwi pa rin sa pangta-traydor ang pagkakaibigan nila. Sabagay, kung ako nga simula pagkabata nagawa paring traydurin e. Alam ko namang nakakabwisit si Yvette pero di hamak na mas lamang ang pagka-bwisit ko sa tatlong traydor. Nasusuka ako sa mga gaanong uri ng tao.
"Iniisip mo na naman kung anong sunod mong panghihimasukan?" Nag snap pa ng daliri sa mukha ko si Rye.
Agad akong napairap, oo na pakialamera na nga ako. "Heh!"
Natawa naman siya, tsk.
Naging maayos naman ang hapon na iyon, mukhang hindi rin naman ako mapapagalitan sa pagka-cutting class ko kanina. Subukan lang magsumbong ng tatlong traydor at uupakan ko sila.