Chapter 5

324 Words
''Pare bitiwan mo nga ako!" Nakakainis na talaga ang lalaking 'to. Tiningnan niya lang ako saglit pero hindi niya pa rin ako binibitawan. ''Kung hindi ko lang alam na lalaki ka. Napagkamalan na kitang babae ang dami mong sat-sat.'' Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Masyado na ba akong halata? Pagdating namin sa, what the! Gubat na naman! Tumingin ako sa kanya na nagtatanong. ''Dito mo sila makakalaban. Pero bago 'yon kailangan mo munang hanapin ang puzzle na hinanda ni Mitzu para pagnasagutan mo iyon kahit hindi mo na siya makakalaban. Aish, I hate explaining!" inis niyang sabi at basta nalang akong tinalikuran. Tsk! Ang dami namang arte. Naglakad na lang ako papasok sa gubat. Pinindot ko ang hightech ring ko. Isa itong semi- computer. Kung saan lalabas lahat ng impormasyon na i-search. Mitzu Lei Migami Also known as the Silver Machine of Fevnery University. The heir of Migami Empire and Crystal Tech. His family is the top 6 richest in Asia. A man who love gadgets. Creating dying machines like bombs, killing bullet, poisonous dagger, and most of all extraordinary kunais and shurikens. Napangisi na lang ako saka ako tumalon sa punong nasa pinakagitna ng gubat at hinanap kung saan magandang ilagay ang mga satellite at cameras. Napangiti ako pagkakita ko. Isang maliit na remote controller airplane na paikot-ikot. Kinuha ko ang isang sanga ng puno saka ubod lakas na inihagis sa direksyon ng camera, bull's-eye. Hahaha, siguradong nagwawala na ngayon si Mitzu. Pasensyahan na lang kami. Ayaw ko pa namang may nanonood sa bawat kilos ko. Nakangiti ako habang naglalakad. Sa wakas! Malaya ko nang hanapin ang puzzle. Ngayon alam ko nang hindi na nila nakikita ang mga kilos ko. Kinuha ko ang eye glasses ko, and scanned the area at hindi nga ako nagkamali. Inilagay nila ang puzzle sa isang biyak na bato. ''Find me, I'm the strongest. Fight me, and if you beat me. You will be the King."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD