Chaos DUMATING ang mga puilis at dinala ang mga katawan ng mga tauhan ni Papa na naandito at maging ang katawan niya. Kailangan pa raw kasi ito sa imbestigasyon. Kinausap lamang ako ng ilang pulis bago sila umalis. “Chaos…” Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi ko man lang napansin na naandito na pala sila. I was too occupied by the fact that my father is now…gone. Pinauwi ko na sina Tatiana kanina at kahit ayaw akong iwanan ng asawa ko, sinabi ko sa kanya na kailangan niyang samahan ang triplets na umuwi. Isa sa dahilan kung bakit gusto ko na rin siyang umalis ay dahil ayoko ng ekspresyon ng mga mata niya. I don’t want her to look at me with that pitiful expression. “Anong nangyari? Nakatanggap lang kami ng balita kina Dad,” sabi ni Hades. Hindi na ako magtataka na makaabot s

