CHAPTER: 1

1528 Words
"Where going to the hospital baby. Fixed yourself we'll leave now." utos ni Mommy samin bago pumasok sa kwarto ng kapatid din naming kambal para ihanda ang mga kailangan nila. Hindi sila isasama at iiwan sila kasama si Grandma. "Bakit kailangan natin pumunta doon Mom? Hindi ba pwedeng magpaiwan nalang ako?" Tinatamad kong tanong. Tapos na kaming magbihis ni Lance at palabas na ng bahay papuntang sasakyan. "Your Papa wants you there. His Wife is giving birth to their baby right now. Diba sabi niyo gusto niyong makita ng anak ng Papa niyo?" Nakangiting sabi ni Mama. Tumango lang ako habang si Lance ay malawak ang pagkakangiti. "Let's go boys, Jake is waiting." Dad said. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at nag-umpisa na siyang magmaneho. Kung dati ay lagi niyang pinagseselosan si Papa, ngayon ay siya pa mismo ang naghahatid samin papunta sa kanya. Our families became friends. Ewan ko kung nawala lang ang pagseselos niya dahil nag-asawa na si Papa or talagang nagmatured na siya. He's childish sometimes lalo na kung nanlalambing kay Mom pero seryoso naman sa lahat ng bagay. Tama nga sila na nahati ang ugali ni Dad saming dalawa ni Lance. "Nasa kwarto na daw si Kyla. Doon na tayo didiretso sabi ni Jake." Sabi ni Mama habang hawak ang cellphone at may katext. Nakarating kami sa hospital at sabay sabay na pumasok sa isang private room. Nakahiga si Tita Kyla habang si Papa naman ay inaayos ang mga gamit nila at nilalagay sa loob ng Cabinet. "Papa!" tawag ni Lance ng makapasok kami. Ngumiti si Papa at kinarga si Lance. "How are you big boy?" Nakangiting tanong ni Papa. "We're okay Papa. Where's your baby? We want to see her!" Masayang sabi nito na ikinatawa ni Papa. "Dadalhin siya dito ng Doctor pagkatapos linisan." Sagot nito at ibinaba na si Lance. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "i Miss You Papa. " Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata. i can't help but to cry sa tuwing niyayakap ako ni Papa. We used to stay together in one roof kaya siguro hindi parin ako masanay sanay na hindi na kami magkasama. "i miss you too, Big boy." Sagot niya at hinimas himas ang likod ko. Napahiwalay kami sa pagkakayakap ng may kumatok sa pinto. Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagpasok ng doktor at isang nurse na tulaktulak ang hinihigaan ng isang baby. Napaayos ng tayo si Papa at malawak na ngumiti. Inabot sa kanya ng nurse ang baby at kinarga niya ito bago inilapit sakin. Napatitig ako sa magandang mukha nito na parang manika. She's small and frigile. Makalapal ang kanyang pilik mata at medyo singkit ang mata ng dumilat saglit. Mapula ang kanyang labi at matangos ang kanyang maliit na ilong. Maputi siya na parang kulay ng gatas. "She's Beautiful, Papa" Manghang anas ko habang nakatitig sa kanyang mukha. Tumawa si Papa kaya medyo naglikot ang sanggol. Nakisilip na din sila Mom and Dad at si Lance. "She's Arianna. Do you want her to be your Little sister, Lucas?" Nakangiting tanong nito. Umiling ako at at tumitig na naman sa kanyang magandang mukha. " i dont like the idea Papa. i want her to be my Queen when she grow up." Seryosong sagot ko na ikinatawa nilang lahat. ... "Ms. Mendez, cancel my all apppointment in this afternoon, move it to other day. Something came up i need to go." Utos ko sa aking secretary mula sa intercom. "Yes sir noted." Sagot naman nito. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa swivel chair at Kinuha ang coat bago tuluyang lumabas ng opisina. Nakasakay ako sa elevator pababa sa parking lot ng magvibrate ang aking telepono at makitang nagtext si Lance. "bro, where are you? The party were about to start. You know we need your presence here. Magmamaktol na naman itong celebrant ." Hindi na ako nagreply dahil papunta na rin naman ako. Sumakay agad ako sa kotse ko at pinasibad na iyon. Huminto ako sa tapat ng malaking bahay. Bumusina muna ako bago pinagbuksan ng gate at dumiretso sa loob para ipark sa garahe. Bumaba na ako ako sa sasakyan at tumuloy sa likod bahay kung nasan ang pool at malawak na bakuran. Kasing lawak iyon ng bahay kaya naman dito dinaraos ang mga party lalo na kapag dito ang napili nilang venue. "Did i miss something?" Sabi ko na nagpalingon sa buong pamilya ko. Nasa bandang likod kami at gilid kaya hindi kami masyadong pansin sa unahan. "Kala ko bro, hindi ka na pupunta. Lagot ka na naman kay Arianna." Sabi ni Lance habang nakangisi sakin. Napapalatak ako ng dila at hindi na siya sinagot. Humalik ako kay Mommy habang nagtanguan lang kami ni Dad, ganun lang talaga kami magbatian. "Hi kuya!" Bati sakin ng dalawa ko pang kapatid na kambal. Tinanguan ko lang din sila at umupo sa katabi ni Amarah. Pinagmamasdan ko siya mula rito sa pwesto ko. She was wearing the red off shoulder cocktail dress i bought with red flat shoes. Hindi sana ito ang susuotin niya kung hindi lang ako tumutol ng makita ko ang ipapasuot sana sa kanyang bodycon dress na backless at medyo mababa sa may bandang dibdib. Sa simpleng suot nga lang niya ay hindi na ako makakilos ng maayos pagsusuotin pa nila ng sexy na damit! Ano nalang ang mangyayari sakin? Naputol lang ang pagtitig ko at pagsubaybay sa bawat kilos niya ng magvibrate ang cellphone ko na kailangan kong sagutin. "Excuse me." Sabi ko bago lumayo't maglakad papasok sa loob ng bahay. "Yes Ms. Mendez, what's the problem?" Bungad ko pagkasagot ng tawag. "i'm sorry to disturb you sir but this is urgent. Nagpadala na po ng details yung isang manufacturer na kinuha natin at kailangan po agad ng approval niyo para maprocess na po nila agad ang lahat ng kailangan natin. i already send the link in your email, Sir." Sagot nito sa kabilang linya. "Okay titignan ko agad. i wil call you again. " Sabi ko at pinatay ang tawag. Umakyat ako sa thirdfloor kung nasaan ang sarili kong study room na pinagawa ni Papa. Binuksan ko agad ang laptop ko na nandoon at tinignan ang email na sinasabi ng secretary ko. Halos isang oras din akong nakatutok sa laptop bago ko natapos ang ginagawa. Nakasandal ako sa upuan at marahang hinihilot ang sintido ng tawagan ko si Ms. Mendez. "Hello, Sinend ko na sayo via email. ipasa mo na sa kanila para maideliver na agad. At kung sakaling kailanganin naman ako ngayon at hindi urgent at pwedeng ipagpabukas ay bukas mo nalang sabihin sakin." Sabi ko. May iba pa siyang mga sinabi bago ko ibaba ang tawag. Bumaba agad ako at bumalik sa party. Hindi na ako muling lumapit kung nasan ang mga magulang ko at sumandal nalang sa dingding habang nakatamaw sa kanya. "Happy 16th Birthday Arianna!" Sabay sabay na bati sa kanya ng mga bisita. Niyakap siya ni Papa at ang asawa nito na si Tita Kyla. Lumapit din si Lance sa kanya at niyakap siya. Niyakap at bumeso sa kanya ang mga kaibigan niya na halos puro babae lang din dahil mahigpit si Papa paglalaki na ang usapan na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko na kailangan bakuran ang sakin. Nakahalukipkip akong nakasandal sa pader habang nakatingin sa kanya. Walang mababanaag na emosyon sa aking mukha na normal ng expression ko. Gusto ko man siyang lapitan ay hindi ko magawa. Masyado siyang maganda at kailangan kong magpigil katulad ng lagi kong ginagawa kapag nasa malapit siya. "Son. " Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Papa. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sakin. "Bakit hindi mo lapitan si Arianna? Kanina ka pa niya hinahanap. Tignan mo at nakasimangot. " Sabi ni Papa na nakangiti sakin. "Maybe later, Papa." Simpleng sagot ko. "Magtatampo na naman sayo iyon. Ang hirap pa naman suyuin lalo na't hindi ikaw ang manunuyo" " i will greet her later, Papa Don't worry." Sagot ko. Tumango siya at tinapik tapik ang aking balikat. "Binata ka na anak. Parang dati kinakarga lang kita." Nakangiting sabi niya sakin. "i know you like my daughter Lucas. i can see it in your eyes. i know you. " Sabi niya na ikinalingon ko. "Papa..." Gulat na sambit ko habang nakatingin sa kanya. "Bata pa si Arianna, Lucas. if you like her wait for her until legal age. You know what i mean, Son. " Sabi nito at iniwan na akong nakatanga. Alam niya? How? Ganun na ba ako ka-obvious na gusto ko siya? Napailing nalang ako. Only Papa can read what's on my mind. Kahit si Mom and Dad hindi alam kung anu ang tumatakbo sa isip ko. kaya nga laging nagtatanong si Mom tungkol sakin. Hindi ako palasalita. Ever since i was a kid sinasabi nila na suplado ako dahil hindi ako palapansin ng mga tao unlike Lance. Binalik ko ang tingin sa kanya. Masama na naman ang timpla ng mukha niya habang nagkakalikot ng cellphone. Wala pang isang minuto bago magvibrate ang cellphone ko at binasa ang text na nanggaling sa kanya. "i taught you will come. Your a liar. i hate you Lucas." ---*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD