Galaxy's POV: Naging tulala ako nitong mga nakaraang araw at nag-iisip. Nakapag pakonsulta na rin ako sa doktor at buntis nga ako. Alam na rin nila mom ang nangyari at hindi rin naman nila ako masisisi kung bumigay ako kay Nitron agad. Si Nitron lang naman kasi ang gusto ko noong makasama habang buhay at gusto kong pakasalan balang araw. Hindi ko naman alam na ito pala ang plot twist ng buhay ko. Umupo naman ako sa veranda at tinitigan ang malawak naming palayan. Lumipat ako rito sa resthouse ng pamilya namin para makapag pahinga at malayo sa stress. Kasama ko naman dito si mom at ang iba naming mga katulong kabilang na si Yaya Bea. Hindi ko kailan man pinagsisisihan na magkakaanak na ako. Biyaya ito sa akin at masaya akong magkakaroon ako ng baby. Ngayon pa lang ay hihingi na ako ng

