"What do you think you're doing?" Cold na pagkakasabi niya kaya napawi yung ngiti ko dahil doon
Dahan dahan kong binaba yung kamay ko "I'm sorry I just—"
"Tsk!"
"I'm sorry." ulit ko ngunit hindi na siya sakin nakaharap. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa dinner kasama ng grupong ito I don't want to have a bad impression towards the group kaya mabilisan kong tiningnan yung mga available food na nakahilera sa harapan ko.
Cupcake? Not bad. Tahimik akong kumuha ng isa tsaka hinarap muli si Cassian.
"Uhmm gusto mo?" sabay abot ng cupcake sakanya ngunit imbes na kunin ito ay tiningnan niya lang.
He pursed his lips kaya nakita ko ulit yung dimples niya. He looks pissed and a bit annoyed. Mas nilapit ko lalo sa harapan niya yung cupcake.
"I don't like sweets sayo na yan." Sabay talikod at nag lakad na papunta sa table niya. Habang ako ay naiwan sa ere ang kamay kong nakahawak ng cupcake.
Gusto kong magalit but I understand his side. Maybe he is really not comfortable if someone touches him. After all I am stranger to him. Ako lang yung feeling close sakanya kaya ko nagawa yun. I shrugged before biting the cupcake that I was holding. Hindi sana ako kakain ng ganitong cupcake kaso sayang lang kung itatapon ko.
"Nakita ko kayong nag usap ni Cassian. Ano sabi?" Sage nung nakabalik na ako sa upuan tsaka niya sinulyapan si Cassian sa kabilang table
"Mukhang nainis ata sakin. Hayaan mo na"
Tahimik kaming kumakain ni Sage habang yung iba ay panay ang tawanan. Hindi man lang kami makasali sa usapan nila dahil lahat sila ay nag chichinese dito
"Mali atang party ang napuntahan natin." bulong ni Sage
Nag mumukha ngang family gathering nila ito at parang nakikikain lang kami nang lumpia ni Sage dito.
"Uwi tayo pagkatapos natin dito"
Kaya hindi nag tagal ay tumayo na nga kami para makapag paalam na kila Dana. Nakaupo siya kasama nung tatlo sa katabing table namin
"Aalis na kayo? Ang aga pa" pigil samin ni Dana sabay tayo
"May pupuntahan pa kasi kami ni Sage" I lied
"Aw ganun ba? Sama kayo next week? May kakabukas na golf course malapit dito gusto naming puntahan."
Sabay kaming nag katinginan ni Sage. Hindi alam kung sino ang may lakas para sabihin sa kanya na hindi kami makakapunta dahil may gagawin kami sa susunod na sabado.
"Do you already have plans on that day?" dismayadong tanong ni Dana. Nahalata niyang hindi kami kaagad makasagot sakanya
"Sorry we can't. Malapit na kasi yung acquaintance party nang department namin. Mag kakaroon kami ng booths kaya next week magiging abala kami sa pag hahanda para doon." pag explain ko
Each class mag kakaroon ng booths. Hindi pa namin napag usapan kung anong gagawin namin pero sigurado kami na mag hahanda kami ng pagkain at ibebenta yun sa ibang estudyante.
"Oh right! The acquaintance" tumaas yung boses ni Dana kaya napatingin ang iilang tao sa kinatatayuan namin "Acquaintance party from your department was the most anticipated by the students. Dahil masasarap daw yung binebenta sa booths."
Hindi ko alam kung paano ko siya masagot dahil unang beses ko pa lang ito ma experience. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya tungkol dito. Well baka masarap nga ang pagkain syempre halos lahat sa department namin ay puro chef ba naman.
"Hindi pa namin alam yung theme ng acquaintance namin for this year but I hope we could see you in our booth" Sage
"Oh sure!" ngumiti si Dana "We would love to."
ngumiti na rin ako tsaka nag pasalamat. After that we bid our goodbyes to them.
Hinatid ko ulit si Sage sakanila bago ko sinabi yung address ko
Na ubos ko sa pagbili ko ng cooking utensils sa malls ang buong sabado ko. Para kahit nasa bahay ako ay makakapag experiment parin ako nang panibagong recipes. Yung sunday ko naman ay nakahiga lang ako ng buong magdamag. Nag hahanda para sa panibagong linggo sa school.
