Chaos NAPAYAKAP ako sa midsection ko nang maramdaman ko ang pananakit ng tiyan ko. Hindi pa ulit ako kumakain. Wala ring magawa ang mga kasambahay at hindi ako binibigyan ng pagkain dahil utos iyon ni Mama. Sana dumating na si Papa. Kahit hindi nagagawang iparamdam sa akin ng ama ang pagmamahal na inaasam kong makuha sa kanya, hindi naman siya kasing lupit ng aking ina. Bumukas ang pinto ng silid ko. Nakaupo ako sa sulok habang yakap-yakap ang aking sarili. “Young master…” Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Daan. Tinangka kong tumayo pero nanlalambot ako dahil sa gutom. “Daan, I’m here,” pagtawag ko sa kanya. “Why aren’t you turning on the lights?” Binuksan ni Daan ang ilaw ng kuwarto ko. Para akong nasilaw roon. Kanina ko pa kasi hindi binubuksan ang ilaw. Lumapit si Daa

