CHAPTER 1

3202 Words
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. This is just a product of author's imagination. Any names, events, places, characters, and incidents that are similar to a book novel, real life situation, actual person or actual events are purely coincidence. Plagiarism is a crime. ______________________________________ WARNING: This story might have a typo and grammatical MISTAKES. At meron din itong mga salita at eksenang may mga masisilang tema, lingguwahe, karahasan, sekswal, horror, o druga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. In short! Ito ay RATED S-P-G! S-a mundo, maraming P-lastic at G-ago! Malay mo ikaw pala ito. Charot! Prologue: Sa mundong ating ginagalawan, walang kahit sinuman ang nabubuhay na perpekto. Lahat nagkakamali. Maging ako, ikaw, kapit-bahay mong chismosa na mabaho naman ang bunganga, kaibigan mong plastic, maharot, ahas, mang-aagaw, Chos! Ahahaha! "Nobody's perfect" ika nga sa kanta ni Miley Cyrus pero paano kapag sa isang pagkakamaling iyong nagawa kapalit nito'y pagbabago sa buhay mo? O baka naman hindi lang ang buhay mo ang magbago kundi pati na rin ang puso mo. Magandang pagbabago ba kaya ito? O baka sa una lang ito maganda ngunit magiging isang bangungot na ito sa'yo sa huli? _____________________________________ CHAPTER 1 Araw ng linggo, nasa park ako ngayon at hinihintay si Nick---ang boyfriend ko. 7:30pm daw kami magkikita dito pero parang napaaga ata ako. Wala pa kasi siya. Naka-red dress pa ako at naka-light make-up kahit usually hindi talaga ako naggaganito. Sinadya ko talaga ito para mas gumanda pa ako. Gusto kong magpaganda tonight for him---for this speacial night with him. Excited ako kasi may sasabihin daw siyang mahalaga. Naku, mga besh, sigurado akong magpo-propose na siya sa akin. Matagal na kasi namin itong pinag-uusapan. This past few days ay naging cold siya sa akin. No calls, no texts, at hindi halos nagpapakita sa 'kin. But i know na dahil naghahanda lang siya para sa pagpo-propose sa akin tonight. 3 years na kami at second college pa pa lang kami pareho pero wala na akong pakialam. Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal na mahal rin ako ni Nick. At sa pagkahaba-haba ng oras na paghihintay ko dito sa park ay---ayan na! Ito na siya mga besh! Ang aking knight and shining armor! Gosh! Ang gwapo niya. Sobrang gwapo talaga niya sa suot niyang white T-shirt pairing with black leather jacket, black pants, and black-white sneakers. Gwapo talaga as usual itong bebe labs ko. Gosh! Ayan na talaga siya mga besh! papalapit na siya! "Hi, babe," bati ko sa kanya nang nasa harap ko na siya. With matching wide smile pa dahil sa sobrang excitement at kilig sa kaniya. Ang problema, hindi siya nag-reply. Ni hindi rin niya ako nginitian. Nakatitig lang siya sa akin habang ang mukha niya ay walang karea-reaksyon. Tsk! Ang weird, a. Nawiwirduhan ako kasi hindi naman siya ganiyan. Usually, kapag nakikita niya ako, kahit sa malayo pa lang ay nakangiti na siya. At kapag nasa harap ko na siya ay agad niya akong yayakapin at hahalikan sa noo. Pero ngayon ay wala, walang yakap o halik siyang ginawa. Wala ring mababasang reaksyon sa kaniyang mukha. Hmm . . . siguro, nagda-drama lang ito para masurpresa ako sa proposal na gagawin niya. Takti, kinikilig tuloy ako! Nang dahil sa naisip ko ay napangiti ako lalo. "So, ano ba ang sasabihin mo, babe?" Hindi mawala sa tono ng pananalita ko ang excitement. Kahit kasi alam ko na kung ano ang sasabihin ni Nick, syempre, dapat magpanggap pa rin tayong walang alam, 'di ba? Sayang kaya ang effort ng, babe, ko kung iboboking ko na siya agad. Ano ba 'yan, kinikilig ako! Tumitig muna si Nick sa akin at bumuntong-hininga bago sumagot. "Elaina, break na tayo," walang emosyong sagot niya sa tanong ko. Napahinto ako sandali at para bang tumigas ang labi ko sa pagkakangiti. Inalog ko ang tainga ko. "Sorry, babe, a. Parang nabingi ata ako. Ano nga iyon?" tanong ko uli para makasigurong tama ang narinig ng dalawang tainga ko. "Gusto kong makipag-break sa 'yo," walang pagdadalawang-isip na sagot ni Nick. Mas napahinto pa ako lalo nang marinig ang sinabi niya. At ilang sandali lang ay napahagalpak na ako nang tawa. Natawa talaga ako, as in tawang-tawa. For sure biro na naman niya ito. Ganito talaga itong bebe labs ko mga besh, e. Ang hilig mag-joke. Ilang beses na rin niya itong ginagawa sa akin pero ngayon, hindi na niya ako maloloko. Kumunot ang noo ni Nick nang makita ang reaction ko. "Ikaw talaga. Hindi mo na ako maloloko sa joke mong 'yan, ano. Luma na niyan, e. Wala na bang bago d'yan babe?" tawang-tawa kong saad sabay hinang hampas sa braso niya. Paandar niya siguro ito bago mag propose sa akin kagaya ng mga nasa movies. Alam niyo iyon? Iyong kunwari makikipaghiwalay para paiyakin ang babae para pag-umiyak na ito dahil akala niyang break na nga sila ay agad na luluhod ang lalaki at ilalabas ang singsing para magulat at ma-surprise iyong babae. Tsk, itong, babe, kong ito talaga. Ang hilig sa drama. But then ang sweet! Kaya lumingon-lingon ako sa paligid na nakangiti pa rin dahil sa excitement at kilig. Ano kayang surprise ni bebe labs sa akin? Baka gaya ng napanood ko sa isang teleserye no'n na dumating iyong mga kaibigan ng nag-propose na may dalang balloons at papel na may nakasulat na WILL YOU MARRY ME. O, 'di kaya ay iyong naka-t-shirt na mga kaibigan ng nag-propose na may letter sa likod pagkatapos ay maglalakad sila sa harap ko, at kapag nasa harap ko na sila ay tatalikod sila't mabubuo ang WILL YOU MARRY ME, BABE. Gosh! Excited na talaga ako. Ano kayang klasing paandar itong gagawin ng, babe, ko. 'Di na talaga ako makapag-antay. Atat na atat na talaga ako. "What are you doing?" takang tanong ni Nick sa akin sabay linga rin sa paligid. Napangiti pa ako lalo. "Inaabangan ang surprise mo," puno ng excitement na turan ko na nag-aabang pa rin kung anong pakulo ang kanyang gagawin. Kumunot pa lalo ang noo ni Nick. "Surprise ko?" Inangat ko ang paningin sa kanya. "Oo! 'Di ba may mahalagang sasabihin ka? 'Di ba isu-surprise mo ako at magpo-propose ka sa akin? 'Di ba iyon ang sasabihin mo?" Hayst! Excited na talaga akong isuot ang singsing! "Ano bang sinasabi mo?" "Hay naku, babe," natatawa kong sagot. "Ano ka ba? Sige na, ilabas mo na ang singsing. Huwag mo nang patagalin. Excited na akong isuot, e." "I want us to break up. Iyon ang mahalaga kong sasabihin." "Parte ba ito ng paandar mo para mag-propose? Ikaw, a," natatawa kong sabi. "Alam ko na 'yan. Napanood ko na 'yan sa drama. Kesyo makikipag break daw para paiyakin ang babae. At kapag umiyak na ay biglang luluhod at ilalabas ang singsing at---" "Elaina, I'm not playing a joke here!" Napahinto ako dahil sa medyo pasigaw na sabi ni Nick. Napatitig ako kay Nick. Unti-unting nawala ang ngiti at kilig ko sa mukha. Maging sa buong katawan nang makita ang seryoso at galit niyang itsura. At sa oras na ito, unti-unti nang gumagapang ang kaba sa katawan ko papunta sa puso ko. Kinakabahan ako! Kinakabahan ako na baka totoo ang mga sinabi niyang gusto niyang hiwalayan ako. Minsan lang akong pagtaasan ng boses ni Nick. Iyon ay kapag seryoso lang siya sa sinasabi niya pero ginagawa ko pa ring biro. "Sorry but I didn't love you anymore, Elaina. Kaya break na tayo. Bye!" Hindi na hinintay ni Nick ang sagot ko at agad nang naglakad papalayo matapos sabihin iyon. Napatulala ako sa sinabi niya. Nanatili ang paningin sa harapan kung saan siya nakatayo kanina bago ako iwan. Hindi ma-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Nick. Hindi kayang tanggapin ng utak at puso ko ang huling katagang narinig ko mula sa kanya kaya paulit-ulit na nagre-rewind sa utak at tainga ko ang huling sinabi niya. Nang nag-sink in na sa utak at puso ko iyong mga sinabi ni Nick ay unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit mula sa puso ko. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang mga luhang nagbabadyang ngumilid sa aking mga mata na kalaunay mabilis na ring rumagasa. Hindi ko matanggap iyong mga sinabi niya. Bakit? Bakit gano'n? Anong nangyari? Bakit biglang hindi na niya ako mahal? Hindi ako naniniwala! Imposible iyon! Oo, cold siya sa akin nitong mga nakaraang araw pero alam kung may rason! Hinding-hindi siya bibitaw ng mga katagang iyon ng walang dahilan! Matapos matulala habang patuloy pa rin sa pagragasa ang aking mga luha ay agad akong nag-angat ng tingin kung saan naglakad papalayo si Nick. Wala na si Nick, nakaalis na siya. Hindi ko na siya nakikita pero kahit ganoon, susundan ko pa rin siya. Kaya tumakbo ako at umaasang mahahabol ko pa siya. Ayoko! Ayaw kong makipaghiwalay! Hindi ako papayag, Nick! Alam kong ilang minuto nang nakaalis si Nick pero hahabulin ko siya. Mahahabol ko siya. Alam kong mahahabol ko siya. Huminto ako saglit at luminga-linga sa paligid. Hinahanap ko si Nick. Alam kong hindi pa siya nakakalayo. At sa kakalinga ko ay napahinto ang tingin ko sa aking gilid, sa 'di kalayuang bench kung saan nakaupo roon ang pamilyar na lalaki na nakatalikod sa gawi ko. Nakatalikod siya sa kinatatayuan ko kaya ang likod lang niya ang nakikita ko. Pero ang likod niyang iyon ay sapat na para makilala ko siya. Naka-black leather jacket siya, black pants, at black-white sneakers. Iyong shape ng likod niya, style ng buhok, iyong porma 'pag nakatalikod ay kilalang-kilala ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Nick! Tama ako! Mahahabol ko nga siya. Pero . . . bakit nakaupo siya d'yan? Plano ko na sanang lapitan si Nick para kausapin siya, ngunit napahinto ako nang may narinig akong tawa ng isang babae sa gawi ng bench kung saan naroroon si Nick. Umusog ako ng kaunti para makita kung sino ang kaharap ni Nick. Nahaharangan niya kasi ang kung sino mang tao ang kaharap niya. At doon ay nakita ko ang isang napakagandang babae! Super ganda niya na tila ba parang isa siyang manika. Oo, mga besh. Babae ang kaharap ni Nick at narinig ko pang tinawag ng babae si Nick ng babe! "What the..." Umigting ang panga ko. Hayop! Mga hayop! Kaya pala nakipaghiwalay ka ng wala man lang iniwang malinaw na dahilan ay dahil may iba ka na palang gago ka! Babasagin ko talaga 'yang itlog mong hinayupak ka! Nagsimula nang uminit at kumulo ang dugo ko. Nagsisimula na ring mangati ang palad kong gusto nang sumabunot ng ulo ng malanding ahas. Napapakuyom na rin ang kamay ko. Gumagapang na ang galit sa katawan ko. Ramdam kong galit na galit ang puso at isip ko ngayon. Nagdidilim ang paningin ko. Kitang-kita ko sa dalawa kong mga mata ang ka-sweet-an ng dalawang hayop sa aking harapan. Bagaman nakatalikod si Nick sa gawi ko ay alam kong masaya siya dahil na rin sa nakikita kong reaction ng haliparot na babaeng ito sa harapan niya. Kitang-kita ko ang saya at kilig ng higad na babaeng ito. Bwesit! Ang sarap ibalibag nilang dalawa sa Jupiter! Mas tumindi pa ang nararamdaman kong poot at galit. Ngunit hindi lang iyon ang nararamdaman ko. Kundi pati na rin kirot at sakit. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Kirot at sakit hindi lang dahil nakipaghiwalay sa akin si Nick. Kung 'di ay alam ko na ngayon ang dahilan kung bakit ganoon na lang kadali para sa kanyang hiwalayan ako. Kung bakit sinabi niyang hindi na niya ako mahal ay dahil meron na pala siyang bago. Poot at galit dahil sa nakikita kong ka-sweet-an ng dalawang gago sa harapan ko. At nang dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon, mas lalong dumami ang luhang nangilid ngayon sa mga mata. Mas dumami pa na naging dahilan para unti-unti kong hindi maaninag nang malinaw ang mga bagay-bagay na nasa aking harapan. Dahilan para unti-unting mag-blur ang paningin ko. At dahilan rin para hindi ko malinaw na maaninag ang malandi't makating higad at si Nick. "Hayop ka!" sigaw ko kaya napalingon ang mga tao sa akin. Pati iyong babaeng kaharap ni Nick na nasa gawing harapan ko rin. Papalingon na rin sana si Nick sa akin pero bago pa mangyari iyon ay tumakbo na ako sa kinauupuan niya at hinablot ang kaniyang buhok. "Hayop ka! Kaya pala nakipag-break ka sa akin ay dahil may iba ka na palang gago ka! At dito pa talaga kayo nag-date. Dito kung saan ka nakipag-break sa akin! "Minahal kitang hayop ka! Kaya bakit? Bakit, ha? Bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit?" hiyaw ko habang sinasabunot si Nick. Habang patuloy pa rin sa pag-iyak ang mga mata ko sa sobrang sakit nang ginawa niya sa akin. Lumapit ang malanding babae ni Nick at inaawat ako sa ginagawa kong pagsabunot sa kaniya. Kaya napabaling ang tingin ko sa babaeng maganda sana pero sobrang makati ang katawan. Mang-aagaw! Sa sobrang daming luhang gustong kumawala sa mga mata ko ay hindi ko na halos maaninag ang mukha ng babae. Sa sobrang galit ko na kahit hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa mga nangingilid kong mga luha sa mata ay sinikap ko pa ring maabot at masabunot siya. At nagawa ko nga! "Ahas kang babae ka! Ang dami-dami na ngang ahas sa mundo, dumagdag ka pa! Ahas! Mang-aagaw!" sigaw ko sabay sabunot ng todo sa babae niya. Sabunot na talagang matatanggal hindi lang buhok niya pati mga kuto't dandruff sa ulo niyang hayop siya! Naramdaman kong hinawakan ako ni Nick sa braso mula sa likod at hinihila ako kaya nabitawan ko ang buhok ng babae. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Nick kaya pumipiglas ako para makawala. Magsasalita na sana siya pero nakawala ako sa pagkakahawak niya. Humarap ako sa kanya at sinapak ang pagmumukha niyang hayop siya! Manloloko! Natumba si Nick sa lakas ng pagkakasuntok ko. Pagkatapos ay agad kong pinahiran ang mga luha ko para makita siya ng maayos at makita ang black eye niya sa mata na isang kabayaran sa panlolokong ginawa niya. Pero imbes na matuwa ay laking gulat ko nang nagkatinginan kaming dalawa. Sa gulat ay halos hindi lang luha ang gustong lumabas sa mga mata ko, kung 'di ang mga mata ko na mismo ang gustong kumawala sa pagkakakabit nito sa magandang mukha ko. Bumilog ang mga mata ko. Bumilog nang kasing-laki ng buwan ang mga ito. Bumagsak ang panga ko't napaawang ang mga labi ko sa nakita. Galit na galit siya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi maaari ito! "H-Hindi i-ikaw si Nick?" mahina, nauutal, at gulat na gulat kong pagkasabi habang nakatingin sa lalaking inakala kong si Nick. Na ngayon ay hawak ang mata niyang sinapak ko. Halatang sobrang nasaktan siya. Well, sino ba namang hindi? Buong lakas ko kaya ang inipon ko sa suntok na 'yon. Anyway, bigla ay parang huminto ang mga luha ko sa paglabas sa aking mga mata. Para bang nagtago ang mga luha ko sa likod ng mga mata ko dahil sa aking nagawa. Umaakyat na ngayon sa katawan ko ang hiya! Hiya dahil kung ano-ano ang eksenang ginawa ko tapos, damn! Hindi pala si Nick ang nasabunot at nasapak ko! Takti! Nanabunot pa ako ng babaeng inakala kong mang-aagaw at malandi! Kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga taong nakapalibot at nakatingin sa akin ngayon. Ngayon ko lang sila napansin dahil ngayon ko lang sila malinaw na nakita dahil wala ng luhang ngumingilid sa aking mga mata. Nang dahil sa hiya at hindi ko alam ang gagawin ay agad akong tumakbo. Tumayo ang lalaki at tinawag ako. "Hoy!" Kaya napahinto ako at dahan-dahang lumingon sa kanya. Medyo nanginginig at kinakabahan pa akong lumingon sa lalaki. Pagkalingon ko sa kanya'y napaigtad pa ako at parang huminto ang paghinga ko dahil nakatingin siya sa akin na may halong galit. As in super galit, sobrang talim ng tingin. Well, sino ba naman ang hindi magagalit sa nagawa ko, 'di ba? Ngayon, kitang kita ko ang nanlilisik at galit na galit niyang mga mata na nakatuon sa akin na para bang gusto akong patayin. Nanginig ako sa takot dahil sa klase ng titig nang lalaki. Gosh! Paano na ito? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Liam!" biglang tawag nang babaeng sinabunutan ko kanina. Nang dahil doon ay nawala na ang tingin nang lalaki sa akin at napunta na doon sa babae. Nakahinga ako ulit dahil roon, dahil wala na ang galit na galit na tingin nang lalaki sa akin. Nilingon ko ang babae at kitang-kita ko ang deretsong tingin niya doon sa lalaking sinabunutan at sinapak ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pangingilid ng mga luhang gustong umagos papalabas sa kanyang mga mata. At ilang segundo lang ay lumapit iyong babae sa lalaking sinapak ko at walang ano-ano'y sinampal siya nang pagkalakaslakas. Napasinghap ako sa sobrang gulat. Parang huminto na naman sandali ang paghinga ko dahil sa nakita ko. Gulat na gulat akong napatitig sa babaeng nasabunot ko. Hindi man ako ang nasampal pero ramdam ko pa rin ang lakas ng sampal na iyon dahil sa lakas ng tunog na narinig ko. "I hate you!" sigaw nang babae sabay agos na nang mga luha mula sa kanyang mga mata pababa sa kanyang panga. Pagkatapos ay nag-walkout at mabilis na naglakad palayo. Oh my gosh! Ano ba itong maling nagawa ko? "Alexa, sandali! Babe! It's not like what you really think! Alexa!" tawag no'ng boyfriend niya sa kanya ngunit hindi ito nakinig at mas binilisan pa ang paglakad palayo. Sinundan ko nang tingin ang babae. At nang ibalik na ang paningin sa lalaking napagkamalan kong si Nick ay napaigtad ako sa gulat, napasinghap, at huminto na namang muli ang paghinga ko. Nakatingin na ulit sa akin ang lalaki at masisilayan talaga ang labis na galit sa kanyang mga mata. Talagang nag-aapoy ang mga ito. Nagbabaga! Hindi ko alam kung paanong nangyari iyon pero nakikita ko talagang nagliliyab ang mga iyon. Nakakapanghilakbot! At hindi ko rin alam kung paanong nangyari pero para bang nawala saglit ng gano'n-gano'n na lang ang kirot, sakit, poot, at galit na nararamdaman ko at napalitan ng hiya at takot dahil sa nagawa ko. Natatakot talaga ako sa mga nanglilisik niyang mga matang nakatuon sa akin. Aminin ko man o hindi ay may kasalanan ako sa nangyari. Kasalanan at pagkakamali na napagkamalan ko siyang si Nick, sinapak siya at sinabunutan silang dalawa nang girlfriend niya. Ngunit hindi ako pwedeng bumalik roon, lumapit sa kanya't humingi ng tawad dahil sa itsura pa lang niya ngayon ay halatang papatayin niya ako kapag lumapit ako. Kaya imbes na humingi ng despensa sa nagawa ko ay kumaripas ako sa pagtakbo. "Hoy! Bumalik ka ritong babae ka!" hiyaw sa galit na tawag at utos ng lalaki sa akin pero imbes na huminto at bumalik ay kumaripas pa ako sa pagtakbo. Nakakatakot kaya iyong mga mata niyang nagliliyab sa galit. Baka sakalin niya pa ako pagbalik ko ro'n, ano. Kaya bakit naman ako susunod? Hindi naman ako boba at uto-uto, ano. Anong akala niya? Tsk! Kaya kumaripas pa ako sa pagtakbo. Iyong mabilis na mabilis. Mabilis pa sa alas kuwatro. Sa tingin ko nga mas mabilis pa ako kaysa kay Flash. Palitan ko na kaya siya sa movie niya? Charot! Takbo lang ako nang takbo hanggang sa . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD