Denial
Kila
MAAGA akong pumasok kinabukasan, dahil gaya nga ng sabi ko balik na sa normal ang lahat. No more Jix issues and stuff. Oh, I shouldn't mention that wicked name. Pagpasok sa room ay kakaunti pa lang ang mga kaklase kong nandoon, nakita ko namang occupied na ang upuan ng isa sa mga kaibigan ko.
"Aba, ang aga mo ah." bulong ko sa sarili ko
Dahan dahan akong lumapit dito, hindi niya naman ako napansin dahil patagilid siyang nakadukdok sa desk habang ang mata ay nasa kaniyang cellphone. Sinilip ko kung anong tinitingnan nito at ang naniningkit kong mata sa pagsilip ay agad nanlaki dahil sa nakita ko. Mabilis na lumapad ang ngiti ko sabay hablot sa cellphone ni Kian.
Bakas ang gulat sa mukha nito, habang inulit ko pang tingnan ang cellphone para makompirma kung tama nga ba ang nakita ko. Noong nakita niya ang ginawa ko ay agad niyang inagaw ang cellphone, pero huli na dahil na picturan na iyon ng mga mata ko.
"Aha! Bakit mo tinitingnan ang mga pictures ni–"
Agad nitong tinakpan ang bibig ko at hinila ako palabas ng room.
"Napindot ko lang."
"Wow! Napindot mo lang yung ma-search ang pangalan niya? Napindot mo lang din yung profile niya? Pati ang photo album napindot mo rin? Ang talented naman." sarkastikong sabi ko na hindi parin natatanggal ang lapad ng aking ngiti
Sobrang sama ng tingin nito sa 'kin, na tila pinapatay na ako sa kaniyang isipan.
"Tinitingnan ko lang at naghahanap ako ng picture, kase ipapakulam ko na siya."
Hindi ko mapigilang matawa sa walang kwentang palusot nito. "Kahit sa langgam ka pa magpaliwanag hindi yan tatanggapin. Ano nga? Gusto mo si...Yvette 'no?" Ibinulong ko pa sa kaniya ang huling sinabi ko.
Napalinga linga pa siya sa paligid saka ako hinila palabas ng room.
"Hindi nga! Bakit ko naman magugustuhan ang bruha na yun?"
"Eh diba nga, the more you hate the more you love." sinundot sundot ko pa ang pisngi nito
Mas lalong dumilim ang kaniyang aura.
"Hindi talaga totoo? Kahit sabihin ko pa kina Ranz?" sabi ko pa at nagcross arms
Napabuntong hininga naman ito. "Okay fine. Parang gusto ko siya pero di ako sigurado. Sino ba naman kasing magkakagusto sa bruha na yun?"
Mukhang problemado ito sa tila pagkakagusto kay Yvette. Bagay naman sila ah, parehong may bahog.
"Edi ikaw!" mabilis na sagot ko, "Alam mo Prince, pag ang feelings pinigilan, mas lalong tumitindi yan."
Nag smirk pa ito. "Anong alam mo sa love? Eh NBSB ka." may bahid ng pang aasar ang boses nito na ikinairap ko.
"Wag mong ibahin ang usapan. Basta, may alas ako laban sa 'yo. Ano kayang kapalit ng pananahimik ko? Hmmmm.." kunwari ay nag iisip pa ako habang malapad parin ang ngisi ko
"Tsk. Akala mo magagamit mo laban sa akin ito? Asa!" kompiyansang sabi niya
"Well, let's see. Mukhang nasa room na sina Ranz. At saka sino ba ang mas mukhang kapani-paniwala sa 'tin?" Kinindatan ko pa ito at saka naglakad, pero mabilis niya din akong hinila pabalik.
"Okay fine! Ano bang gusto mo?!"
"Una, tawagin mo akong master. Pangalawa, dahil master mo ako dapat susundin mo lahat ng iuutos ko. Inshort alipin kita, kahit pa Prince ang pangalan mo."
"Alipin?!"
"Yes. Alipin, uripon, muchacha, utusan. A.li.pin." sabi ko at tinapik sya sa kanyang balikat, "Let's go alipin." tawag ko dito habang naglalakad ako pabalik sa room.
Pagdating sa loob ay nandoon na ang iba pa naming kaibigan. Agad nangunot ang kanilang mga noo nung makita ang malapad kong ngiti. Pero mas dumoble pa ang pangungunot nun, noong dumating si Kian na sobrang lukot ang mukha.
"Nag away na naman kayo?" tanong ni Hyun sa'min
"Hindi ah." sagot ko
Napahawak pa ako sa lalamunan ko at kunwari ay umubo. "Ay nauuhaw ako. Alipin kuha mo naman ako ng malamig na malamig na tubig sa cafeteria, gusto ko yung nagyeyelo ah."
"Ayoko nga!" singhal nito sakin
"Okaayyyy. Guys alam n'yo ba–"
"Oo na. Kukuha na nga!"
"Aba! Bakit mo ako sinisigawan? At wala kang paggalang sakin ah. Ulitin mo!" utos ko pa
Grabe na yung sama ng titig niya sa 'kin. "Oo na. Kukuha na, master." labag sa loob na sabi nito
Nag iwan pa siya ng nagbabantang titig bago tuluyang umalis. Naiwan naman kaming nagtatawanan sa room.
"Share mo naman sa 'kin kung anong anong natuklasan mo para mapasunod yun oh." sabi ni Rye
Kunwari pa akong nag isip. "Ayoko nga. Ako lang dapat ang may alipin kay Prince." tugon ko na nagpatulis sa nguso nito
Maya maya pa ay bumalik na rin si Kian, bitbit ang request kong nagyeyelong tubig. Padabog niya pa iyong inilagay sa harap ko.
"Sukli ko." sabi ko pa at naglahad ng kamay
"Sukli mo mukha mo! Wala ka ngang binigay na pambili." angil nito sa 'kin saka padabog na umupo sa kaniyang upuan
Pinagtawanan na lang namin ang kawawa kong alipin.
****
Nasa Claír cafe kami para sa lunch. Simula kanina ay hindi na nawala ang lukot na mukha ni Kian. Hindi ko nga alam kung ilang beses niya na akong pinapatay sa isipan niya e. Kahit nagtatawanan at nagkukulitan kami ay pinanindigan nito ang pananahimik sa isang sulok.
"Grabe Kila, di ka ba naaawa kay Kian? Tingnan mo oh, mukha na siyang buhay na sama ng loob." sabi ni Kurt na halata namang nang aasar din
"Eh depende sa kaniya. Ayaw niya kasing malaman n'yo. Kaya ayan magtiis siyang maging alipin ko."
Nagulat naman kami nung biglang tumayo si Kian at malakas na binagsak sa lamesa ang kaniyang dalawang kamay.
"Okay fine! Sasabihin ko na inyo." inis na sabi nito at tinapunan pa kami isa isa ng masamang tingin
Mukhang atat na atat na silang marinig ang sasabihin ni Kian. Habang ako naman ay tatawa tawa lang at naeexcite sa kung anong magiging reaction nila.
Nagpakawala pa ng buntong hininga si Kian. "I'm interested with that witch, Yvette." sabi nito at pumikit pa ng mata
Naghihintay ako ng paghagalpak ng tawa nila pero bakit parang ako lang ang natutuwa sa pag amin nito.
"Hays. Kala ko naman kung ano." buryong na sabi ni Rye
"Ngayon mo lang napagtanto? Eh matagal na kaya naming alam." dagdag pa ni Ranz
Pareho naman kami ni Kian na napakunot noo. "Alam nyo?!" sabay na tanong namin
Tumango tango naman sila.
"Palagi ka kayang nakatitig dun, sus!" sabi pa ni Miel
Humagalpak naman ng tawa si Kian habang tinuturo ako. "Ibig sabihin, si Kila lang ang walang alam?" tumawa pa ito saka nagbelat sa 'kin, "Master, master ka pang nalalaman ah."
