Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Cassian nung tumawag si Travis. Hindi na ako nag abala pang lumayo dahil wala naman sakin kung maririnig niya ang kung ano pag uusapan namin ni Travis o hindi.
"Hello Travis napatawag ka?"
"Nasaan ka Xyra?" Rinig ko yung ingay sa kabilang linya
"Nasa bahay, bakit?"
"Yayain sana kita sa isang pool party nang kaibigan ko ngayon."
"Pool party?"
"Type ka daw niya kaya gusto niya na ireto ko daw siya sayo." Sa sobrang lakas na pagkakasabi niya sa kabilang linya ay hindi na ako mag tataka kung nagawang marinig nga yun ni Cassian. Bahagya kong inilayo sa aking taenga yung phone para makita kung anong oras na.
It is already eight in the evening. Maaga pa naman.
"Saan ba? Okay lang ba kung isama ko si Sage?"
"Sure, no problem." aniya "we'll expect you to come here then?"
"Oo mag aayos lang ko tapos tutulak na ako jan."
"Okay, take your time. Panigurado matutuwa tong barkada ko kapag nalaman niya pupunta ka."
Pagkatapos kung ibaba ang tawag ay agad ko namang dinial yung number ni Sage
"Asan ka?" bungad ko
"Nandito lang sa tabi tabi nag lalakad. Bakit?"
"Tapos na ba yung booking mo? Tara punta tayo sa pool party nina Travis"
"Pool party? With Travis? Omo! Let's go!" rinig na rinig ko ang excitement sa boses ni Sage.
"Walang hiya ka! Kanina iniwan iwan mo ko tapos ngayon ang dali mong sumama." I rolled my eyes pero hindi ko parin mapigilan na mapangiti.
Ang rupok talaga nang baklang to kapag party.
"Saan ba yung party? Dun na lang ba tayo magkikita?"
"Itetext ko sayo yung location at dun na lang tayo magkita. Mag bibihis lang ako saglit." sabi ko
After that call, nilapag ko muli yung telepono ko sa counter para ipatuloy ang naudlot kong pagkain kanina.
"You're leaving?" he asked coldly. Napatingin ako sakanya at napansin kong hindi niya parin nauubos yung pagkain niya.
"Uhm yeah, my friend invited me in a party."
Hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay kailangan kong mag explain sakanya. Eh halatang narinig niya naman yung kabuuan nang pinag uusapan namin kanina.
"It's getting late, at may klase pa tayo bukas ah." Aniya sabay tingin din sakin. I can see he is kind of pissed right now. At wala akong planong alamin pa yung rason dahil parati naman siyang galit at nakabusangot "At hindi ba pumarty ka rin kahapon? Hindi ka ba napapagod?"
Itinaas ko yung index finger ko at inilagay ito sa gitna nang kanyang kilay. "Pagod, pero nasanay na ako. Sa France ganito parati ginagawa namin nung mga kaibigan ko. Aral sa umaga party sa gabi." taas noo kong sabi. Para bang ang laking achievement nun sakin
"You were just senior high, nag paparty ka na?"
"It's normal there Cassian. Ikaw ba? Hindi ka ba nag paparty with friends?" curious na tanong ko sakanya. As far as I remember nung una kaming nag kita ni Clint sa bar ay wala siya dun.
"I don't do parties. It's a waste of time." Aniya sabay inom nung juice na inihanda ko kanina
Tumango tango ako tsaka dampot muli nung phone ko para maiforward kay Sage yung address kung saan gaganapin yung pool party.
"Kung sabagay you have a lot of responsibilities on your shoulders. You doesn't have time for this." Wala sa sarili kong sabi habang nasa phone ko parin ang buong atensyon ko "Ano naman ang ginagawa mo sa vacant time mo?" pagkatapos kong mag text ay inilagay ko ulit sa counter yung phone ko atsaka nilingon ko siya.
Na saakin parin ang buong atensyon niya "Inuubos ko lahat nang oras ko sa pag aaral kung pano patakbuhin ang negosyo namin."
"But you are already learning it from school."
"What I learn from school is way different on what I can learn on the outside world. Hindi matutunan sa paaralan kung pano makitungo sa mga empleyado at kung paano at kailan didiskarte sa negosyo."
I agree in what he said. Kung tutuosin ganun din ang ginagawa ko ngayon. Exploring to new things can give me lessons in life that can't be learned inside a four walls room.
"Pero hindi naman makakasama kung mag party ka paminsan minsan together with your friends."
"I play golf when I have time with my friends."
"Oh right! Golfing" parang tanga akong tumango nung nalaman na pwede naman siyang mag enjoy sa pag lalaro ng golf sa tuwing vacant niya. It is not the same as me though. I prefer partying than standing under the sun for how many hours
I heard him chuckled kaya muli ko siyang nilingon "You find it a bit boring right?"
"Kind of"
"Hmm, kung ganun ano yung hilig mo?"
"Well partying? I don't know, not literally the party but I like it when I meet new people. At hindi ko kayang manatili dito sa bahay nang walang ginagawa. I'd rather be out. Ikaw ano ba ang mga hilig mo?"
His lips turned into a thin line while he was thinking carefully. Ngunit nakalipas na ang ilang minuto ay hindi parin siya makasagot sa simpleng tanong ko.
"I guess you haven't explore much." sagot ko.
It seems like Cassian is a person who chooses to stay on his comfort zone.
"Hindi naman sa ganun, but eversince I was young my parents already told me all the responsibilities that I will be facing when the time comes. That I should be prepared for it." he said
"I see. Perks of being the only heir of a huge empire?" nagawa ko pang mag biro dahil nahahalata ko na nagiging seryoso na ang usapan namin
I saw him smirked and shook his head. I patted his shoulder na ikinagulat niya
"Okay lang yan. Masaya ka naman hindi ba?" nakangiting tanong ko sakanya. Ngunit agad yun napawi nung nakita ko ang mga mata niya.
He is not happy, actually he is lost.
"I don't know." he murmured and by saying that, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
Pakiramdam ko all these years he is just doing what his family wanted him to do. Na kahit gusto niya man sundin yung mga bagay o pangarap na gusto niyang abutin ay hindi niya magagawa dahil sa expectations ng pamilya niya at nang mga taong nasa paligid.
Without realizing it, I slowly went closer to him for a hug. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko ngunit kalaunan ay mas nag relax siya at yumuko para ipatong sa kaliwang balikat ko ang kanyang ulo.
"I don't know if i'm doing this right. I don't know if i'm enough to lead. I don't know if I can do it."
"You really worked hard for this. I know you would lead your empire very well not only today but in the future also." I assured him.
Even though I didn't know exactly how he works right now but I know how, instead of enjoying his student life he chooses to study and learn more from there company. For his future
Hard work won't betray you. Ever!
Matapos ang masinsinan naming usapan ni Cassian sa condo, agad na akong nag bihis para pumunta nang party. Nag prisenta pa si Cassian na ihatid ako sa village kung saan gaganapin yung pool party.
Hinayaan ko na siyang gawin yun dahil hindi ko kabisado ang daan papunta doon. Bumaba lang ako sa isang kanto kung saan napansin kong nakatayo na si Sage nag hihintay sa hindi kalayuan.
"Thank you. Text me if nakauwi ka na." nakangiting paalam ko. He just nodded before sliding up the window.
I am wearing a dark blue crowl neck, spagetti strap, satin tank top, Gucci belt and white skirt. Nag suot na rin ako nang gold necklace to add style on it. Bahagya ko narin kinulot yung buhok ko para maganda tingnan.
"Hay nako! Hindi na naman mapapansin yung ganda ko ngayong gabi." reklamo ni Sage nung napansin niyang papalapit na ako sakanya
He is just wearing a simple vintage grey shirt and a knee length level shorts.
"Nakabooking ka na kanina. Hayaan mo na ako naman ang makahanap ng booking ngayon." biro ko sabay ngiting aso sakanya.
Nanlaki ang mata at laglag ang panga niya sa gulat dahil sa sinabi ko. "Tara na" natatawang pag aya ko sakanya sabay palupot ng kamay ko sa braso niya papasok sa malaking bahay na nasa harapan namin
"Sige pag bibigyan kita ngayon. Tutulungan kita" Sage
Party lights and loud music welcomed us immediately as we entered the huge house. Hindi namin mapigilang mapa headbang kasabay nung musika.
We haven't seen familiar faces yet kaya sinundan na lang namin kung saan nanggaling yung music.
After few minutes of walking, na tanaw na namin ang malaking swimming pool nang bahay. Marami na rin dito ang lumalangoy. Yung iba naman ay nandun lang sa minibar na matatagpuan malapit sa swimming pool.
"Ayun si Travis." Hinila na ako ni Sage patungo sa kung saan niya nakita si Travis.
Travis is only wearing a black board short. His hair is a bit damped. His muscles are perfectly fit on his body
"Xyra!" maligayang bati niya nung makarating na kami sa harapan niya. Agad naman niya kami bibigyan ng cocktail drinks. "Mabuti at nakarating parin kayo kahit na biglaan ang pagyaya ko sainyo."
"Wala kaming papalagpasin na party." Nakangiting sagot ni Sage sabay abot nung cocktail ganun din ang ginawa ko.
Ngumiti si Travis sabay angat nung hawak niyang whiskey. Tinaas rin namin ang samin bago ininom yun. I made a face when I felt the strong liquor coming thru my lungs.
"Noel!" biglang tawag ni Travis sa isang kaibigan. Kaya napabaling kami ni Sage dun. May agad na lumapit na isang lalaking may katangkaran kay Travis. May ibinulong pa siya sa kaibigan bago niya ito pabirong sinuntok sa braso. Nakangiti kaming hinarap muli ni Travis "Xyra this is Noel, siya yung kaibigan ko na tinutukoy kanina"
"Hi i'm Xyra" nakangiting pakilala ko sabay lahad ng kamay sa harap niya.
I saw him flinched a little bit dahil sa pagbati ko sakanya. He licked his lower lip before accepting my hand for a handshake "I'm Noel." matikas na pakilala niya.
"Uhm, nagkita na kayo kahapon sa bar. Pero ngayon ko lang kayo pinakilala nang maayos." Paliwanag ni Travis
Tumango ako bago ko siya pinagmasdan nang mabuti. He is wearing a floral white short sleeves polo bukas dalawang butones sa taas, black board shorts and a flipflop. He also has a nice built at halatang ilang taon ang agwat niya sa amin.
"Thank you for coming." Travis
"No worries. Thanks for inviting us. Kahit na hindi pa naman tayo mag kakilala masyado."
I heard him chuckled as he puts his left hand inside his pocket while the other is holding a liquor.
"My pleasure. I hope this party would let us know more about each other."
"Hmm, sure i'd love to."
Ilang minuto ang nakalipas ay nawala na sa harapan namin si Travis dahil may humilang isang kaibigan niya patungo sa pool. Habang si Sage naman ay nag paalam na rin, may nahanap kasi siyang kaibigan sa party na ito kaya doon daw muna siya.
Kaya naman naiwan kaming ni Noel nakaupo sa highchair dito sa minibar. Hindi niya ako iniwan simula nung makarating at pinakilala kami ni Travis sa isa't isa.
Napagalaman ko na he is now on his first year being a law student sa ibang school nga lang.He is fun to talk with, halatang halata na matalino siya sa kung paano siya makipag usap saakin ngayon. Parang ingat na ingat siya sa mga sagot niya saakin.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya sakin pagkatapos kong humingi ng panibagong inumin sa isang waiter.
"Yeah."
"I think we should stop drinking" natatawang sabi niya.
