Zack POV Pagpasok namin sa pintuan bumungad samin ang isang napakalawak na maze. Napangisi ako katulad nga 'to ng training ko sa 'Hidden room' pero mukhang mas mapanganib ito. ''Whoaah! Astig!'' ''Ehww! so easy!'' ''Exciting!'' ''Blood!'' Bwisit itong mga kasama ko. Ang iingay lalo na iyong limang babaeng nakapasok. Ang sarap putulan ng dila. Tinitigan ko lang sila isa-isa. May mga mukhang mahina naman na nakakapagtakang nakapasok. May sa unang tingin namang may itinatagong lakas talaga. Isa na rito ang lalaking nakasuot ng tigreng maskara. Kanina niya pa nakuha ang atensyon ko hindi ko alam pero may kakaiba sa kanya na parang hinahatak ang mga mata kong titigan siya. Sobrang misteryoso. Nanindig ang balahibo ko ng bigla siyang ngumisi at tumingin sakin. And now I know whose this gu

