SUNUD-SUNOD ang pagtungga ni Andrea ng alak. Tinatanaw niya ang dagat galing sa villa na kinaroroonan niya sa isang exclusive resort dito sa Coron na pag-aari ng mga Villanueva. Gamit ang private chopper ni Theon ay nakarating sila kaninang madaling araw rito. Sa kagustuhan niyang makalayo muna sa Maynila, sa mga media at sa problemang idinulot nina Dr. Villa at Dra. Seraspi ay napapayag siyang sumama muna kay Theon dito. This was also his idea. He was the one who suggested this vacation to her parents, na kaagad namang sumang-ayon sa kagustuhan din ng mga ito na makapagpahinga na muna siya. But for Theon, of course it's the other way around. He wants this vacation... for s*x. At hindi naman siya impokrita, inaamin niyang gusto rin niya ang ideyang ito. Bukod sa may pinagkasunduan sila,