"Oh don't worry about me. I'm fine." I assured him
"But you're drunk"
"No no. I'm a bit tipsy pero kaya ko pa naman."
Naka ilang cocktail na ako ngayon at medjo sumasayaw na nga ang paningin ko pero hindi ko pa masasabing lasing na nga ako. Dahil pag ako lasing dapat ay hindi na ako dito nakaupo sa minibar kung hindi nasa gitna na ako nang dancefloor. O kaya nandun na sa madilim na parte nang bahay na ito making out with a guy.
Kaya hindi pa ako lasing. Tatlong shots pa
"Let's stop drinking first. Ayaw ko na ang first meeting natin ay pareho tayong lasing sa gabing ito" hindi ko mapigilan ang pagkagulat ko sa sinabi niya habang siya naman ay ngumiti dahil sa reaksyon ko.
Gulat dahil imbes na samantalahin ang pag lalasing ko katulad nung mga lalaking nakilala ko noon sa bar ay hindi niya ginawa. Instead, he stopped me from drinking too much tonight.
"Alright, after this drink." sabi ko. Kung sabagay may pasok pa kami bukas at hindi nga maganda kung may hangover ako kinabukasan.
Hindi ko pa nangangalahati yung alak na nasa harapan ko nung biglang may narinig akong kumusyon sa isang banda. Sabay namin nilingon ni Noel ang kung anong meron. May kakarating ata na panibagong bisita ngunit hindi namin yun makita kung sino dahil pinalibutan sila kaagad nang mga tao dito. Pansin ko rin na may iilang babae dito na pasimpleng kinukunan sila nang litrato at parang kinikilig pa.
After a while I took off my sight on that ocean of people and chose to focus on my cocktail infront of me.
"So kanino palang bahay ito?" pag putol ko sa namumuong katahimikan namin ni Andrew
Sabi kasi ni Travis kanina sa bahay ng pamilya ni Noel gaganapin ang pool party na ito. Ngunit kasalungat naman ang sinabi ni Noel nung tinanong ko na.
"Bahay ito nang kaibigan ni mommy. Nasa States ang pamilya nila ngayon, walang tao kaya pinayagan nila akong gamitin kahit ngayong gabi lang." kasabay ng pagsabi niyang yun ay inubos ko na ang natitirang cocktail sa baso ko
I made face again because of the strong liquor.
"Gavin?" nilingon ko si Noel at nakita ko siyang tumayo para daluin ang kakarating lang na bisita. "Mabuti at...." nahinto siya sa pag sasalita at nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. Yung para bang nakakita siya nang multo. "Cassian?"
Mula kay Noel ay agad kong hinarap ang kakarating lang na bisita. Laglag ang panga nung nakita kong nakasuot na dark blue shortsleeves polo bukas lahat na butones mayroong inner white shirt, black board shorts at black slides si Cassian. Hindi siya saakin nakatingin pero sigurado akong nakita niya na ako.
Why is he here? Mag kakilala ba sila ni Noel? Akala ko ba siya yung taong party goer?
Nanatili akong nakatingin sakanya hanggang sa bumaling siya sa banda ko. His brow raised after he looked at me from head to foot. Pagkatapos ay mayroong bahid na galit ang kanyang mga mata nung si Noel na ang tiningnan.
"Xyra? Nandito ka pala" gulantang na sabi ni Gavin nung napansin niya na ako pala ang nasa tabi ni Noel. I saw him glanced at his friend who his giving a death glare to Noel right now
Umupo ako nang maayos bago ko siya hinarap na nakangiti
"Oh mag kakilala kayo?" Noel
"Yeah, nasa iisang student org lang kami." Gavin
"Golf?" sabay baling sa akin
Kagat labi akong tumango na mas lalong ikinagulat niya
"Woah! I never thought na marunong ka palang mag laro nang golf." tuwang tuwa si Noel nung nalaman niya yun
"Ah hindi, pero pinag aaralan ko na rin kung pano mag laro"
"Maybe I should join you one of these days." nakangiting sabi ni Noel. "Hindi ako magaling pero kaya parin kitang turuan."
Sasangayon na sana ako sa sinabi niya ngunit naunahan ito ni Cassian
"Only the members are allowed to play with us." seryosong sabi niya. I was shocked because of is coldness towards Noel. Ganun din ata si Gavin dahil sa naging reaksyon niya sa kaibigan.
"I see" he stopped for a while "Kung ganun tayong dalawa na lang ang mag lalaro. At syempre kung papayag ka"
"Sure wh—"
"No, hindi pwede." he said using his coldess tone.
Wala sa oras akong napatingin sakanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Noel at Gavin. May binulong pa yung kaibigan niya sakanya ngunit hindi niya ito pinansin. Derecho kay Noel ang buong atensyon.
"Sorry bro, pero si Xyra ang tinanong ko. Kaya dapat pakinggan ko ang opinion ni Xyra tungkol dito." ramdam ko na may namumuong galit at inis na sa sistema ni Noel ngayon.
Siguro kahit ako man ay ganito ang magiging reaksyon ko sa ginagawa ni Cassian. Bakit hindi kami pwede maglaro ni Noel na kami lang. I don't see any problem about it. Tsaka isa pa, hindi naman siguro kami parati magkikita. He's a law student after all. He's busy.
I saw how Cassian clenched his fist and moved his jaw. It was like stopping himself from saying and doing anything.
"Xyra?" pag agaw nang atensyon ni Noel sakin.
Hindi ako makasagot kaagad, dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung ako kasi ang tatanongin walang porblema sa akin na sumama kay Noel, ngunit sa naging reaksyon ni Cassian kanina pinapahiwatig niya na isa itong pagkakamali.
When my eyes locked with Cassian's, I know immediately what would be my answer to Noel.
"Sapat na siguro ang party na ito para sa ating dalawa na mag usap."
Kita ko ang pagbasak ng balikat ni Noel dahil sa sinabi ko, Gavin look shocked while Cassian smirked. It was like he won a battle.
Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naisagot ko. At kahit kailan wala pa akong may naireject na date, ngayon lang. Harap harapan pa.
Oh gosh! Na guguilty tuloy ako.
"You know what? Let's just enjoy this party tonight." pag bawi ko. Dahil mukhang nasira ko pa ata yung gabi niya.
Mula sa pagkakaupo ay bahagya pa akong tumalon para makatayo ng maayos. Na agad naman ako hinawakan sa braso ni Noel para ma alalayan.
"Thanks" Inayos ko pa ang suot kong skirt dahil umangat ito nang kaonti nung nakaupo ako.
"Alright then, pero kung may party ulit katulad neto baka tatanggihan mo na ako?"
I shook my head "No no. If there's another party I promise I would gladly come."
"Pangako yan ha?" he sound excitely happy
"Pangako." nakangiting sabi ko. I can sense Cassian's glare at me but I didn't mind. Pinagbigyan ko na siya sa pagtanggi ko kay Noel sa date kaya
Magkaiba ang date sa party kaya bahala siya.
"Let's go?" ako na ang humila sa braso ni Noel palayo kila Cassian. Pakiramdam ko kasi mawawalan ako nang lakas kapag tatagal pa ako dun sa mga titig ni Cassian. Nahilo ako ng kaonti, mabuti na lang at mabilis muli na hinawakan ni Noel ang magkabilang braso ko.
Ngunit hindi pa kami tuluyang na nakalayo ni Noel ay may humawak na kaagad sa palapulsuhan ko.
"Where are you going?" seryoso at derecho siya sa mga mata kong nakatingin. Ngunit hindi ko yun kayang masuklian dahil dumapo ang mata ko sa kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"Pare bitawan mo si Xyra." nanlaki ang mata ko dahil sa gulat at tiningnan si Noel na ngayon ay nakahawak na rin sa isang braso ni Cassian.
