SUNUD-SUNOD ang ginawang paglunok ni Andrea. Huli nilang pagkikita ni Theon ay sobra-sobra ang inis niya rito na gusto niya itong sigawan. Ipamukha rito na hindi siya cheap na babae gaya ng ipinaramdam nito sa kaniya. Mas lalo pang naghuhuramintado ang loob niya nang umakto itong tila hindi na sila magkakakilala. That what happened to them that night was probably nothing to him. Pero nagtimpi siya dahil ayaw naman niyang ipahiya ang sarili lalo pa sa harap ng kaniyang abuelo at kapatid nito. Kaya nauna siyang umalis nang araw na iyon. Nagdahilan siya na tumawag sa kaniya ang sekretarya at marami ng pasyenteng naghihintay sa clinic niya. At nang muli niyang makausap ang abuelo ay humingi siya rito ng isang linggong palugit para maghanap ng ibang pharmacies. But guess what? She is here, e

