Tatiana NANG magdesisyon kaming dalawa ni Chaos na maghiwalay para sundan niya si Markus habang ako ay sinusundan si Felicia, I take my precious time hunting her. Nagawa ko nang mapatay ang mga bodyguards na kasama niya at siya na lamang ang tumatakbo ngayon na akala mo ay isang akong tigre at isa siya usa. Sa tuwing lumilingon siya sa akin, nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko mapigilang mapangisi. Duwag naman pala. Malakas lamang ang loob ni Felicia na pahirapan ang buhay ng ibang tao dahil alam niya na makakalusot siya sa kahit anong gawin niya dahil sa pamilya niya at dahil na rin sa kung sino ang asawa niya. But I’m sorry to tell her, wala akong pakealam sa kung sino ang asawa niya o kung sino siya. What she did to my husband was enough para magtanim ako ng sama ng lo

