Galaxy's POV:
"Congratulations, Galaxy. Labis akong natutuwa sa recovery mo. You can now control yourself very well. I hope na you learn a lot from the past. Sana rin ay maging maganda ang future na naghihintay sa 'yo. You can go now at dumaan sa baba para sa mga gamit mo," masayang sabi ni Dra. Ledesma.
Napangiti naman ako at halos mapaiyak na sa saya. Makalipas ang ilang taon ay makakalabas na rin ako from rehab. Masaya akong may naging improvement sa akin. Gusto ko rin magbagong buhay at kalimutan ang nakaraan.
Pagkatapos kong magpaalam kay Dra. Ledesma ay bumaba na ako sa itinuro niyang kwarto. May mga nurse rito na nag-assist sa akin. Sumunod lang ako sa kanila.
Dinala nila ako sa isang kwarto at nandoon ang isang kahon. Tiningnan ko naman ang lahat at ito pa ang mga gamit ko noong una akong pumunta rito.
Kinuha ko naman ang bistida kong kulay dilaw na above the knee at sleeveless. Spaghetti strap ito at may sandals din akong kulay brown. Nandito rin ang shoulder bag kong Hermes na may lamang make-up at cellphone ko.
Matapos kong magbihis ay tumingin ako sa salamin. Medyo namayat ako rito at umitim ang ilalim ng aking mata. Nagkaroon din kasi ako ng insomnia na medyo gumagaling na rin naman.
Naglakad na ako palabas ng mental asylum at binati naman ako ng mga nurse. Nginitian ko naman sila at kinawayan. Ang iba nga lang ay takot sa akin. Hindi ko naman maiaalis sa kanila iyon. Hindi talaga maganda ang naging nakaraan ko. Kahit konti lang ang nakakaalam ay nakakalungkot pa rin. Iba talaga ang naidulot sa akin ng asylum simula nang gumaling ako.
Naglakad ako palabas ng kanto kung saan nakatayo ang asylum. Naghintay lang ako ng taxi at ilang minuto lang ay may nakuha na rin ako.
Nagpahatid naman ako sa dati kong condo. Laking tuwa ko naman nang pagmamay-ari ko pa rin ito at hindi kinuha ng mga magulang ko. Binabayaran pa rin nila ang mga expenses ko. Paniguradong si mom ang may gusto no'n.
Pagpasok ko ay ganoon pa rin katulad ng dati ang ayos nito. Napangiti naman ako. Masaya akong hindi ako kinamuhian ng pamilya ko pagkatapos ng lahat. Although, si dad lang naman ang may alam ng lahat. Wala naman siyang hindi nalalaman pagdating sa aming magkakapatid. Kadalasan nga lang ay hindi namin alam na alam na pala niya.
Kaagad akong tumalon at humiga sa kama. Nanuot naman sa ilong ko ang amoy nito. Hay, namiss ko talaga ang buhay rito sa labas.
Naligo naman ako at nagpalit ulit ng damit. Kahit sampung beses akong magpalit ng damit ay hindi ako tatamarin. Nagsawa na ako sa suot naming white hospital gown.
Halos lagpas isang oras akong naligo dahil nag-enjoy ako sa pagbababad. Napakabango rin ng shower gel at shampoo rito sa hotel. Nagbago na sila ng gamit at may sarili na itong brand ng hotel.
Paglabas ko ay kaagad naman akong nagbihis ng panibagong dress. Isang color red sun dress naman ang sinuot ko. Tinernuhan ko naman ito ng Gucci kong sandals at kaninang Hermes bag.
Tumingin ako sa salamin at naglagay ng kaunting make-up. Mas simple na ngayon ang style ko, balik sa dating Galaxy. Maganda pa rin naman. Balak ko na ngang paputulan ang aking hanggang bewang na buhok.
Bago ako umalis ay nagtingin ako sa f*******:. Marami nang nauuso ngayon lalo na pagdating sa pananamit. Uso na pala ngayon ang old-school look at ang mga sexy dress na maaliwalas sa mata. Na-eenganyo tuloy akong mamili mamaya sa labas.
Nagsave naman ako ng mga pictures para hanapin sa mall. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na rin palabas ng hotel. Nagtaxi na lamang ako dahil hindi ko na alam kung nasaan ang aking kotse.
Nang makarating ako sa mall ay maraming mga tao. Kita ko nga sa mga kabataan ang mga usong damit ngayon. Nakaramdam naman ako ng paghanga. Gusto ko rin gumaya sa pormahan nila.
Pumasok ako ng mall at naglibot. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya napagdesisyunan ko munang pumasok sa isang restaurant at kumain.
Sa Mirano ako pumasok at sinalubong naman ako ng waiter. Iginiya niya ako pa-upo sa isang bakanteng pwesto.
Tumingin ako sa menu at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko. Bakit sobrang mahal naman na yata ng mga bilihin ngayon?
Hinayaan ko na dahil may ipon pa naman ako sa aking atm dati at may black card din ako. Umorder na ako at pinili ko iyong mga pinoy dish.
Umorder ako ng sinigang na baboy, beef sisig, kare-kare, fried rice platter, halo-halo, leche flan, at iced tea. Paniguradong busog na busog ako nito pagkatapos. Sana nga lang ay maubos ko lahat dahil sobrang mahal ng mga pagkain. Sana lang din ay masarap.
Matapos kong maghintay ng halos kalahating minuto ay iyamot kong tinitigan ang waiter. Nakatitig lamang ito sa akin at nakangiti.
"Enjoy your meal," sabi nito.
Inilapag niya ang mga inorder ko sa lamesa. Nawala naman ang init ng ulo ko dahil sa mabango nitong amoy. Nakakatakam ito at nakakagutom.
Mabuti na lang at kontrol ko na ngayon ang mga emosyon at kilos ko. Baka sa sobrang tagal ng order ay nasaksak ko na itong waiter na malagkit makatingin.
Kumain na ako at sobrang sarap naman ng mga pagkain. Nangalahati ang ibang ulam kaya ipinabalot ko ito. Natutunan ko sa isang kasama ko sa asylum ang magtipid. Kapag daw nasa handaan siya dati, sikat daw si Sharon Cuneta. Balutin mo raw ako sabi niya.
Ipinabalot ko naman sa waitress na dumaan ang mga pagkain kong tira. Parang napangiwi pa ito. May problema ba?
Kinuha ko na rin ang bill at inabot ang dilaw kong credit card. Maya-maya ay bumalik naman ang waitress at mataray akong tiningnan.
"Error ang card mo, miss. Kung wala kang pambayad dapat hindi ka na lang kumain. Pormang mayaman ka lang pala nagbalot pa. Nakaw pa yata iyan," mataray na sabi nitong waitress.
"Ay, pasensya na. Subukan mo itong isa," kalmado kong sabi at inabot sa kaniya ang aking black card.
Inirapan naman nito ako bago umalis. Nakangiti lamang ako dahil magaling na akong magkontrol ng emosyon. Kapayapaan at pagpapakumbaba ang sagot.
Hinintay ko siyang bumalik at nakatungo lamang ito. Dala pa ang paper bag na may lamang pagkain na pinabalot ko siguro.
"Ma'am G-Galaxy Heat pasensya na po sa inasal k-ko kanina. Hindi ko p-po alam na kayo po pala iyan," nakatungo niyang sabi.
"Paano mo ako nakilala?" tanong ko.
"P-Pamilya niyo po ang may-ari n-nitong buong mall. P-Pasensya na po talaga," nahihiya niyang sabi.
"No problem, ano ka ba! Salamat and thank you," nakangiti kong sabi bago kinuha ang paper bag sa kaniya.
Busog na ako kaya sunod naman akong naglibot sa loob nitong mall. Napakalaki nito at puro branded ang mga stores. Kilala ko pa ang iba rito gaya ng Victoria's Secret, Gucci, at Louis Vuitton.
Pumasok ako sa Gucci at tumingin ng bagong sandals at sapatos. May nakita naman akong strap heels na napakaganda.
"Hi Ma'am, gusto niyo po iyan? 200,000 lang iyan madam limited edition pa. Less 10 percent kami ngayon," nakangiti niyang sabi.
Pinigilan ko namang mapangiwi. Mas nagmahal pala talaga ang mga bilihin ngayon. Pero katulad nga ng isang kaibigan ko noon sa asylum, hindi masamang bumili ng kung ano-ano. Spoil yourself naman daw minsan.
"Sige, get ko ito. Size 38 ang paa ko," nakangiti kong sabi.
Inassist niya ako at binigyan pa nila ako ng iced tea. Matapos kong magbayad ay nagpaalam na ako sa kanila. Nakita ko naman ang H&M kaya roon ako sunod na pumasok.
Tanda ko dating may VIP card kami rito ni Ate Stella. Tiningnan ko naman ang wallet ko at nandito pa nga ito. Sana nga lang ay valid pa.
"Excuse me," pagtawag ko sa isang saleslady at ibinigay ang card.
Nanlaki naman ang mata niya at magalang akong inassist. Sabi kong ayos lang ang natural na trato. Iginiya naman niya ako sa VIP room.
"Good afternoon po, Ma'am Galaxy Heat. May gusto po ba kayong style or specific item? May brochure po kami rito ng bagong release na mga damit," nakangiting tanong niya sa akin.
"Ay, may gusto akong style. Makikihanap ako ng ganitong style na mga damit mga tatlong iba't ibang pares. Samahan niyo na rin ng shades saka shoes if mayroon," nakangiti kong sagot.
Ipinakita ko sa kaniya ang litrato sa cellphone ko. Iphone 4 pa ang gamit ko pero ayos lamang iyon. Nakita ko ngang mayroon nang Iphone 8 kaya balak kong tumingin mamaya. Ayos lang naman siguro kay Kuya Zodiac na siya ang magbayad ng mga nagastos ko. Love naman ako no'n.
Binigyan na naman nila ako ng meryenda kaya kumain ulit ako. Nakakatuwa naman silang tumanggap ng mga VIP. Pati ang kaninang binilhan ko sa mga regular costumers.
Pagbalik ng saleslady ay may kasama siyang dalawa pang babae. Napili ko naman iyong nude pink na ternong damit.
Iyon ang sinuot ko at binayaran ko na ang iba. Ang tawag raw sa suot ko ay isang puff arm sleeves na turtle neck at super crop top sando. Nakasuot ako ng pantalon na mommy jeans. Sinuot ko na rin ang binili ko kaninang strap heels, napakaganda ko namang tingnan.
"Ma'am napakaganda niyo po. Pwede po bang magpapicture?" tanong ng saleslady.
Napangiti naman ako dahil sa kilig. Maganda raw ako? Ano ba! Hindi naman na masyado, idagdag pang medyo galing ako sa stress.
"Sige ba," pagpayag ko.
Matapos naming magpicture ay lumabas na ako sa store nila. Sumunod naman akong pumunta sa department store kung nasaan ang mga make-up.
Habang tumitingin ako ay napansin kong uso pala ngayon ang light make-up lamang hindi tulad noon. Mas gusto ko ang ganito dahil puro light colors ang best seller nila.
"Miss, can I get that? I want that color but it is the last one," nakangusong sabi ng isang bata sa gilid ko.
Tinitigan ko ang bata at napakaganda niya. Parang may kahawig siyang dati ko nang nakita.
"Sure, you can have it. I can also treat you," alok ko sa batang babae.
She giggled kaya natuwa naman ako. Ang cute niyang bata. Sinamahan niya pa ako sa counter para magbayad.
Tig-isa kami ng bag dahil may iba pa akong binili. Hinayan ko naman siyang pumili ng gusto niya. Natuwa kasi ako sa kacute-an niya.
"Nasaan pala ang parents mo?" tanong ko.
"Hala, oo nga po pala. Nakalayo po kasi ako sa kanila. I can't find them but these make-ups attracted me," nakanguso niyang sabi.
Natawa naman ako at ginulo ang kaniyang buhok. Mukhang nasa kinder pa lamang ito o grade 1 pero tuwid na siyang magsalita at may accent pa. Kulay berde rin ang pares ng kaniyang mata.
"Ano nga pala munang name mo-"
"Chantal! Oh my God, anak! Kung saan-saan kita hinanap!" sigaw ng isang pamilyar na babae.
Agad niyang dinaluhan itong si Chantal pala ang pangalan. Napatingin sa gawi ko ang babae at kilala ko naman ang dalawang lalaking nasa likod niya. Kaya pala mga pamilyar sila.
"G-Galaxy?" tanong niya.
"Kelly? Ikaw na ba iyan? Asensado na ah!" masaya kong bati sa kanila.
Binati ko rin si Neon na nobyo niya pa noong highschool at mukhang ito rin ang nakatuluyan niya. Napako naman ang tingin ko kay Nitron.
"Hi Doc Nitron, nice to see you again. Last week pa noong huli kitang nakita sa asylum," bati ko sa kaniya at kumaway.
Laglag naman ang panga ni Kelly at Neon. Bakit parang gulat na gulat yata sila?