Chapter 2 (Lagablab)

1376 Words
“IHAHATID na kita Meseeyah.” aniya sa akin ni Roman. Namumula ako ng husto lalo na at nakalubid sa aking baywang ang kanyang kamay. Ang paaralan ay malayo pa. Kailangan pang’ sumakay ng maliit na balsa upang makatungo doon. Nakagisnan na namin ang ganitong pamumuhay lalo na at malayo talaga sa kabihasnan ang aming lugar. May mga kasabayan akong kasing edad ko na mailap rin sakin. May mga bata rin nga minsan. Mula sa aming bahay dumaan ako kanina sa masukal na gubat patungo dito. Mabuti nalang hindi ako hinabol ng baboy ramo tulad noong kailan. Masamang panaginip ko talaga iyang baboy ramo dito sa isla. Maraming mababangis! Si Roman ay nakilala ko ng ako ay naatasan na mamigay ng kwintas na bulaklak para sa mga dayuhan. Nakita kong bumaba mula sa isang yacht sa daungan ng mga turista si Roman. Ako ang nagsabit ng bulaklak na kwintas sa kanyang leeg. Sobrang guwapo niya. Ang nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya tulad ng iba. Nung una, medyo suplado siya ngunit kalaunan ay naging mabait. Ilang beses na niya akong nasupladuhan noon. Ngunit, araw araw rin kaming nagkikita dahil sa summer ng araw na iyon kaya may raket ako sa isa sa mga Resort dito. Ang alam ko ay mayroong anim na resorts ang Isla Plaez. Siksikan ang mga dayuhan sa mga araw ng bakasyon dahil nga sa magandang record ng isla na ito. Maswerte raw sa pag ibig ang pupunta dito. Inayos ko ang aking palda na nayukot dahil sa aking pagkakadapa. Namulsa si Roman at tinitigan akong mabuti. “Huwag na. Malapit lang rin naman ang paaralan. Isang sakay lang ng balsa.” nakangiti kong' turan. Tumango siya at tinitigan ang balsa sa hindi na kalayuan. Mukhang late na talaga ako nito. "Sige. Mag iingat ka." Si Roman ay 27 anyos na. Narinig ko iyon sa usap usapan ng mga dalagang tulad ko sa isla dito. Iba nga talaga kapag may guwapong salta kasi pag uusapan. "S-Salamat." ngumiti ako at tumalikod na. Hindi matagal ang paglayag sa balsa upang makaabot sa Unibersidad. Isang publikong Unibersidad na pinag aaralan ko. Kulay pula ang palda na hanggang tuhod. Ang iba nga nakatsinelas lang at sandals. Ganon ka simple dito. Hawak ko ang aking bag na luma ng makasalubong ko si sir Gregorio. "Magandang umaga sir!" bati ko. Inakbayan agad ng Ginoo papasok sa eskwelahan. "Hmp! Ang ganda mo talaga. Alam mo nilalakad kita sa anak ko." ani ni sir Greg na ikinatawa ko. Si sir Gregorio ang aming adviser. Isa siyang bading ngunit ako lang ang nakakaalam. Marami na rin akong naririnig na baka raw may relasyon kami pero binalewala ko nalang. "Naku sir! Wala papo iyan sa plano ko. Si lola po talaga ang priority ko po." Kinurot ako nito ng bahagya. Papaliko na kami sa teacher's office kung saan ko siya araw araw na hinahatid. Binigay ko sa kanya ang mga modules. "Sige, mag aral kang mabuti para sa future niyo ng anak ko." biro nito ng pabulong. "Ikaw talaga sir!" Sa araw na iyon panibagong usap usapan na naman ang narinig ko tungkol sa amin ni sir Gregorio. Hindi ko nalang pinansin. Minsan, nakakagulat nalang na may ganon na pala kasi para sa amin ni sir ay wala naman sa aming masama at magkaibigan kami. Balang araw nga ay gusto akong dalhin ni sir Greg sa Manila para ipasok niya sa isang ahensiya. Hindi ko na isasalarawan ang araw na iyon sa paaralan. Tulad pa rin ng dati mula pa pagkabata ko ay kinukutya na ako. Anak raw ng aswang. Malandi. Kinakain ko raw ang mga nilalandi ko. Ilang beses na raw akong nabuntis sa edad kong 18. Mga tao nga talaga ngayon. Hindi porke nakatira kami sa liblib na lugar at walang kasuotang maayos ay ganon nalang kaming ituring ng aming kapwa. Minsan, natatakot na akong tumawid pa paaralan dahil kadahilanang iyon. Araw araw sa paaralan ay kinakabahan ako. Hapon na at naglalabasan na ang mga studyante. Nang titigan ko ang kalangitan ay pabagsak na ang ulan. Mas lalo kong minadale ang pagtakbo upang hindi ako maabutang ng ulan sa bangka. Isa ang ulan sa mga kinatatakutan namin. Kung may ulan, bawal kaming tumawid papuntang