MONDAY morning, Andrea received a call from her grandfather. Sinabi nitong dumiretso siya sa Montreal Pharmaceuticals building. Ang lolo Alexander niya ang tinawagan ng kaniyang sekretarya nang hindi siya makontak ng babae upang ipaalam na tumawag si Miss Madrigal at ipinaalam na nag-set na ng meeting si Mr. Montreal. Buong araw siyang tulog kahapon nang makauwi siya ng mansion. Hindi rin niya napansin na nawalan na ng baterya ang cell phone niya kaya hindi siya makontak ng secretary niya. Napatingin siya sa suot niyang relo. It's 7:45 AM. Alas otso ang sinet na meeting ni Mr. Montreal. "I'll be there, Lo," aniya, habang nagmamadaling bumaba ng hagdanan. "Addie, slow down. Why the hurry?" Narinig niyang saway sa kaniya ng ina. Natigil siya sa may paanan ng hagdanan at nilingon ito sa