I also saw how Cassian's jaw moved at sobrang sama na nang tingin niya kay Noel. Konting konti na lang ay alam kong may gulong mangyayari dito.
Why is he acting this way?
Ngunit imbes na bitawan niya ako ay hinila pa niya ako palapit sakanya. Kaya bahagya akong nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya
"Cassian ano ba?" inis na sabi ko. Pano ba naman kasi sobrang higpit na nang pagkakahawak niya sakin. Napansin kong lumapit si Gavin sakanya at may ibinulong muli ito ngunit hindi niya pinansin
His eyes darted on me but he took it off immediately when he saw me glaring at him so bad. At alam kong alam niyang naiinis na ako sa ginagawa niya ngayon.
Akala ko ba hindi siya dumadalo sa party? Bakit siya nandito? Ayos lang naman sakin na pumunta siya dito. Like as if I care right?
At isa pa hindi ko naman party ito. Kay Noel kaya to, nakakahiya at mukhang nasisira pa namin ang maligayang party na ito dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.
Sa pilitan kong binawi ang kamay ko sa pag kakahawak niya bago ko hinarap si Noel.
"Sorry about this Noel. Uuwi na ako." Paalam ko. Hindi ko na hinintay na sumagot siya nung nag martsa na ako palayo sakanila.
Sa tingin ko kasi mas lalong sisira ang gabing ito kapag tatagal pa ako.
Uuwi na ako, itetext ko na lang si Sage mamaya para hindi siya mag alala kapag nalaman niya na wala na ako sa party.
Nakalabas na ako sa malaking gate nung may mainit na kamay ang humawak sa braso ko, hindi ko pa nilingon ay alam ko na kaagad kung sino
"I'll drive you home." mahinahon niyang sabi. Sa sobrang mahinahon ay parang hinehele ako.
Pumikit ako ng mariin bago ko siya hinarap "No, I can handle myself. Bumalik ka na dun sa party at uuwi ako nang mag isa."
"I'll drive you home" giit niya na naging rason kung bakit bumalik ang inis ko sakanya.
"No" binawi ko ulit ang braso ko at sinimulan na mag lakad muli. Hindi ko alam ang daan palabas nang subdivision na ito pero sigurado ako na mayroong taxi na nag aabang dun sa gate.
Plano ko sanang mag book na lang ulit ng grab car kanina kung hindi lang ako sinundan nang mokong na to.
"Ano ba Cassian!" singhal ko tsaka biglang huminto sa pag lalakad at kunot noo ko siyang tiningnan. Kahit pilit ko mang bilisan ang paglalakad para makalayo sakanya ay hindi ko magawa dahil sa tangkad niya ay mabilis niya ako maaabutan.
"I said i'll drive you home." He insisted but his eyes is much calmer now than earlier.
Ang kulit niya ah. Tiningnan ko siya ng masama. Ngunit kabaliktaran lang ang iginawad niya sa akin.
"Alam mo hindi kita maintindihan." I paused for a while "Akala ko ba ayaw mo akong kausapin sa harap ng maraming tao? Na ayaw mong malaman nila na mag kaibigan tayo. Tapos ngayon tingnan mo ang ginagawa mo. Pumunta ka sa party para ano? Para sunduin ako?"
Nahihingal ako pagkatapos kong sunod sunod na sabihin yun. Hindi ako ganito ka prangka mag salita ngunit dahil na rin sa alak ay nagawa ko.
"Lasing ka lang" aniya "uwi na tayo."
Bahagya akong nagulat dun sa huling sinabi niya. It made my heart beats so fast. Sa sobrang bilis ng pag t***k nito ay aakalain mo na ito na ang huling pag t***k nito.
Pumikit ako ng mariin sabay hawak sa dibdib ko. Trying to calm my crazy heart.
Dumilat ako nung sa tingin ko ay naging calmado na ako. Our eyes meet immediately when I looked at him.
Walang may nag tangkang mag salita sa amin. Ako dahil sa nararamdam.
Nakita ko na may sasabihin sana siya ngunit nung nakita niya ang mukha ko at sa paraan kung pano ko siya tingnan ay pinili niyang wag ituloy. Sa halip ay ginulo niya yung buhok niya.
Hindi ako yung tipong tao na magagalit kaagad, pero sa kakulitan nang lalaking kaharap ko ngayon ay baka mangyari nga. At hindi ako takot na hindi na nga kami mag pansinan kahit kailan. As if na ikakasira ko yun.
Umirap ako sabay talikod sakanya. Isang step palang ang iginawad ko ay ramdam ko na ang pagbuntot niya sakin.
Napaatras siya nang kaonti nung humarap ako sakanya. I saw him sighed "Okay, i'm sorry I acted this way. Pero hindi ako mapapanatag kung hindi ko masisigurado na ligtas kang makauwi ngayong gabi."
"I said I can handle myself" kahit noon pa man ay kayang kaya ko paring umuwi nang maayos kahit na lasing ako. "And why are you acting this way at the first place?" kunot noo ko siyang tiningnan.
"I didn't mean to ruin your night, or even the party" aniya "Pero hindi ko matanggal sa isipan ko ang posibilidad na baka may gawing masama si Noel sayo kapag hinayaan kitang lumabas na kasama siya."
"Anong gagawing masama? Nag uusap lang kami"
I laugh without any humor on it when I remember something "Oh right! I forgot. You're new to these kind of scenes."
"I know these scenarios Xyra, at alam ko kung bakit ka nilalasing nung lalaking yun!" tumaas ang boses niya na naging dahilan kung bakit mas lalo akong nagalit sakanya
Nasa main road na ata kami ngayon kaya maraming sasakyan ang dumadaan.
How could he judge Noel that way. This brute!
"Anong nilalasing? Nino? Ni Noel?" nilagay ko ang isang kamay ko sa bewang ko habang yung isa ay nasa sentido ko "That guy even stopped me from drinking too much tonight Cassian. How can you judge him right away, ni hindi mo pa nga siya nakakausap."
"At pano mo masisigurado na wala talaga siyang gagawin sayo? Ngayon lang kayo nag kakilala ah."
Huminga ako nang sobrang lalim. Walang mapupuntahan ang usapan na ito. Lalong lalo na't ang kausap ko ay sarado na ang isipan. Kahit anong pilit ko sa gusto kong sabihin ay hinding hindi niya ito pakikinggan.
Tahimik ko siya tiningnan nang ilang minuto. Hoping him to say something but he didn't. I sighed again.
"Uwi na ko." mahinahon kong sabi. Nagulat siya sa sinabi ko. Gulong gulo niya akong tiningnan pero sa huli ay nauna na siyang mag lakad patungo sa kung saan siya naka park.
Tahimik naman akong nakasunod sakanya. Agad akong sumandal sa upuan at pumikit nung nakapasok na ako sa sasakyan
Naramdaman ko na saakin siya nakatingin nung siya naman ang nakapasok sa kotse. Ilang sandali pa ang nakalipas bago niya in-on yung engine nang sasakyan niya. Ngunit hindi ko siya nilingon o minulat muli ang aking mga mata hanggang sa makarating na nga kami sa condo building ko.
Derecho akong lumabas nang hindi ako nag salita o nagpasalamat man lang. Kahit noon kapag galit ako, I prefer not to say anything. Takot ako na baka dahil sa galit ko ay may masabi akong masasamang salita na hindi ko sinasadya.
Hurtful words stays for a long time than bruises.
Makakalimutan at mapaptawad mo ang ginawa nila sayo kalaunan. Ngunit, hinding hindi mo makakalimutan kahit kailan ang mga masasakit na salita na narinig mo mula sa taong yun.
Kahit ilang taon pa yan ang nakalipas, ang sakit na mararamdaman mo sa tuwing maalala mo yun ay parang kahapon lang nangyari.