Napairap na lang ako. Kakainis, bakit ako lang di nakakaalam? Kasalanan na naman 'to ni Jix eh!
"Bakit ko naman kasi mapapansin yun? Eh di naman kita tinitingnan sa room. Kakaasiwa ka kaya!" depensa ko
Pero di man lang siya naapektuhan dun at nagpatuloy sa pagtawa sa 'kin. Tsk! Kainis.
Tuloy parin sa pang aalaska sa 'kin si Kian kaya naman padabog na ang pagsubo ko ng beef lasagna dahil sa inis. Maya maya ay napadako sa 'kin ang tingin ni Ranz, napangiti ito at itinuro ang gilid ng labi niya. Napakunot pa ang noo ko pero kalaunan ay na-gets ko rin ang ibig niyang ipakahulugan. Agad kong pinunasan ang magkabilang gilid ng labi ko. Aba, di naman ako tulad ng sa romantic movie na tatanga tanga magpunas ng labi ang babae tapos ang lalaki ang gagawa nun at mauuwi sa kiss.
Yuck!
Muli akong humarap kay Ranz at tinanong siya gamit ang mga mata ko kung ayos na ba. Tumawa ito at saka umiling tapos ay dumampot ng tissue sa holder, noong akmang pupunasan nito ang labi ko ay napaatras ako. Sinamaan ako nito ng tingin at itinuloy ang pagdampi ng tissue sa gilid ng labi ko.
"Hays! Ang bastos n'yo naman para gawin yan sa harap namin. Ano nang iinggit?" pang aasar na sabi ni Rye na wari mo'y naiinis
Pareho namin siyang binato ng tissue. Medyo malisyoso talaga ang mga kaibigan ko e 'no? Tsk!
"Guys, punta tayong Halimuyak falls sa sabado." out of the blue na sabi ni Rye, "G kayo? Namiss ko na lumangoy dun e. Saka para na rin maipasyal natin si Kila."
"Falls? Bakit mayroon ba nun dito sa La cuervo?" kunot noong tanong ko
"Hindi. Sa Mount Carmen matatagpuan yun, 2 kilometers mula rito." paliwanag ni Ranz
Tumango naman ako.
"Ano, game ka? Pag pumayag ka, payag na rin kami." dagdag pa niya
Sandali naman akong napaisip, sabagay wala naman akong gagawin sa sabado e.
"Okay. Game ako diyan. Pero tayong anim lang?"
"Magsasama kami ni Kurt ng mga chikababes namin para kahit papaano ay hindi ka mag isang babae." tugon ni Rye
Mukhang hindi naman nagustuhan ni Kurt ang unang sinabi nito.
"Gagu kaba? Ikaw na lang magsama ng babae mo." inis na sabi niya
"Wow! Is this himala? Diba dati hindi ka nakakapunta ng falls ng walang kasamang babae. Bakit nagbago yata ang ihip ng hangin?" naniningkit pa ang mga mata ni Miel
Binato naman siya ng tissue ni Kurt. "Manahimik ka! Ikaw nga walang madala e."
Natameme tuloy ang aming vloggerist.
"Ahhh basta, set na yung sa sabado ha. Walang aatras kundi makakatikim kayo sa 'kin!" sabi pa ni Rye
Sinang ayunan naman namin siya. Ayos na din yun, makalalabas ako ng La Cuervo sandali. Unwind kumbaga.
Matapos ang pag uusap namin patungkol sa planong outing ay nagpasya na kaming bumalik sa AMU. Tumungo na ako sa kotse ni Ranz na pinagbuksan pa ako ng pintuan.
****
Kurt
NANDITO ako sa Miravellous, isa sa mga pinaka-sikat na bar dito sa La Cuervo. Kasama ko si Rye, ito kasi ang hang out place naming dalawa bukod sa Amara's nila Hyun. Muli kong itinungga ang baso ng rhum, ramdam ko ang pagguhit nito sa lalamunan ko.
"Baby, chill di ka mauubusan ng alak." pabirong sabi ni Rye na ngayon ay may akbay ng isang babae
"Shut the f**k up Rye. And stop calling me baby, nakakaasiwa." inis na sagot ko
Imbes na manahimik ay humalakhak pa ito. "Bakit ba kasi uhaw ka sa alak ngayon? Tinatablan ka na ba ng word na jealousy, my baby?"
Huh? Ano yung sinasabi niya? Jealousy? With who?
"Jealousy my ass! Kanino ako magseselos? Sa 'yo?"
Lumapad pa ang ngisi niya at kumalas sa pagkaka-akbay saka tumitig sa 'kin ng makahulugan.
"Kurty boi... You like her? right?"
"Ofcourse not!" mabilis na sagot ko at muling tumungga ng rhum
Nawala ako sa konsentrasyon na ibottom's up iyon dahil sa paghalakhak ni Rye. Nababaliw na talaga, kanina pa siya tawa ng tawa.
Ibinaba ko ang nangalahating baso ng rhum at pinukol ng tingin si Rye. "Rye, ang alak nakakalasing hindi nakakabaliw."
Mukhang hindi parin siya papaawat sa pagtawa. Nagdrugs yata ang pota.
"Hindi pa naman ako lasing, at malinaw pa sa isip ko na wala naman akong binanggit na pangalan pero ang bilis mong sumagot ng ofcourse not."
Nanlaki ang mga mata ko. Fvck! Oo nga 'no?
"Eh sino ba kasing tinutukoy mo?" inis na tanong ko na muli ay sinagot niya ng tawa
Ugh! Naiirita na ako sa tawa niyang iyon.
"C'mon Kurty baby, we both know who I am talking about. So, you really like her? Do you?" Tumayo pa ito at tumabi sa 'kin sabay akbay. "Aminin mo na, sa 'kin ka pa ba mahihiya?" dagdag pa niya at niyugyog ako
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at dumistansya ng upo. Mukhang sa utak talaga ang tama ng alak sa kaniya.
"Sige ka, pag babagal bagal ka mauunahan ka. Perfect match pa naman kayo." Kumindat pa ito at ngumisi ng pilyo.
Fvck!
Napa smirk naman ako sa mga sinabi nito. "How can you say that? Ako lang ba ang kaibigan mo rito?"
Mabilis na tumabang ang kaniyang mukha. "Why? We're bestfriends since grade 1."
Natawa naman ako. "Gagu! Grade 7 lang kita nakilala."
"Whatever! So ano nga? Do you like her? Yes or no?"
Fvck! Nasa fast talk ba ako?
"Sagot! Anak ka ng–"
"Yes and no! I am not sure, okay." singhal ko na ikinapalakpak niya
"Not sure o denial ka? C'mon bro, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo e. Ano, natotorpe kana ba?"
Muli akong nagbuhos ng rhum sa baso ko at itinungga iyon.
"Like what I've said, hindi pa ako sigurado. At wala akong planong kompirmahin pa kung ano man ang itong weird na nararamdaman ko." paliwanag ko na akala mo ay matinong tao ang pinagsasabihan ko
Muli itong dumikit sa 'kin. "Bro if you're thinking about that darn bro code, wala ka pa namang nilalabag. 'Cause he never said that he's into her. Am I right?" litanya niya
Napabuntong hininga na lang ako, totoo naman yun.
"That's not the issue here Rye, I have balls para ipaalam sa kaniya 'to. At baka nalilito lang ako, soon it will be gone." paliwanag ko pa
"Okay. Whatever!" Nagkibit balikat pa siya at bumalik sa kaninang pwesto niya
"Shut your freakin' mouth huh."
"Oo na wag kana madaming dada driyan. Uminom na lang tayo, cause this day should be celebrated." masayang sabi nito na nagpakunot sa noo ko
Itinaas niya ang kopita ng alak niya at ganun din ako pati ang babae sa tabi niya.
"Let's toast for a day were two of my friends are in denial for being inlove."
Tsss. Inlove my ass!