5

1177 Words
Lihim na pinagmamasdan ni Odessa si Frahisto na nag-iigib ng tubig. Ewan ba, sa tuwing napapatingin siya sa mga mata ng lalaki, para siyang napapahipotismo at hindi niya mapigilan kiligin. Pinipilit lang niyang umarteng kaswal sa harap nito pero hindi niya mapigilan mabulol sa tuwing kausap ang lalaki. Sayang nga lang, may asawa na ito.  Nalungkot siya sa bahaging 'yon pero binalewala rin niya agad. Aaminin niyang may gusto siya sa lalaki nung una pa lang niyang kita rito. Siguro dahil first time niya makakita ng ganito kakgwapong nilalang na bumaba sa lupa. Sa sobrang kagwapuhan nito, parang ayaw niya na yatang mawala sa paningin niya ang lalaki.  “Odessa?”  Bahagya siyang nagulat nang tinawag siya nito. Naramdaman niyang namula ang kaniyang pisngi na tumingin sa lalaki. “B-bakit?”  “Mauna ka na sa bahay. Kaya ko na sarili ko rito.”  Napakagat siya ng labi. Pati boses ng lalaki, nakaka-inlove! Ang sarap sa pandinig at baritonong-baritono ito. Hindi na siya nagtaka kung bakit nakasilip sa mga bintana ang ibang kapit-bahay nilang kababaehan. Tulad niya, kinikilig din ang mga ito at nangangarap na lingunin ni Frahisto.  “O-okay,” kiming sagot niya at nagbawi ng tingin.  Hindi pa rin niya talagang kayang tingnan ito sa mata, 'yon ang totoo. Nagsimula smna siyang humakbang pabalik ng bahay. May kalayuan kasi ang pinag-igiban nila ng tubig dahil wala naman silang sariling tubig ng kaniyang tatang.  Tapos na siya sa kursong Bachelor of Elementary Education, major in Filipino sa bayan. Plano niyang dito magturo sa lugar na ito, maliban sa nakikita niyang kulang ng mga teacher sa baryong ito, nandito rin ang kaniyang tiyuhin na kinilala niya ng Itang. Hindi niya kayang iwan kahit na kinukulit na siya na inay niya na umuwi.  “Hi, Odessa. Magandang hapon sa'yo.”  Agad na sumimangot ang kaniyang hitsura nang makita ang dalawang lalaking laging nangungulit sa kaniya na manligaw. Kung gaano kagwapo si Frahisto, kabaliktaran naman ang mga pagmumukha ng mga 'to na hindi niya alam kung saan galing at bakit ang papanget.  Nasa loob ito ng bahay nila at kausap ang kaniyang Itang. Nagmano siya sa matanda at hindi pinansin ang dalawang African hito. Ang kinakainis lang niya, masyadong open ang Itang niya sa mga estranghero.  Pero bakit si Frahisto, okay lang sa'yo? Maarteng tanong ng utak niya.  “Manliligaw mo raw sila, Odessa.”  Lihim lang siyang umismid sa sinabing iyon na kaniyang Itang. “Hindi ko sila manliligaw po.”  Natawa ang matanda at agad din siyang nag-excuse sa harap ng mga 'to. Hindi siya tumatanggap ng kahit anong panliligaw, lalo na sa mukhang manyakis. Mayamaya, naramdaman niyang sumunod ang isang lalaki sa kaniya at humingi ng tubig dahil nauuhaw kuno. Hindi niya ito pinansin, nagtuloy-tuloy lang siya sa kusina para maghanda ng lulutuing ulam nang hawakan siya ng isang african hito sa kaniyang braso.  “Ano ba!” Binawi niya ang braso at lumayo rito.  “Ba't ba ang arte-arte mo? Kami na nga ang nagta-tiyaga na ligawan ka, nag-iinarte ka pa! Masyado kang pakipot, halatang gustong gusto mo naman ako.”  Nabaling ang mukha nito nang sampalin niya ng malakas. Ang kapal ng mukha! Pero agad din siyang napaatras ng tingnan siya ng masama. Akmang bubuhatan siya nito ng kamay nang biglang lumipad ito sa isang tabi. Bago pa siya napasigaw, tulog na bumagsak ito. Nakita niyang si Frahisto ang tumulong sa kaniya at galit na tiningnan ng masama ang lalaking nambastos sa kaniya.  Agad naman sumaklolo ang kasama nito at pinasan ang kasama saka dali-daling umalis.  “T-thank you...”  Tumango lang ang binata at inilagay sa tabi ang tubig na inigib. Nagpaalam ito na magpahangin muna sa labas at hindi na siya nito hinintay tumango, deritso na itong lumabas.  Nanghihinang napaupo naman siya sa silyang kahoy at pinapakalma ang sarili. Ang bilis ng pangyayari, parang hangin gumalaw ang binata at hindi man lang niya namalayan na dumating ito.  “Iha, okay ka lang?” Si Tatang Bartolome. Nag-alala ang mukha nito.  Mabilis naman siyang ngumiti. “Opo. Magpahinga na po kayo, ako na bahala rito.” Tumango naman ang matanda at nagpaalam. Ito 'yung unang pagkakataon na ginamitan siya ng dahas ng manliligaw niya. Nakaramdam siya ng takot pero sa isipin, andito naman ang lalaki, nakaramdam siya ng kapayapaan.  Lumipas pa ang ilang araw at napapansin niyang laging umaalis si Frahisto papuntang palengke. Kung hindi ito sa gabi umaalis, sa umaga ito nawawala. Naku-curious siya kung ano ang ginagawa nito or pakay sa kanilang lugar pero ayaw naman niyang lumagpas sa boundary ng lalaki. Kahit kating-kati na siyang tanungin kung bakit lagi itong nawawal lalo pag gabi. Wala naman siguro itong lahing aswang. Minsan, napapansin niyang may kausap ito sa kwarto nito pero imposibleng magkaro'n ng connection sa loob ng kabahayan. Nag-aalala siyang baka namamaligno na ang lalaki. Sa kagwapuhan ba naman nito, posible talagang magustuhan ito ng mga maligno. Diyos ko! 'Wag naman sana. Kaya nang gabing iyon, napansin na naman niyang umalis si Frahisto. Nakasuot ito ng maitim na kasuotan at jacket. Kinabahan siya. Mukhang namaligmo na nga talaga! Mabilis niyang sinundan ang binata sa paraang 'di siya nito mapapansin. Alam niyang malakas ang pandama ng lalaki kaya ingat na ingat si Odessa sa paggalaw at pagsunod dito. Salamat sa buwan at nakikita niya ang kaniyang nilalakaran kundi kanina pa siya gumapang.  Oras na makita niyang kukunin ito ng engkanto, sasabuyan niya ito ng asin at suotan ng kwentas pampaalis ng nga maligno na galing pa sa kaniyang itay. Hinanda niya iyon mula sa bulsa ng suot na bestida. Deritso lang naglakad si Frahisto parang gamay na gamay nito ang lugar at papunta ito sa pinagbabawal na lugar na pinalibutan ng mataas na bakod at sa gitna ay masukal na kakahuyan.  Tama nga ang kaniyang hinala! Naengkanto ang lalaking gusto niya. Nagdadalawang isip siya kung susundan ba niya ito sa kakahuyan. Ang sabi-sabi kasi, may mga aswang at halimaw sa loob nito. Kaya nga may 'No Trespassing' sign nakalagay.  Bahala na! Pikit mata siyang sumunod sa lalaki at hindi inalis ang kaniyang tingin dito. Baka malingat siya at makuha ito. Hindi niya papayagan iyon. Pero nung nakapasok na siya sa kakahuyan, biglang nawala ang lalaki. No! Bakit siya nalingat? Gustong-gusto niyang sumigaw pero inunahan siya ng takot.  “F-frahisto?” nanginig ang kaniyang boses sa nararamdaman kaba at isali na ang takot. Saan ba ito nagpunta? Sure na sure siyang 'di niya nilingat ang tingin.  Napasinghap siya may naririnig na mga kaluskos. Ito na yata 'yong sinasabi ng mga kabaryo niya na may aswang at halimaw ro'n! Bago pa siya nakasigaw, may biglang humila sa kaniya at tinakpan ang kaniyang bibig. Nagwala siya sa sobrang takot pero nang marinig niya ang boses ni Frahisto, agad siyang kumalma.  “What are you doing here? It's dangerous!" halos pabulong na sabi nito sa kaniya. Nasa likod sila ng malaking kahoy at nagtatago.  “Akala ko kasi...” “What?” “Na-engkanto ka kaya sinundan na kita rito.” kagat labing sagot niya rito.  Natigilan naman ito at imbes na magalit, marahan itong natawa. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kaniyang beywang at napabuntunghinga. “Alright, let's go home.” “Pero h-hindi ka ba na-engkanto or namaligno? May kwentas ako rito pangtaboy——”  “Hindi.”  Napakagat siya ng labi at nakaramdam ng hiya. Akala pa naman niya... Muntikan pa siyang atakehin sa takot pero anong ginagawa nito sa pinagbabawal na lugar? Bago pa siya nakapagtanong, hinila na siya ni Frahisto paalis sa lugar na iyon habang hawak ang kaniyang kamay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD