Chapter 14: Montefiore's Eldest
*****
Raven's Pov
Maaga akong nagising kaya ginawa ko din ang morning rituals ko, dumiretso ako sa gym dito sa mansion at do'n ko binuhos lahat ng frustration na nararamdaman ko. Pag gising ko kasi ay ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Ewan ko ba, siguro dahil din sa nangyari kahapon.
Pagkatapos kong mag gym ay nag ayos na kaagad ako, alam kong hindi sila papasok ngayon except kay sir alexander, marami daw kasi siyang naiwan na kailangan na pirmahan, sinced pinalayas ni sir archer ang sekretarya nila ay wala siyang ibang taong mapagkatiwalaan sa opisina.
I wear a simple jeans that hugs my perfect tight, pinartneran ko ito ng itim na razor back na sando, with my denim jacket, nagsuot lang din ako ng white rubber shoes. Hindi ko na din inipit ang buhok ko at kinuha ko na ang susi, cellphone at wallet ko.
Pagbaba ko ay kumakain na sila ng umagahan, himala ang aga nilang magising ngayon? Dumiretso ako sa tabi ni kuya jensen, kauuwi lang nito kaninang madaling araw galing France, nagkaroon kasi sila ng undercover mission sa nasabing lugar.
Ramdam ko ang tingin nila sa'kin, I know they already have a clue sa nangyari kahapon, syempre except sa mga montefiore.
"Good morning princess" bati ni kuya jensen at hinalikan ako sa may sintido ko. I greeted him back as well to others too. I'm not that rude guys, sinabi ko na yan sa inyo di ba.
Tahimik lang kaming kumain pero ramdam kong pinapasadahan nila ako ng tingin, tsk! Tumayo na kaagad ako pagkatapos kong kumain at dumiresto sa may garahe.
Maya-maya lang din ay nakita ko ng lumabas ng mansion si sir alexander with his suit case. Dumiresto siya sa kotse kung nasaan ako nakasandal. We're going to use my car.
"Give me the key and get inside the car, I'll drive." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Say what?
"Excuse me?" Tanong ko sa kanya.
Halata sa kanyang naiinis at naiinip siya sa ginagawa ko, aba! Sino siya para utusan ako? Tsaka isa pa kotse ko 'to.
"Give it to me elizalde, patagal ka pa e." Nagulat ako sa sinabi niya, WTF! ang demanding ng hype na to!
"This is my car Alexander Montefiore, I am the only one who can and supposed to drive this, if you want you can drive at your own, bahala ka na din pag may humarang sayo." Sabi ko at sumakay na sa driver seat, langya to inutusan pa ko!
Maya-maya lang din ay pumasok siya sa loob ng sasakyan, specifically sa tabi ko, I smirked in my thoughts. Sasakay din pala ang dami pa niyang sinabi.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan papunta sa kompanya, unlike archer he's waiting for me na mai park ko ng maayos ang kotse ko bago pumasok sa loob ng kompanya. Himala? Ano nangyari dito? Eh,Second version 'to ni sir archer bakit parang bumait ata ng .01?
Pinagtitinginan kami ng ibang mga empleyado at biglang yuyuko dahil dumadaan sa harap nila si sir alexander. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang bawat mahihinang bulong nila. Anong silbi ng pagiging isa kong agent di'ba?
Ang gwapo talaga ni sir alexander noh!
Oo nga! Maganda din naman si ma'am raven, tingin mo? Pwede kaya silang magka developan?
Who knows? Tsaka ang cool kaya ni ma'am raven, kutis at muka din niya ay halatang galing din sa isang marangyang pamilya. Hindi imposible.
And so on...
Ano daw? Kaming dalawa ni sir alexander? Wag na lang, don't get me wrong he's a good looking guy that every girl drool for him, but he's not my type. Ganun naman talaga di ba? Kahit gwapo pa yan kung hindi naman siya ang tinitibok ng bato kong puso, ano pa ang silbi di'ba?
Nakarating na kami sa opisina niya at umupo kaagad siya sa swivel chair niya, palabas na din sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Ms.Elizalde, I know it's not your job to make a coffee for me but can i ask you to make me one?...please?" Si sir alexander ba talaga 'to? He even say please? Really?
Since wala naman akong choice ay dumiretso na lang ako sa pantry para magtimpla ng kape niya, he wants a black coffee with a little bit of sugar, hindi siya gumagamit ng creamer, reason? Ewan ko sa kanya.
Pagkatapos kong magtimpla ay nilapag ko na 'to sa table niya, he mumbled 'thanks' kaya naglakad na ako papunta sa pinto. Hindi ko pa man din napipihit ang doorknob ay tinawag nanaman niya ako. Anakngpitu'tputpitongputingtupa! Ano nanaman? Wag mo sabihing gagaya siya kay sir archer? Lalayasan ko talaga siya!
"Yes sir?" Inayos ko ang boses ko para hindi niya mahalata ang pagkainis ko sa kanya.
"Just stay here inside, d'yan ka na lang umupo sa couch at wag na sa labas. Tayong dalawa lang naman dito." He said that without glancing at me.
Magpo-protesta pa sana ako pero naalala kong hindi pala sila nagpapatalo pagdating sa ganung bagay, mapapagod lang ako. Lumakad ako papunta sa isang single leather couch na nandito sa opisina nila. Mag isa lang naman ako at single kaya okay na 'to, Dali tawa kayo. Alam kong hindi kayo tatawa, wala kayong pag suporta grabe kayo. -.-
I fished out my phone from my pocket at nagbasa sa w*****d, o bakit? Porket baril ang hawak ko at puro ako pakikipagbugbugan hindi na ako pwede magbasa ng w*****d? Diyan kayo nagkakamali, I love reading a stories here at w*****d, yung ibang story kasi nakaka relate ako kahit fiction lang, then ang dami ko din natututunan.
I'm in the middle of reading ng may biglang isang malaking linta na pumasok, yung bisita kahapon nila sir pero ngayon mag isa na lang siya at hindi na niya kasama si arabella. Obvious naman kahapon kay bella na ayaw niyang kasama ang babaeng 'to e.
Hindi ko na lang sila pinansin pero hindi nakakatakas sa pandinig ko ang pag uusap nila.
"Where's archer? Bakit ikaw lang nandito alexander?" Pabebe amputs!
"Hindi ako lost and found na sa'kin mo hahanapin pag hindi mo nakita." Woah! Rude sir alexander, rude!
"I'm just asking alex, where's archer?" Naiinis na tanong nito, the hell! What a brat!
Narinig kong padabog na nilapag ni sir alexander ang hawak niyang ballpen that cause for a loud noise on his table. Nabasag kaya? Naku! Wag niya ako pagliligpitin iiwan ko talaga siya mag isa dito.
"Why don't you ask him? Text him or call him, it's impossible that you don't have his number, what you want is what you get right? Tsaka pwede ba tigilan mo na ang pinsan ko, bakit ka pa kasi bumalik?" Naiinis pero pang asar niyang sabi dito kay irene. So sarcastic. Hindi ko mapigilang matawa ng mahina dahil dito.
Naramdaman kong napatingin silang dalawa sa'kin, but i didn't even give them a glance. Bahala sila dyan!
"And who are you? Why are you eavesdropping? Can't you see we're talking? Out!" I remain silent while looking at my phone. Pero sa totoo lang nawala na ang focus ko sa pagbabasa.
"I SAID GET OUT B*TCH!" Sabi niya, who is she para paalisin ako? Hindi niya ako sinuswelduhan para utusan, she's not one of my boss.
Nakatingin lang sa amin si sir alexander i must say dahil ramdam ko pa din ang tingin niya sa'kin, wala ba siyang sasabihin? I look at him and i saw him shake his head na wag akong lalabas, I shrugged my shoulders.
"Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi ng english? Sabi ko di ba umalis ka dito?! Out! Labas!" Masyadong maingay 'tong babaeng 'to. Nawala konsentrasyon ko dahil sa kanya.
Tinignan ko siya ng malamig at sumandal sa upuan ko. I look straight to her eyes, I saw how she step back a little from the back. I smirked ganyan nga matakot ka.
"Oh you're still here?" I fake a shock face na nakapagpataka sa kanya.
"I thought you already left? You said b*tch right--?" Tumingin ako sa paligid, bwiset ka ha! "You're the only one who is the b*tch here, why are you still here?" Sabi ko at ngumisi.
Nakita kong galit sa buong muka niya, nakita kong naglabas siya ng isang swiss knife sa pouch niya, how did she get a thing like that? Tuloy-tuloy siya sa paglapit sa'kin. Sasaksakin niya ako? Talaga ba?
"F*ck! Irene stop it!" Sigaw ni alexander pero parang walang narinig 'tong babaeng 'to.
Mabilis siyang nakalapit sa'kin at isasaksak na sana niya ang hawak niyang patalim sa'kin ng sipain ko siya sa sikmura niya at mabilis na tumayo.
I twist her arm where the knife is at kinulong ko siya sa mga braso ko while the knife is pointing at her neck, ako pa talaga ha?
I can feel her body's shaking at ang lamig ng balat niya.
"Next time that you're going to point me your knife make sure that you can kill me instantly, because if this ever happen again? I swear i will stab you to death until there's no more blood running all over your body. Get it?" Malamig kong sabi sa kanya. She nod kaya tinulak ko na siya at mabilis na tumakbo palabas ng opisina.
Napatingin ako kay sir alexander at nakita kong gulat pa din siya sa nakita niya. Kutsilyo lang yun, sila nga bala pa nakakasalamuha e. O dahil kaibigan nila yung tinutukan ko?
"Look sir alexander , I'm sorry about that. I just need to defend myself from her knife" walang emosyong sabi ko dito.
Umaasa akong sisigawan niya ako at magagalit siya sa'kin dahil sa ginawa ko. Pero isang malaking ngiti ang natanggap ko na ngayon niya lang ginawa sa isang buwang mahigit na naming pagsasama. At magsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ako na gwapuhan sa kanya.
"You amaze me because of that Ms.Elizalde" he said while smiling. Na compliment pa ko. Sigurado ba talagang okay lang 'tong boss ko?