Chapter 2

2055 Words
AFTER Andrea's encounter with Mr. Brixton Alessandro Sanford, the new investor of their company, she felt like she wants to see him again and talk to him despite with his attitude towards her. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. He's arrogant and very full of himself but why she felt like—she felt like she wanted to know him more. Kahit napaka-arogante nito, may bahagi pa rin ng puso niya na gusto niya itong makasama. Damn! Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya para sa lalaking iyon? s**t! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon! This is absurd! "Okay lang po ba kayo, Dra. Del Rio?" Napakurap siya at nilingon niya ang katabi na si Dra. Venice. Pero ininguso lang nito ang mga kasamahan nilang doctor. Kaagad namang natuon ang pansin niya sa mga kasama niyang doctor sa loob ng meeting room. They had a meeting regarding the decreasing stock of medicines inside the hospital. At kailangan nila iyong masolusyunan bago pa man maubos ang mga stocks nilang gamot at mas lalong maghirap ang mga pasyente nila. Mas mahirap kasi kung sa labas pa sila bibili dahil doble ang mahal n’yon unlike kung dito lang sila sa loob bibili. Pwede rin iyon na ma-covered sa kanilang PhilHealth. "I'm sorry, what is it again?" she asked. Damn, that man! Pati isip niya ay ginugulo na rin nito. "Dr. Villa said, if we can partner the Del Rio Medical Center with the Montreal Pharmaceutical. You know, baka iyon ang dahilan kaya ni-reject ang proposal mo," sabi ni Dra. Seraspi, ang medical director ng kanilang hospital. Actually, iniisip rin niya iyan, kaya lang hindi naman gano'n kadali ang lahat. May rules ang Del Rio Medical. "Del Rio Medical Center isn't a business, Dr. Villa. Yes, itinayo ang hospital na ito noon nina lolo at lola para pagkakakitaan pero noon iyon,” she said in her usual cold tone. Isang business ang Del Rio Medical Center noon pero nagbago iyon noong may nangyari sa Mommy niya at ginawang public hospital ang Del Rio Medical Center para makatulong sa mga nangangailangan. Agad namang nag-iwas ng tingin sa kaniya si Dr. Villa. “Baka pwedeng pakiusapan mo si Dr. Alexander Del Rio, Doc, na ibalik itong hospital sa dati.” Hirit pa nito. "I agree with Dr. Villa, Dra. Del Rio. We are now on crisis, so, we need to consider it." sabi ni Dr. Alejo. Isa rin ito sa mga board of directors’ ng hospital. "As of now, I don't think I can reconsider all your suggestions." aniya kaya agad natahimik ang lahat. "Not until I talk with the C.E.O of Montreal Pharmaceutical." dugtong niya. "But the CEO’s already declined your proposals doc, right?" Dra. Delfin said, in a worried tone. "He asked a meeting with me tomorrow, so maybe I can negotiate with him." She informed. Nakita naman niyang natuwa ang ibang board maliban kina Dr. Alejo at Dra. Seraspi na mukhang hindi yata natuwa sa sinabi niya. Well, Del Rio Medical Center has one rule. And that no matter what happened, hindi pwedeng gawing business ulit ang hospital. Kung magkaroon kasi ng partners ay maging business na iyon. Pero depende iyon kung mismong si lolo Alexander ay papayag na magkaroon ng partners ang hospital. Kahit isa siya sa mga administrators nitong hospital pero ang lolo Alexander pa rin niya ang Dean ng hospital at ang may karapatang magdesisyon. At ang partners din nilang iyon ay papayag rin sa anumang gusto nilang mangyari. "Anyway, that would be all. I'll just let you know if the Montreal Pharmaceuticals will consider my proposal to them." aniya at tumayo na. Nauna na rin siyang lumabas sa meeting room dahil may rounds pa siyang gagawin sa kaniyang mga pasyente. "Mukhang tama naman po sila, Doktora." Kunot ang noong napatingin siya kay Lirah. Nakabalik na siya sa kaniyang clinic at naikuwento niya rito ang ilang mga napag-usapan nila ng mga board members ng hospital. "Bakit mo nasabi?" tanong niya. Well, puwede naman iyon kung for business talaga ang Del Rio Medical. "Kasi