paaralan. Bawal rin kaming sumakay pabalik sa Isla kung nasa paaralan kami dahil delikado. “Ayy!" "Hala pasensya na po!" paumanhin ko sa aking nabangga. Nanlaki pa ang mata ko dahil sa natapon ang mga libro niya sa lupa. Ambang kukunin ko iyon pero... "Huwag mong hawakan! Mangkukulam!" kinuha niya iyon ng padarag at hinampas sa aking mukha. Napaatras ako at halos mapuwing ng tumama iyon sa aking mata. "Pangit!!" sabi pa ng kasama niya. Maging ang mga lalaki ay tumawa rin. "Tingin tingin pa! Reypin kita e!" nasundan ulit iyon ng tawanan. Sinubukan kong labanan ang takot at umalis doon ng hindi maalis ang titig ng mga lalaking schoolmate ko ang malalagkit na tingin nila sa akin. Gusto kong maiyak sa nangyari. Hindi naman ito ang unang beses pero masakit sakin na sinasaktan ako ng ibang tao kahit wala akong ginawang masama sa kanila. Pumapatak na ang ulan ng lumabas ako ng skwelahan. At ganon nalang ang panlalaki ng aking mata ng iwan ako ng bangka! "Manong!! Nandito papo ako!" sigaw ko at mas lumapit pa sa daungan. "Manong!!" Ngunit kahit anong aking sigaw ay tila wala na silang narinig! "Paano na kaya ito?" napalinga linga ako at wala na talagang makitang ibang bangka. Mas naging makapal pa ang ulan kaya basang basa na ako. Napagdesisyonan kong maghanap pa at nakita ko ang isang yate. Napalinga linga ako. Ito iyong yate ng mga dayuhan sa aming Isla. Alam ko rin na sumusundo sila ng ibang babae na nag aaral dito at dinadala sa Isla. Nakalapag pa sa daungan ng aplaya. Kinagat ko ang labi at mabilis na pumasok doon sa yate. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso habang naghahanap ng matataguan! Pumasok ako sa unang palapag at nakitang may dalawang lalaking nag iinumin kaya umuklo ako at nagtago! Nagtago ako sa dalawang drum na malalaki! Nasa labasan iyon banda ng unang palapag ng yate kaya bahagya akong nababasa! Napatitig ako sa aking bag at basang basa na iyon! “Who are you?!” boses babae ang nagpatayo sakin. Matalas ang titig niya sakin at mapag akusa! "A-Ah, nakikisakay lang po-" "Magnanakaw ka no?" Umiling ako agad. "Ano iyan Micka?" "Anong nangyayari?" Agad na may mga nakarinig at isa isang lumapit. Nanlaki ang aking mata at sumiksik sa dingding. "Yang babaeng yan! Balak atang magnakaw dito!" "What?" aniya ng isa pang babae. "Will you please go out? O tatawag pa kami ng pulis?" Umiling ako. "N-Naiwan ako ng bangka papuntang Islang Plaez-" "Liar!!" "What's that Mick?" may isang lalaking bagong dating. Kakabihis lang nito ng puting damit at nangunot ang noo ko at hindi makapaniwala. "Ito kasi Moses ! Magnanakaw!" "H-Hindi. Naiwan ako ng bangka papuntang Isla Plaez. Pasensiya na kung nakisakay ako ng walang paalam-" "Yan lang? Lame excuses!-" "Mick, you're drunk. Ako nang bahala dito. Pao, dalhin sila lahat sa loob." Umiling ang mga lalaki at tinapik ang balikat ni Moses. May pagtutol sa mukha ni Micka pero wala ring nagawa. Napalunok ako ng magtama ang titig namin ni Moses. Ngumisi siya at mas lumapit pa sakin. "Is this one of your style Miss Island?" Nairita ako sa kanyang kapreskuhan. “H-Hindi no!” "Oh no." mas lalo pa siyang lumapit. "You are cold? You miss my touch don't you?" Gusto ko siyang sampalin ngunit ikinuyom ko na lang ang aking mga kamao. "Bastos ka!" Humalakhak siya bago pinasadahan ng kamay ang aking dibdib. Napapikit ako. "Gusto mo rin naman ang ginawa ko. By the way... don't worry. I'm not that bad. Iuuwi parin kita sa Isla pero...mamaya na." Napakurap kurap ako. "Hindi puwede." "Shhhh." pinutol ng hintuturo niya ang mga sasabihin ko. "Let me kiss you." Hinawakan niya ang aking panga at hinalikan sa paraan na parehong pareho sa mga una naming tagpo. Naglalagablab agad ang aking sistema. Siguro kung nasa kagubatan lang kami ulit..baka sobra na naman sa halik ang ibibigay niya sa akin. MGA alaalang bumalik sa aking isipan habang naaaninag ko na ang aming bahay kubo. Sumisikip ang aking dibdib sa reyalidad na lalaking walang ama ang aking anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD