Mitzu POV Nakatulala lang kami habang nakatingin kay Zack. Napakabrutal niya kung kaninang pinatay niya iyong babae grabe na ang takot na naramdaman ko. Mas double ngayon parang ayaw ko ng panoorin kung ano pang mangyayari. Para siyang sinasapian ng demonyo. Bawat ngisi niya, nakakakilabot. Dito sa Fevnery normal na ang p*****n. Pero ang pagkabrutal ni Zack ay talagang malakas ang impact sa mga nanonood. Noong una ko pa lang siyang makita at mapanood makipaglaban sa pag-welcome ng Fevnery alam ko ng hindi siya pangkaraniwan. Hindi ko alam kung anong pakay niya bakit siya pumasok dito sa Fevnery. Kung kalaban ba siya o kakampi? Hindi ko na alam pero isa lang ang sigurado ko importante siya sa amin at hindi namin kakayaning mawala siya. ''Zack really deserved the title being the Silver