doktora, paano nga kung mag-demand nga ng partnership ang Montreal Pharmaceutical?" Natahimik siya at agad na nag-isip. "Hindi mo naman sila pwedeng tanggihan dahil sila lang ang may pinakamaganda ang quality at quantity pagdating sa mga gamot na binebenta nila." dugtong pa nito. "Then, we’ll cross that bridge when we get there." sabi na lang niya sa kaniyang sekretarya. May point naman kasi ito. Pero kung hindi niya mapakiusapan ang C.E.O ng Montreal Pharmaceuticals na maging supplier lang kahit walang partnership na mangyayari ay puwede naman siguro niyang pakiusapan ang lolo Alexander niya. After all he is still the Dean of this Hospital. Ito pa rin ang magdedesisyon sa lahat. Matapos ang kaniyang rounds ay maaga siyang umuwi para pag-aralan ang proposals na ipi-present niya sa Montreal Pharmaceuticals. Pagkapasok niya sa loob ng mansion ay agad siyang sinalubong nang nakabibinging katahimikan. Nang dumako ang mga mata niya sa malaking kuwadro ng kanilang family picture na nakasabit sa dingding sa may living room ay bigla ay parang may malaking bato na nakaharang sa dibdib niya. Agad nanubig ang mga mata niya nang mapatitig siya sa seryosong mukha ng kaniyang kuya Luke. She can’t help but to point out things in her head about their physical differences when they were still young. Si Andrei na ngiting-ngiti at kabaliktaran naman iyon sa seryosong mukha ni kuya Luke. Siya naman ay nakangiti rin habang nakakandong siya sa Daddy nila. How she wished they can have a family picture when they were like this. Matured at may kaniya-kaniya ng trabaho. Natigil lang siya sa pagtitig sa family picture nila nang tumunog ang phone niya. Agad naman niya iyong kinuha mula sa shoulder bag niya at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya at gano’n na lang ang pagsilay ng kaniyang ngiti nang makitang si Karenina ang tumatawag. “K, what’s up!” masigla ang boses na bungad kaagad niya sa kaibigan. Ipinagpatuloy na rin niya ang pag-akyat sa hagdanan at tumungo sa kaniyang kuwarto. “Hi to my very best friend,” masigla ring sabi nito sa kabilang linya. Naupo na muna siya sa kaniyang kama dahil nakaramdam na siya ng pangangalay ng binti. Buong araw ay nagra-rounds siya sa hospital at bihira lang siyang nakaupo. Mabuti na nga lang at wala siyang naka-schedule na operasyon ngayong buwan. “Napatawag ka?” tanong niya, habang tinatanggal niya ang kaniyang sapatos. “Wala, gusto lang kitang kumustahin. Kayo lang dalawa ni Lucas d’yan ngayon dahil nasa Europe sina tita Belle at tito Andrew.” Sagot nito sa kaniya na ikinangiti niya. “Gusto mo bang pumunta ako d’yan?” “Naku, hindi na. Okay lang kami ng kapatid ko, alam kong busy ka rin dahil sa papalapit na merging ng company.” Alam niyang busy talaga ito ngayon. “Oh, okay… but if you really want my company, just call me and I’ll be there.” sabi pa nito na ikinangisi niya at tumango-tango pa kahit hindi naman siya nito nakikita. “Okay. Siya nga pala, uuwi sina Mhie at Dhie sa susunod na linggo, and I hope Andrei will come home too,” sabi niya, nawala na rin ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Bigla ay natahimik ang kaibigan niya sa kabilang linya. “K? Are you still there?” tanong niya. Narinig naman niya itong tumikhim. “Y-Yeah, nandito pa ako. Ah… sige magpapaalam na ako may tatapusin pa ako tungkol sa merging contract ng kumpaniya.” Sabi nito at agad na nitong pinatay ang linya. Napabuntonghininga na lang siyang ibinagsak niya ang kalahating katawan pahiga sa malambot niyang kama. Alam niyang umiiwas pa rin ang kaibigan niya kay Andrei dahil gusto na nitong mag-move on sa kuya Luke niya. Magkamukhang-magkamukha sina kuya Luke at Andrei kaya kapag nakikita ni Karenina si Andrei ay lagi lang nitong maalala ang kuya niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit gano’n na lang kalalim ang pag-ibig nito kay kuya Luke, na kung tutuusin ay mga bata pa lang naman sila noon nang mag-umpisang magkagusto ito sa kapatid niya. Sinusungitan din ito ni kuya Luke at sinasabihan ng kung anu-anong masasakit na salita pero hindi man lang niya nakita noon si K na umiyak, sa halip ay mas lalo lang nitong nagustuhan si kuya. Natigil lang siya sa kaniyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto nang kaniyang kuwarto. “Pasok…” drowsily she said to whoever was knocking. Ipinaling niya ang ulo sa may pinto at inabangan kung sino ang pumasok. Nang makitang si Lucas ang pumasok ay agad siyang napangiti. “Ate, bakit ganiyan ang posisyon mo? Hindi ka ba niyan mangangalay?” nakakunot ang noong puna kaagad nito sa posisyon niya. “At hindi ka pa nagbibihis.” Dugtong pa nito. “Inaantok kasi ako bigla.” aniya at pilit hinihila ang katawan pabangon mula sa kama. “May kailangan ka ba?” tanong niya nang tuluyan na siyang makabangon. “Maligo ka muna at magbihis, Ate.” Nakangiwing sabi nito. Drew Lucas is a young version of their father. Ito ang laging nagpapaalala sa kaniya pagdating sa kalusugan niya. “Fine…” aniya at inikutan pa niya ito ng mga mata. Kumunot lang ang noo nito, pagkuwan ay naglakad ito papunta sa may couch at naupo ito roon. Mabilis lang siyang naligo dahil alam niyang magrereklamo rin ang kapatid niyang iyon kung aabot siya ng sampung minuto sa pagligo. Nakabihis na siya nang lumabas siya ng banyo. Naroon pa rin si Lucas, nakaupo habang hawak nito ang phone nito at titig na titig ito roon. “So, what do you need, hmm?” aniya. Nagulat pa ito sa biglang pagsulpot niya sa may likuran nito at bago pa man niya makita kung anong tinititigan nito sa phone nito ay naitago na nito iyon kaagad sa bulsa ng suot nitong jeans. Tumaas ang isang kilay niya at napahalukipkip. “Ate,” sambit nito nang makabawi sa pagkabigla. “Titig na titig ka sa screen ng phone mo. Sino ba ang tinititigan mo roon?” she asked, teasing him. Nakita niyang kaagad na namula ang taenga nito kaya pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Wala, ate Addie, may pinag-aaralan lang ako tungkol sa defense ng kasong ginawa ko.” Sabi nito, pero alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo dahil hindi ito makatingin ng deretso sa kaniya at nagkakamot pa ito sa batok nito na tila nahihiya. “You will be a lawyer soon, not a liar, Lucas.” Seryosong sabi niya. But he just tsked and shook his head. Hindi na rin niya ito kinulit at baka magalit at ayaw na talaga siya nitong kausapin. May pakiramdam naman kasi siyang babae ang tinititigan nito sa screen ng phone nito. Well, binata ito at hindi na minor de edad na kailangan pang pagbawalan. “I will not insist anymore. Now, tell me, what do you need?” “Nothing, Ate. Gusto lang kitang makita.” Anito at tumayo na, isinuksok nito ang dalawang kamay sa bulsa ng jeans nito at naglakad na palabas ng kuwarto niya. Nakangangang sinundan na lang niya ito ng tingin. Tsk. Hirap talaga tantiyahin ang ugali ng bunso nila. Kung si kuya Luke dati ay cold and protective, si Lucas ay mas malala pa yata. “Doc, kinansela ng CEO ng Montreal Pharmaceuticals ang meeting niyo mamaya,” bungad kaagad sa kaniya ni Lirah, kinabuksan pagkapasok niya sa kaniyang clinic. “What? Why?” “Hindi sinabi, Doc, eh. Pero ang sabi ng secretary niya pina-move raw iyong meeting niyo next Friday.” Natigilan siya. Next Friday, merging party iyon ng Impero Del Rio at L.A Group of Companies. “Anong oras, Lirah?” tanong niya. “2 o’clock in the afternoon, Doc.” Nakahinga naman siya ng maluwag. Gabi pa naman idadaos ang merging party. Hindi naman siguro umabot ng gabi ang pakikipag-usap niya sa CEO ng Pharmacy na iyon. She sighed and nodded her head at her secretary. “Sige, Lirah.” Kahit inis sa pag-move ng CEO sa meeting nila pero wala naman siyang magawa. Sila ang nangangailan kaya magpapasensya muna siya. Mas nakahinga naman siya ng maluwang nang tumawag sa kaniya si Karenina at sinabing nagbago ang araw ng merging. And it was the day before her appointment with Mr. Montreal.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD