CHAPTER 40

1307 Words

"Dahil mahal na mahal kita." Bigla akong natawa sa isipan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Ozzz? Tologo bo? Tsk! Sobrang lakas na talaga ata ng tama mo. "Ako, mahal mo? Tsk! Lasing ka lang!" sabi ko sabay tayo at aalis na sana dahil ayaw ko nang marinig ang kalasingang pinagsasasabi niya nang hinila niya ang kamay kong hawak-hawak pa rin niya mula pa kanina kaya natumba ako't napunta sa ibabaw na naman niya. Pero ang pinagkaiba lang ngayon ay magkadikit na ang katawan namin at mas malapit pa ang mga mukha naming dalawa. Pero bigla ay nagulat na naman ako. Hindi dahil sa hinila na naman niya ako at napunta na naman ako sa ibabaw niya't ang lapit ng mga mukha naming dalawa. Kundi ay dahil nakita kong namamasa ang mga mata niya. Nakikita kong may mga luhang nangingilid sa mga mata niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD