NAG-IGTING ang bagang ng lalaking halos perpekto sa pagkakaukit. Ang magkasalubong nitong kilay ay nadedepina ng kulay itim at malalim nitong mga mata. “Are you okay?” tanong nito. Napakurap si Andrea. Naitulak niya ito at agad na inayos ang sarili. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at nanlalambot pa ang mga tuhod niya. “Y-Yeah. Thank you.” Damn, for stuttering! Hindi pinahalata ang pagkataranta ay mabilis siyang naglakad pabalik sa loob ng building. She was tense as f**k. Hindi niya alam kung sa takot niya na muntik na siyang maatrasan ng sasakyan o sa hawak ng estrangherong lalaking iyon. Pero ramdam niyang may iba pa sa takot na iyon. At alam niya kung ano iyon. She is physically attracted to that man! She vividly recalls the spark that surged through her when she collided with

