Chapter 3
.
"What if yayain mong makipag date?" Suggest ni Ava sa akin.
"Nakakahiya, babae ako uy!" Tanggi ko sa kaniya. Papunta kami ngayon sa school, maaga pa din pumasok. Ewan ko kay dito kay Ava kinahiligan na.
"Sige mahiya ka, good bye sa car mo." Sabi ni Ava at tumawa ng pag kalakas.
Parang demonyo amp.
"I can make him fall in love, in my own way." Seryoso kong sabi sa kaniya at ngumisi.
"Ay taray!" Maarte na sabi niya. Lakas talaga ng boses nito.
Nang nasa school na kami ay nauna na si Ava sa loob dahil natatae na daw siya. Kaya naman naiwan ako at naglakad. Kakaunti pa ang mga estudyante, dahil maaga pa naman talaga.
Natuon ang pansin ko sa nagla-lakad sa harap ko, si Kaleb 'yon. Napaisip naman ako kung bakit siya nandito.
"Hey good morning," Ngiting sabi ko sa kaniya ng tuluyan na kaming mag kalapit. Napatigil siya sa pag lalakad ganoon din naman ako.
"Morning," Pabalik na bati niya sa akin. Cold naman nito.
"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya, tumingin naman siya akin.
"May hinatid lang ako, this is your school right?" Tanong niya din sa akin.
"Hindi ah! Nag aaral lang ako dito, hindi 'to sakin. Napaka yaman ko naman siguro if sakin 'to." Sabi ko sa kaniya. I don't know pero i see him smile, mabilis lang na ngumiti. Bilis nawala, pogi niya b
"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin," Sabi niya at tumawa ng bahagya. Tyaka tumingin sa relo niya. Late na siguro siya.
"Male-late ka pa, you should go to your school." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.
"Yeah, mabuti na lang talaga malapit lang Diliman." Sabi niya.
"I'm going," Dagdag pa niya.
"Sige, ingat ka! Reply ka sakin ha," Sabi ko sa kaniya at ngumiti. Nagpatuloy siya pag lalakad.
"I'll try," Sabi niya. Kumaway naman ako sa kaniya at ngumiti.
Nagpatuloy na din ako sa paglalakad at patungo nasa room ko. Wala pa naman ang professor namin. Kaya pwede pa ako gumamit ng phone. At mahigit sampung minuto din ang papunta sa UP kung hindi traffic. Nag chat lang ako sa gc naming mag-ka-kaibigan na babae.
Ang dadaldal nila, sunod sunod ang pag-vibrate ng phone ko. Sigurado naman na wala pa ang prof nila o kaya ay papunta pa lang sila sa school.
Naalala ko bigla si Kaleb, ilang minuto na din naman ang nakalipas. Baka nandoon na siya sa school nila. Kaya naman ay naisipan ko siyang i-chat sa IG. Hindi siya online, pero mababasa naman niya 'yon sigurado kung hindi matatabunan 'yon.
Gabiii: Hi, nasa school kana ninyo?
Ilang minuto ang nakalipas, hinihintay ko siya mag reply. Kahit walang kasiguraduhan. Kaya hindi ko na lang muna inalis sa convo namin. Nang mapatingin ulit ako phone, nakita ko sa screen ko na nag t-type siya.
Kaleb_prvn: Yes, im already in my classroom.
Magrereply pa sana ako kaso ay dumating na si prof kaya naman ay napatago ko na lang ang cellphone ko sa bag. Baka makuha at makita pa. Strikto pa naman 'tong professor na 'to. Nang matapos na naman ang lahat klase ko ay lumabas na ako sa room. Nagtungo na ako sa parking lot. Doon ko na lang hihintayin si Ava.
"Hey Gabriella!" Bati ni Sally na block mates ko, hindi kami close pero nag uusap kami.
"Hi," Sabi ko, she's with a guy. Hindi siya taga-Ateneo dahil iba ang uniform niya.
"Gabriella this is my cousin, Kyle," Pag papakilala ni Sally sa kasama niya.
"Hi, i'm Kyle." Pag papakilala niya at ngumiti siya sa'kin.
"Gabriella," Ngiting pag papakilala ko.
"I know you," Sabi niya sa akin. Kaya naman ay nagulat ako. Bakit naman ako magiging kilala nito?
"Ah really?" Hiyang tanong ko kay Kyle.
"In-add ka niya sa sss, you didn't accept him pa daw." Singit ni Sally. Kaya naman ay nahiya ako.
"Ahh, ganoon ba? Hindi kasi ako ngayon nag f*******: e, masyadong toxic." Sabi ko sa kaniya.
Toxic na masyado, nakaka-adwa na din ang mga nalabas sa newsfeed ko.
"Pag open ko mamaya accept ko," Dagdag ko.
"Thank you, " Sabi ni Kyle.
"You're welcome." Ngiti kong sabi.
"Una na kami Gabriella, we have a family dinner kasi e." Sabi ni Sally.
Hindi ko naman tinatanong hehe.
"Ah sige, ingat." Sabi ko.
Sumakay na sila doon sa sasakyan na katabi ko kanila pala 'yon. Di ko napansin.
"Tagal naman ni Ava," Bulong na reklamo ko. Nasa labas lang ako ng sasakyan at nakasandal doon.
Sumakay na lang ako sa sasakyan dahil naiinip na ako sa labas, ang tagal kasi ni Ava. Umupo ako doon sa driver's seat. At binuksan ko ang kabilang bintana kung saan uupo si Ava. Naglaro na lang ako sa phone ko ng sudoku. Nakakalibang 'yon at favorite ko din ang isang 'yon.
"Oh hey,"
"Ay anak ng tokwa!" Gulat ko at napatingin doon kung kaninong boses man nanggaling 'yon.
"Nakakagulat ka naman Kaleb," Sabi ko, at tumawa ng bahagya. Napatingin ako doon sa katabi niya. May kasama siyang magandang babae, sunundo niya yata. Kasing edadan ko lang 'yon sigurado.
"Ah sorry." Sabi niya, napahiya ata siya.
"Okay lang." Ani ko, sabay ngumiti sa kaniya.
"Sino siya?" Mataray na tanong ng babae na kasama niya. Nakatingin siya sa akin, im sure. Kahit medyo may pagkalayo.
"Pinsan siya ng ka-fling ni Nash." Sagot ni Kaleb sa kaniya.
"So? What's with you and her?" Mataray pa na tanong ulit noong babae. Baka girlfriend niya.
"Kakilala ko lang siya." Sabi ni Kaleb.
"Gabriella!" Tawag na sigaw ni Ava. At sumakay na sa sasakyan.
"Oh?" Tanong ko.
"May date ako later!" Napakunot naman ang noo ko.
"Ha? Sino?" Kunot na tanong ko.
"Si Nash, niyaya niya ako mag mall. Sa MOA, kakain na din daw kami." Sagot niya sa akin. At halatang kinikilig pa.
"So siya 'yong ka-fling ni Nash ngayon?" Tanong na naman noong babae. Kaya napatingin doon sa kabila si Ava.
"Probably yes," Sagot ni Kaleb sa kaniya. Hindi pa pala sila naalis.
"Ha bakit?" Tanong ni Ava.
"Nothing," Sagot ni Kaleb kay Ava.
"Natanong ko lang, cause he said kanina na you're the cousin of that girl, Gabriella i think. That's what do you call her, and you're the fling of Nash." Sagot din ng babae kay Ava.
"Let's go, i want to have a shopping." Rinig kong yaya na noong babae kay Caleb. Napakaway na lang si Ava doon at tumango si Kaleb sa akin bilang paalam siguro.
"Sino 'yong brat na babaeng 'yon?" Tanong ni Ava sa'kin. Pinaandar ko na ang sasakyan at inaabante 'yon.
"Girlfriend," Sagot ko kay Ava.
"Jowa? Ay may jowa." Sabi niya.
"I think i need to stop the deal," Sabi ko.
"Sige bye kana nga sa car mo." Sabi na naman niya.
"Excepted naman yata 'yon. May jowa e, pwede naman na sigurong iba." Sabi ko kay Ava habang nakatingin sa unahan dahil baka mabangga kami.
"Hey hell no! Bakit ako noon? When i was drunk, need kong halikan yong guy. Pero may jowa. That's why i refuse. Nakuha ang Louis Vuitton sandals ko!" Sabi niya.
"Kakakuha ko lang 'yon! Pinag ipunan ko yon ng ilang linggo ah! Daya ka!" Dagdag pa niya
Fuck! Paano pa ang kotse ko? Regalo nila mama at papa 'yon e. Hindi ko pa nagagamit tapos makukuha agad!
"Aba! f**k yata kayo, ayoko maging kabit ano?" Malakas na sabi ko kay Ava. Habang nakatingin pa din sa unahan. Rinig ko ang pagtawa niya at halatang inaasar ako.
"Wag kang madaya Gabi, LV na sandals 'yon. At 70k din ang bili ko doon!" Sabi niya.
"Kahit na ba, mas mahal naman ang kotse na ireregalo ni papa doon!" Pakikipag talo ko sa kaniya.
"Diba sabi mo you can make him fall in love in your way?" Natatawang sabi niya, binabawi ko na 'yon!
"Ava," Seryosong tawag ko sa kaniya. May naiisip ako at halatang makakatulong siya.
"Oh why? Suko na? No car na?" Pang aasar pa niya, napairap na lang ako at huminga ng malalim.
"Diba may date kayo ni Nash?" Tanong ko.
"Yes, why? Sama ka? Gusto mo pa maging third wheel ah!"
Bwisit na babae 'to.
"Hindi bobo ka! Why don't you ask him if Kaleb have a girlfriend? To be sure," Sabi ko sa kaniya.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Tanong niya.
"For your cousin, i promise i will give you a limited edition dress." Sabi ko sa kaniya.
"Limited edition na dress galing sa company niyo?" Tanong niya.
"Yes, mag lalabas sila papa ng 300 dress for all over the world." Sabi ko sa kaniya.
"Ay wow! Sige ba, pangako mo 'yan ah? Mahal sa mall e." Excited na sabi niya at napanguso na lang ako.
"Oo basta ask him okay? I will give you that dress pagka-launch," Sabi ko sa kaniya.
Pumayag siya sa gusto ko, nang makarating kami sa bahay agad siyang nagbihis. Dahil susunduin daw siya ni Nash. Kaya mag isa na lang muna ako sa bahay, ginawa ko 'yong blueprint na kailangan kong ipasa sa friday. Tinapos ko na 'yon ngayon, para wala na akong gagawin sa darating na araw. Final project na 'yon.
"Ahh! Lapit na vacation!" Tuwang sabi ko at nag-stretch ng katawan. Nilinis ko na ang coffee table, doon ako nag gawa. Pinatay ko na ang ilaw para mas maganda manood.
Mag isa sa bahay, patay ang ilaw, walang maingay at napakasarap mag netflix and chill. I take a picture of the tv, and nag caption ako doon ng,
Netflix and chill with only myself.
Nilagay ko lang 'yon sa ilalim ng photo pagkatapos ay ipinost ko na sa day ko sa IG. Nang mapost ko 'yon ay ilang saglit lang ay nag vibrate ang phone ko, nag request message si Kyle. I click it, para makita ko.
Kyle_jay: Sana all.
Napakunot naman noo ko, at in-accept message. I follow him back, baka sabihin pa na feeling fame ako at hindi nag rereply, madami siyang followers. He's good looking, kaya hindi na ako mag tataka. Nagreply lang ako sa kaniya ng haha at pinatay ko ang cellphone ko para makapag focus sa pinapanood ko.
Continuation ang pinanood ko, madaming season 'yon. Hindi ko pa matapos tapos. Nasa may binaril sa ulo ang lalaki, boyfriend siya ni Octavia sa pinapanood ko. I see her crying, it's one of the saddest in the movie. I don't know but i'm crying.
Nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko yon nakikipag video call si Ava. Kaya naman ay sinagot ko 'yon agad. Hindi ko na pinunasan ang mukha ko, dahil si Ava lang naman yon.
"Bakit?" Tanong ko at suminghot pa, Huhuhu.
["Ay bakit naiyak ka Gabriella?"] Tanong ni Ava at nilapit pa sa mukha niya ang screen siguro ay i-check ang mukha ko.
"Patay na si Lincoln huhu!" Sagot ko sa kaniya, pinanood din niya 'yon. Pareho namin pinanonood 'yon.
["Ha bakit namatay?"] Tanong niya. Pinunasan ko ng damit ko ang mukha ko.
"Binaril siya," Sagot ko sa kaniya.
"Bakit ka napatawag? Diba may date ka? Inistorbo mo ang pag iyak ko," Reklamo ko sa kaniya.
["Kasi girl im with Kaleb,"] Sabi niya at pinakita sa camera si Kaleb na kumakain ng ice cream habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ha? Diba he's with her girlfriend? Double date?" Sunod sunod na sagot ko sa kaniya.
["Ay girl! May news ako,"] Masayang sabi niya kumunot naman ang noo ko.
"Ha? Ano 'yon?" Tanong ko.
["Kaleb! Hey!"] Rinig kong tawag ni Ava kay Kaleb.
"Bakit mo tinawag hoy!" Mahinang sabi ko sa kaniya at napalaki ang mata ko.
["Kaleb, can you repeat your answer in my question earlier ago?"] Tanong ni Ava kay Kaleb kaya naman ay kita ko sa screen ang pagkunot ng noo niya.
["Ha? What's question?"] Rinig kong tanong ni Kaleb kay Ava. Kumunot pa ang noo niya.
["Yong girl earlier ago, yong sinundo mo sa Ateneo? If that girl is you girlfriend?"] Tanong ni Ava habang ang camera ay nasa mukha pa din ni Kaleb.
["No? That's my sister,"] Nanlaki ang mata ko sa sagot niya ay nakaramdam ako ng saya dahil baka manalo pa ako sa dare nila, hindi na makukuha ang car ko!
["Rinig mo naman Gabi diba?"] Tanong ni Ava, sa kaniya na nakatapat ang camera. Katabi niya yata si Nash.
"Nakakahiya ka," Sabi ko sa kaniya.
["Kaleb, gusto pa lang mag hi sayo ni Gabi."] Sabi ni Ava. Kaya mas lalong lumaki ang mata ko, dahil sa front cam 'yon.
Hindi katulad kanina na nasa back camera. Nang makita ko ang mukha niya ay nakatingin talaga siya sigurado sa screen. Kaya naman ay napaupo ako at inayos ang buhok ko, at pinakita ang buong mukha ko
"Uy! Hi Kaleb!" Sabi ko sa kaniya at ngumiti, ngumiti din siya sakin.
["Hello,"] Ani niya, at kumain ulit ng ice cream.
"Sarap ng dila mo sa ice cream ah," Puna ko at tumawa ng bahagya. Napakunot na naman ang noo niya.
Kaya naman ay nanlaki ang mata ko ng ma-realize ang sinabi ko kaya naman, pinatay ko agad ang tawag dahil sa hiya!
"Ang bobo mo Gabriella, napaka-bastos mo!" Malakas na sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko naman alam 'yon e, sasabihin ko na lang siguro sa kaniya o mag chat ako sa kaniya na hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Dahil baka sabihin niya na ang manyak manyak ko at kababae kong tao, ganoon ang ugali ko. Huhuhu.