Galaxy's POV: "Halika na kasi! Umoo ka na tapos aayaw ka pa ngayon. Kasama mo naman pati ako. Sisiguraduhin din namin na walang mangyayari sa 'yong masama. Kami pa ba? Bili na," yaya sa akin ni Kelly. "Gaga ka! Nakakahiya kaya saka baka ano uhm. Basta, dito na lang ako! Kaya niyo na iyan," sabi ko kay Kelly. Napakamot naman si Kelly sa ulo dahil ayaw kong lumabas ng unit ko. Isa pa, hindi pa ako nakakapagpaalam kay Kuya Lacoste at Nylon. Baka mamaya ay mag-alala sila sa akin at tiyak na mamimiss ko ang dalawang dyosa na iyon. Nakabihis na ako ng isang white maxi dress pero nagbago ang isip ko na sumama. Bigla akong nahiya at naisip ang lahat ng nagawa kong kasalanan. Wala na talaga akong mukha na maihaharap sa mga Caruso lalo na kay Nitron dahil sa kaniya ang atraso ko. Ang pinakama