"Okay class listen! Ang theme natin for this year ay filipino cuisines. For this section desserts ang saniyo. Kayo na bahala kung paano niyo bigyan ng twist ang mga pagkain niyo" ani ng prof namin. Nag umpisa nang mag bulong bulongan ang iilang kaklase ko. Habang ako naman ay tahimik lang na nakaupo dito sa gilid. Iilang filipino desserts pa lang kasi ang na tikman ko kaya wala akong magandang maisuggest sa buong klase. "And for this year napag isipan namin ng buong faculty na mag kakaroon tayo ng pageant. Each class should have a representative for this pageant. Bawal ang wala dahil mag kakaroon kayo ng sanctions" Aniya sabay ligpit ng books "I'll give you my time para makapag meeting kayong lahat dito para sa gagawin niyo. Hindi ko gusto na kahit freshmens pa lang kayo ay mag papatalo na kayo sa higher levels."
"Woooooh! Nice one ma'am"
"Yes!"
"Free time!" sigaw ng mga kaklase ko.
"Sino dito yung class president niyo?" iginala ng prof namin ang kanyang mata sa buong silid
"Si Huebert po ma'am" sigaw nung isa
"Alright! Mr Gonzaga ikaw na bahala sa mga kaklase mo. Maiwan ko na kayo dito."
Tumayo naman si Huebert Gonzaga "yes ma'am" magalang na sagot niya
Huebert Gonzaga is our class president. He is mestizo guy, a bit taller than Sage. We don't interact much pero sabi ng karamihan dito ay mabait daw si Huebert, mukhang responsable kaya siya ang napili naming presidente.
Pag labas ni ma'am ay umingay na ang buong klase habang si Huebert ay nag lakad papunta sa teacher's table sa gitna. Sage is sitting infront of me kaya inatras niya kaonti yung seat niya sa table ko para makalapit sakin.
"May alam ka bang dessert?" Sage
Umiling ako he made a face after that. "Never eaten?"
"Nakakain na ako syempre kaso nakalimutan ko rin naman kung anong tawag dun."
"Kawawa ka naman girl. Hayaan mo kapag umuwi ako ng probinsya dalhan kita ng marami." hinarap ako lalo ni Sage kaya tuluyan siyang nakatalikod kay Huebert na mukhang nag uumpisa nang mag salita tungkol sa meeting namin.
"Kung ako na lang kaya ang sumama papuntang probinsya niyo?" pag suggest ko. Actually it is not a bad idea lalong lalo na kapag break namin sa school. Tsaka makaka discover pa ako ng bagong pagkain.
"Well that's a good idea actually Xyra. Pero don't expect too much. Baka laking aircon ka wala kami nun sa bahay." paalala niya
I raised a brow "anong akala mo sakin anak mayaman?"
"Just sayin"
Tahimik na kaming nakinig sa meeting. Dahil wala akong kaalam alam sa lulutuin ay nag tataas lang ako ng kamay sa tuwing pinapavote ni Huebert ang buong class. Syempre nakikisabay lang ako sa mga kaklase ko kung saan ang madaming vote dun na ako.
I remember the desserts name that we will be making with a twist it was leche flan,bibingka,biko, and taho.
I already tried eating bibingka but it was years ago.
"Okay for the pageant sino ang gustong sumali?" Huebert
Rinig ko ang ibang pangalan na sinuggest ng iba habang ako ay busy sa pag sesearch ng dessert na pinili ng mga kaklase ko. Sage naman ay nakayuko na sa table mukhang tulog.
"Xyra Villanueva?" napa angat ako ng mukha nung narinig ko ang pag tawag ni Huebert ng pangalan ko. Ganun din si Sage bigla siyang nagising. "Are you fine with that?" tanong pa niya
Kunot noo ko siyang tiningnan bago ko iginala ang mga mata ko sa mga kaklase ko na nag aabang din pala sa isasagot ko.
"Sorry I was not listening. Ano ulit ang sinabi mo?"
Kita ko ang pag buntong hininga niya bago ulit siya nag salita "We were choosing for our class Mr and Ms representantive and almost all of our classmates agreed na ikaw at si Sage ang mag rerepresent sa class natin. If both of you guys are okay with that."
Nilingon ako ni Sage at kita ko ang paglaki ng mata niya. I bit the inner part of my cheeks to stop myself from laughing. Sage is handsome and has a nice built but I can't imagine na sasali siya sa pageant. At lalong lalo na't partner pa kami.
I'm not fond of joining pageants pero kung si Sage lang naman ang partner ko edi sasali na ako. Atsaka mukhang department lang naman ito hindi naman buong campus ang sasali.
I'm sure my nanay would take the first flight if she knows i'll be joining a pageant.
"I'm fine with it as long as Sage would be my partner." my corner of my lips curved while he glared at me.
Nasa kanya na ang atensyon ng lahat hinihintay ang desisyon. Hindi nag tagal ay tumango na rin si Sage kaya nag sigawan yung nga kaklase ko at umingay muli dahil sa pag hahanda. May nag sabing tutulong daw sila samin ni Sage sa pag hahanda make up, damit at practice. Ang sabi pa nila hindi na daw kami tutulong sa booth at ilaan na lang ang lahat ng atensyon namin sa nalalapit na pageant.
Thursday gaganapin yung booth while friday night naman yung pageant.
"Girl! Bakit ngayon mo lang sinabi na ganito pala kalaki yung bahay mo. Nakakaloka." ani ni Sage nung inaya ko siyang pumunta ng sa condo ko.
Kakatapos lang namin mag practice para sa pageant nung may bigla akong gustong gawin. We decided to dance in our talent portion. Nakapag aral ako ng ballet kaya more on contemporary dance ang gagawin namin. Buong linggo yun ang ikinaabala namin ni Sage pagkatapos ng class ay nanatili kami sa classroom para makapag ensayo. May mga kaklase din kaming nanatili sa classroom abala sa mga damit na gagamitin namin.
Alam ng parents ko na sumali ako sa pageant at plano pa sana nilang umuwi para mapanood lang ako. Mabuti na lang at napigilan ko sila dahil ang sabi nila pagkatapos ng event ay derecho na sila kaagad ng airport. Do you imagine how hectic that schedule is? At malaki ang pera ang magagastos nila para sa isang maliit na pageant lang. Tita Nikki offered a gown para masuot ko kaso ulit ko itong tinanggihan dahil may inihanda nang gown para sakin yung mga kaklase ko.
Mangha parin ang mukha ni Sage nung nakapasok na siya sa unit ko atsaka nilapag ang dala niya duffle bag sa sofa.
"You didn't ask tho—"
"Alam kong sa isang condo ka nakatira pero ang hindi ko alam ay ang condo pala na tinitirhan mo ay ang pinakamataas na building didto. At sigurado akong mahal din."
"Gutom ka na ba? Mag padeliver na lang tayo nang pagkain." sabi ko sabay punta sa kitchen counter ko at isa isang nilabas ang mga baking stuff ko.
"Hindi pa naman. Sige order na lang tayo." Tsaka siya lumapit sa kinatatayuan ko "ano nga pala ang gagawin mo?"
"I'm planning to make a lemon crinkles"
"For?" may pagdududa sa tanong niya. Umiling lang ako
"For someone who doesn't like to eat sweets." tsaka ko nilabas sa ref yung lemon
"Sweet parin na man ang gagawin mo Xyra."
"But it is lesser sweet kumpara sa ibebenta natin sa booth bukas."
Sage just shrugged while he took out his phone to look for a nearby restaurant. Habang ako naman ay nag hugas na nang kamay tsaka nag suot ng apron.
I am planning to give this to Cassian tomorrow kung pupunta nga sila sa booth namin. I remembered how he rejected the cupcake before that's why i'll be making this crinkle less sweeter than the usual but i'll make sure this would still be delicious at the same time.
Pagkatapos umorder ni Sage ay umupo na siya sa high chair malapit sa counter. Nasa chin niya ang dalawang kamay tahimik na nanonood sakin. Hindi man lang siya nag offer na tulungan ako. Hanggang sa dumating na ang pagkain namin ay wala parin.
Naubos ang oras namin ni Sage sa pag paplano ng kung anong gagawin namin bukas. Sa umaga dadalo kami sa booth namin mag stestay kami doon ng ilang oras bago mag practice ulit para sa pageant. Hindi kami pwedeng mag tagal sa university bukas dahil kailangan namin mag relax para sa pageant night mismo ay hindi kami mag mumukhang stress. We won't aim to win the crown. Ang sa amin lang ay para maiwasan ng buong class ang pag kakaroon ng sanction. And after the pageant Huebert prepared a dinner for all of us. Dahil lahat kami ang nag hirap para dito.
Nung umuwi na si Sage ay doon ko na inilipat sa maliit na box yung gawa kong crinkles. Nilagyan ko pa ito ng ribbon para maganda tingnan kapag naibigay ko na sakanya.
Kung hindi naman siya dadalo sa booth okay lang naman atleast mayroon akong inihanda na pagkain na pwede niyang kainin incase.
I wore a black jeans, white croptop and a pair of white sneakers. Ginawa kong messy bun yung buhok ko. Sinabit ko ang duffle bag sa balikat at hawak yung maliit na box na ang laman ay yung gawa kong crinkles bago tuluyang lumabas ng unit.
May dala rin akong extra clothes para sa last practice namin ni Sage mamaya. I did a light makeup right now dahil itatry daw ako makeupan nung kaklase ko mamaya. Para matingnan kung babagay ba yun sa susuotin kong gown.
"Xyra! Ba't ang aga mo ata." salubong ni Hannah sakin nung nakita niya akong lumapit sa booth.
"Gusto kong makatulong sa pag bebenta" nakangiti kong sagot.
Kita ko na ang nakahilerang dessert na ginawa ng mga kaklase ko. May iba't ibang kulay pa silang inumin na inihanda. May iilang decorations at menu na rin silang nilagay sa booth.
"Naku! Sana nag pahinga ka na lang sa bahay niyo. Kaya na namin to." Hannah
"Okay lang. Tsaka ayaw kong palampasin ang event na to."
This is my first event from this university kaya i'll enjoy this to the fullest. Aayain ko rin mamaya si Sage na bumili ng iba pang pagkain sa ibang booths para naman makatikim ako nun. At mula sa nakikita ko mukhang masasarap naman ang lahat.
Mas lalo dumami ang mga kaklase ko dito sa booth. Lahat sila abala may kanya kanyang naka assign na trabaho sakanila. Kaya nag offer ako na ako mismo ang kukuha ng mga orders nang mga estudyante. Syempre tinanggihan yun ni Huebert kaso sinabi ko ilang oras lang naman ang ilalaan ko dito kaya hinayaan niya na ako sa kagustuhan ko.
It was around 10:00am when our booth opened wala parin si Sage. May lumapit kaagad na mha estudyante saamin. Walang time limit sa booth basta't mauubos na ang products niyo ay pwede na kayong mag close at umuwi. So i'm hoping na before lunch ay masosold out na kami.
"Good morning! Anong sainyo?" nakangiting tanong ko sa kakarating na mga lalaking estudyante. Mga kabilang department sila kaya hindi ko kilala.
"Anong mairerecommend mo sa amin miss?" Tanong ng isang may suot na glasses na lalaki saakin
"Uhmm" nataranta ako sa biglaang tanong niya dahil sa sobrang busy ko sa pag hahanda ng pageant ay hindi ko na natikman ang inihanda namin para sa booth na ito. Hindi ko alam kung ano ang masarap kaya "Lahat po dito masarap."
"Alright miss! Bigyan mo kami tig iisa sa paninda niyo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya tsaka ramdam ko ang panginginig nung kamay ko habang sinusulat yung inorder nila. I heard them chuckled because of my reaction.
"Thank you" sabi ko sabay abot ng maliit na papel sa isang kaklase ko. Sila na ang bahala sa orders nila
"I heard na ikaw pala yung representative ng class niyo for this years mr & ms."
"Ah oo" nahihiyang tumango ako "para makaiwas lang kami sa sanction."
They were amused on my answer mag sasalita pa sana ulit siya ngunit nakabalik na yung kaklase kong dala yung inorder nila. Napa hawak siya sa batok habang inaabot yung plastic. Tingin ko may sasabihin pa dapat siya sakin ngunit piniglan niya yung sarili at piniling wag na lang yun ituloy.
Dumami yung mga estudyante na pumunta sa booth namin kaya kinakailangan na ni Huebert tulungan ako sa pagkuha ng mga orders. Mag tatanghali na kaya ramdam na ramdam ko na ang sikat ng araw. Pinag pawisan na nga ako dahil doon. Ginawa kong pamaypay yung papel na hawak ko habang nag hihintay sa mga estudyante
"Xyra!" napalingon ako sa kung saan nanggaling yung boses. Nakita ko si Dana nakangiting nag lalakad palapit sa akin
"Hi Dana!" I greeted her pero yung mata ko ay nanatili sa likuran niya hoping nandun yung taong inaasahan ko.
"Gavin and Clint are coming here, may kinausap lang na kakilala"
"Cassian?"
Kumunot ang noo niya saglit sa tanong ko "Ah may pinuntahan. Ewan ko kung saan."
I don't know why I felt this way pero nakaramdam ako ng lungkot nung sinabi niya na hindi pupunta si Cassian. Hindi naman sa inaasahan ko talaga siyang pumunta dito pero it only takes a minute to come here and say hi to me right? And who am I to him para sayangin ang oras niya hindi ba? I sighed
Si Huebert na ang kumuha ng order ni Dana. Habang kausap ko siya ay hindi ko ulit magawang ngumiti kahit na masasayang topic naman ang pinag uusapan namin. She was also shocked nung sinabi ko na sasali ako ng pageant bukas at ipinangako niya na manunuod daw siya. I felt bad dahil hindi ko kayang tugunan ang positive vibe niya ngayon.
Hindi ba sinabi ko don't expect too much? Na hindi sayang yung binake kong crinkles for him kung hindi siya dadalo.
"Sorry we're late. Itong si Cassian kasi eh. Tumawag bigla at sinabing sasama siya papunta dito." pagka rinig ko ng pangalan niya ay siya kaagad ang hinanap ko.
Magkasalubong ang kilay, yung isang kamay ay nasa kanyang bulsa habang yung isa naman ay nakahawak sa phone may kausap ata.
Kita ko ang gulat na mga mukha ng ibang estudyante dito nung nakita nila yung tatlo palapit sa kinatatayuan namin ni Dana. May iba pa na pasimpleng kumukuha nang litrato at parang mag kakaroon nang stiff neck kinabukasan dahil sa kakalingon nila tatlong lalaki.
Grabi talaga ang appeal nilang tatlo dito. Si Clint na mayroong goodboy/ loyal guy appeal. Si Gavin na may pagka flirt and playboy appeal. Tapos si Cassian naman ay may pagka bad boy/ mysterious/ suplado appeal. Ibang iba sa isa't isa kaya marami ang nabibighani sa grupo marami ka kasing choices sakanila.
Hindi na bumili sina Clint at Gavin dahil busog pa daw sila tsaka pumunta lang daw sila dito para tingnan yung booth namin.
"Babe, nuod tayo nang pageant bukas." aya ni Dana kay Clint
"Pageant? Diba hindi ka mahilig dun?" parang natawa pa siya
"Well yes, but Xyra is joining so i'll watch."
Nanlaki ang mata ng dalawa habang si Cassian naman ay pansin kong napahinto kakausap.
"Totoo ba Xyra? You'll be joining the pageant?" Gavin
Napakamot ako ng batok "Yeah" nahihiya kong sabi
"Woah! Sigurado panalo ka na. Sa ganda mong yan."
Agad akong umiling "hindi, wala akong planong manalo at alam kong maraming magaganda bukas. Para lang talaga hindi ma bigyan ng sanction yung section namin kaya ako sumali."
"Babe, nuod tayo okay?"
"Sure!" sangayon naman ni Clint na agad namang pumalakpak at tumalon si Dana mukhang excited na sa magaganap na pageant ko bukas.
Masaya ako dahil kahit ilang beses palang kami nag kikita ay grabi na kung sumuporta sakin si Dana. Katulad na lang ngayon, hindi naman nila kailangan na bumisita dito dahil maliban sa busy na sila dahil graduating na nga ay malayo pa yung department namin sakanila.
"Sorry i'm late." lahat kami napalingon sa kakarating lang na Sage. "Oh hi!" bati pa nito nung tuluyan niyang nakita yung kausap ko.
"Hi Sage! Manunuod ka din ba ng pageant bukas? Sa section niyo na lang kami uupo" Dana
"Ah kaming dalawa ni Xyra ang class representative" aniya "pero sasabihin ko sa mga kaklase ko na ireserve kayo ng mauupuan bukas kung gusto niyo."
Nanlaki ang mata ni Dana at napatakip ito ng bibig dahil sa gulat.
"Trip trip lang namin ni Xyra sumali." dugtong pa ni Sage sabay tawa
Napasapo ako sa aking noo dahil sa sinabi ni Sage. Kung sabagay pareho lang naman kami na hindi sineseryoso ang pageant na ito. Sa katunayan yung mga kaklase pa namin ang naiistress para samin bukas.
"Excuse me" nahihiyang sabi ng isang kaklase ko. Kaya napalingon kami sakanya. Dala niya din pala yung inorder ni Dana "Sage Xyra nandun na sa classroom yung gowns at suits niyo. Kailangan niyo nang ifit para malaman kung may problema ba sa size o wala." pansin ko ang pamumula niya at hindi siya makatingin sa apat na nasa harapan namin.
"Sige sunod na kami" Sage sabay tango sa kaklase namin
"Sorry but we need to go" sabi ko sabay abot ng pagkain kay Dana
"Oh no worries. You should go" nakangiting sabi ni Dana "aalis na rin kami"
"Salamat sa pagpunta" sabi ko. Tumango at ngumiti si Dana ganun din yung ginawa ng dalawa. Nung napunta kay Cassian ang paningin ko ay tahimik lang siyang nakatayo sa gilid. Ni hindi ko man lang napansin na tapos na pala siya sa katawagan niya kanina sa sobrang tahimik niya.
Nag lalakad paalis na dapat sila nung bigla kong naalala yung box na dala ko. Dali dali akong pumasok ng booth para kunin yung box at duffle bag ko.
"Cassian wait!" sigaw ko dahil medjo malayo na silang apat sa booth namin. Mabuti na lang at narinig niya ako kaya napahinto siya sa pag lalakad at kunot nuo niya akong nilingon bago siya sumenyas sa mga kaibigan niya na mauna na
Tinakbo ko ang distansya namin. Hinihingal pa ako nung nasa harapan niya na ako. Pinunasan ang pawis gamit ang likuran ng kamay ko. Tsaka ako ngumiti sakanya.
"What do you want?" Cold niyang sabi na parang naiinip na siya na kahit pa ilang minuto pa lang yung nakalipas.
"Para sayo" sabay abot ng box na may pulang ribbon sakanya.
Mabilis niyang tiningnan yung hawak ko bago kunot noo niya akong tiningnan.
"Ano yan?"
"Crinkles ako may gawa niyan." proud na sabi ko. He raised his brow and licked his lips.
"I don't eat sweets. Ibigay mo sa kaibigan mo o hindi kaya itapon mo."
"Lem—-" naudlot ang dapat ko sanang sabihin nung bigla ako tinawag ni Sage para pumunta na ng classroom namin, kaya naman walang pasabi konh kinuha ang kamay ni Cassian na nakapamulsa at sapilitang inabot yung box of crinkles "Lemon crinkles yan. Sinadya kong hindi masyadong matamis para swak sa panlasa mo." hindi siya makasagot dahil sa bilis nang pag sasalita ko "Salamat sa pag punta niyo dito." Sabi ko bago tumakbo papunta kay Sage ngunit huminto ako sa kalagitnaan para tingnan siya.
Nakatayo parin siya sa kung saan ko siya iniwan, nanatiling nasa kamay niya na may hawak na box ang tingin.
"Cassian!" pag tawag ko kaya siya napaangat ng tingin sakin. "Pinag hirapan ko yan kaya kainin mo" Ngumiting kinawayan ko siya bago tuluyang lumapit kay Sage.
Pagkatapos namin masukat ni Sage ang susuotin naming gown at suit para bukas ay tumulak na kami pareho sa auditorium kung saan gaganapin yung pageant.
Mag kakaroon kasi ng blocking at mag eensayo na rin dahil sasayaw kaming lahat para sa production number. As expected lahat ng mga kandidata dito ay magaganda at ang popogi. Hindi ko alam kung sino ang mananalo dahil deserve nilang lahat manalo. Kami lang siguro ni Sage ang first timers sa peantry. 8 pairs ang lalaban bukas.