Zack/ Zarina POV
''Ang swerte naman niya. Sana ako nalang yung nabaril."
''Tsk, weak talaga ang babaeng iyan.''
''Sana sa ulo nalang siya nabaril.''
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan nila. Ang importante madala ko sa clinic ang babaeng 'to. Mabuti nalang sa balikat lang ang tama niya. Pero nakakapagtaka lang alam kong sa una palang ako na ang target nila pero bakit ang babaeng 'to ang binaril ng taong yun. Marami sila pero isa lang ang gumawa ng first move.
Ako ba ang target nila? O, gusto lang nilang guluhin ang utak ko?
Malapit na'ko nang makasalubong ko sila. Tsk, ba't ngayon ko pa sila nakita?
''Oy, sino yan?"
''Zack, nabaril iyan?'' Gustong ko ng umirap. Ang tanga lang. Ano sa tingin nila? PAINT lang 'to
''Can't you see she's bleeding?'' Napasabunot pa ako sa buhok inaantala nila ang oras ko.
''Tulungan na kita.'' Mabuti pa ang isang 'to may utak. Kanina pa nanakit ang kamay ko. Ang bigat pala ng babaeng 'to hindi lang halata.
''You can't accompany him Speed you need to be in the council.'' Laging hadlang talaga ang lalaking 'to ang sarap ipakain kay Dwighty. Speaking of him hindi ko pa pala siya nakukuha. How I miss him.
''But Dark—"
''Oo nga Terrence at saka malaki naman na siya kaya na niyang buhatin yan. LALAKI naman siya eh'' at saka siya umirap sakin mukhang bakla dapat hindi na Miguel pangalan niya kundi MiGay.
Bakit ba ang kokontrabida ng mga tao ngayon? hindi ko nalang sila pinansin. Mukhang wala namang tutulong sakin eh. At saka baka maubusan pa ng dugo ang babaeng 'to kasalanan ko pa.
''Zack, ako wala akong pupuntahan. Sasamahan nalang kita!'' napalingon ako kay Mitzu. Na may lollipop pa sa bibig. Sabay kaway sa apat na lalaking seryosong nakatingin sa kanya.
At mukhang ang ''Abnormal'' pa na 'to ang tutulong sakin. EXPECT THE UNEXPECTED nga naman.
''Okay,'' walang buhay kong sabi tamad na'kong magsalita eh.
''Ako na magbubuhat kay cutie pie.'' Todo ngiti niyang sabi. Tinignan ko naman siya ng mabuti may iniisip na naman bang kalokohan ang ''childish'' na'to.
''Hindi pa ba sapat ang ginawa ko sayo kahapon? May naiisip ka na naman bang kalokohan huh?'' I said coldly.
''Naku! Wala! At saka goodboy ako. Mukhang nahihirapan ka na kasi eh.'' Napakamot pa siya sa batok. Naalala ko na naman ang epic na nangyari kahapon.
FLASHBACK
I smile as I saw my favourite gadget my ''watching ring'' parang CCTV camera ito. It tracks everything around me. Naglalabas din ito ng tiny poisoned shuriken hindi ito pangkaraniwang bagay bata palang ako ng madiskumbre ko ito na nakaipit sa isa sa mga baby dress ko. Even papa don't know this thing. Itinago ko ito para kasing konektado ito sa buhay ko.
Parang may sinisimbolo kasi ito, ang kulay ng bato nitong singsing is yellow tapos may kaunting kulay red din at ang mas kakaiba may dalawang ahas na nakaikot sa bato kulay itim at puti. Hindi ko ito isinusuot palagi, kung may mission lang akong mahirap. Hay makaligo na nga lang.
Nagbabad muna ako para medyo lumamig ang utak at para makapa-isip narin ng mga panibagong techniques para mabilis kong matapos ang mission na'to.
''Zack!''
''What the!''
''s**t!''
''f**k! BABA—"
Before he can finished his words. Nasugatan na siya ng shuriken ko na may pampatulog. Agad siyang nawalan ng malay. s**t! Anong gagawin ko sa lalaking 'to? Tuluyan ko na kaya? Wala naman nakakita eh pero tsk.
Binuhat ko na lang siya saka tinali at binusalan baka may makarinig pa eh. Ang lakas pa naman sumigaw parang bakla. Nagbihis na lang muna ako.
Pagbalik ko hawak-hawak niya na ang ulo niya at pinipilit tanggalin ang tali niya sa kamay. Ngumisi na lang ako paglaruan ko kaya muna ito.
''Hello my dear!'' Bati ko sa kanya agad namang nanlaki ang mga mata niya pagkakita sakin.
''Ahm—"
''Oh, bakit ganyan ka makatingin?'' I smiled at him at saka tinanggal ang busal niya. Ang sama ng tingin sa akin 'eh.
''What the f**k! Pakawalan mo ako rito!'' Napatakip ako sa tenga ang lakas ng boses. Ganito pala magalit ang childish na'to parang dragon na bumubuga ng apoy hahaha.
''Why are laughing? f**k! Can you just remove all of this s**t!''
''Ano ako bobo? Bakit ko naman gagawin iyon? Edi ilalabas mo na ang sekreto ko,'' nakangising sabi ko. Kumalma naman siya at tumingin sa akin nang seryoso.
''Okay! I will keep your secret. Hindi ko 'to sasabihin sa kanila just remove this shit." Pinaningkitan ko siya ng mata. Sa tingin niya ba maniniwala ako sa kanya ng ganoon-ganoon lang.
''Alam mo, hindi kasi madaling makuha ang tiwala ko. Kailangan paghirapan mo muna.'' Saka ako ngumisi. Time to play again Zarina!
Inilabas ko ang ''Toy dagger'' ko agad namang nanlaki ang mga mata niya. Hahaha ang epic ng reaksyon niya, ito iyong ginagamit ko para madaling mapaamin ang mga nahuhuli ko pero syempre hindi ko yun gagawin sa kanya. Slight lang siguro.
''Anong gagawin mo riyan?'' Halatang natatakot na siya.
''Gagamitin ko ito sa game natin." Naging balisa naman siya at may mga namumuo na ring butil ng pawis sa mukha niya. Hahaha, easy nga lang 'tong gagawin ko kumpara sa mga ginawa ko sa mga nahuli ko.
Inikutan ko muna siya. Mabuti na lang soundproof 'tong kwarto ko. Kahit sumigaw pa siya walang makakarinig hindi ko na kasalanan iyon. Bakit kasi ganito ang structure ng SILVER HOUSE nila?
"Can you stop this Zack!'' May halo ng takot ang boses niya. Oh the childish boy is now scared pero nag-eenjoy palang ako eh.
''What the!'' Napaigtad pa siya ng putulin ko ang gapos sa kamay niya.
''Woahh! Easy lang brad hindi ko pa puputulin ang kamay mo.''
''s**t! Zack stop this please I promise I will zip my mouth.''
''Laro muna tayo nabobore ako.'' Saka ko kinuha ang kamay niya at ipinatong sa lamesa. Nagpumiglas pa siya pero wala rin dahil nakatali pa ang mga paa niya.
''Huwag kang magalaw kundi puputulin ko na talaga 'to,'' seryosong sabi ko pero deep inside parang gusto ko ng magpagulong-gulong sa sahig sa katatawa.
''Makinig ka sa instruction simple lang naman ang game. Kakanta ako ng pen pen de sarapen saka mo banggitin ang pangalan niyong lima at sabihin mo ang sikreto/ kahinaan niyo sa pagtitigilan ng dagger ko. Pero dapat mabilis kang umiwas okay?'' nakangiti kong paliwanag sa kanya dahilan para naging mas balisa pa siya.
''Ang sabi ko. Klaro ba?"
''Okay."
''At may isa pa pala akong rule.''
''Ano na naman?''
''Don't ever dare to LIE.'' Nagsimula na akong kumanta.
"Pen pen de sarapen de kutsilyo de almasen. Haw haw de karabaw, de batuten sila. DARK, TERRENCE, ZARRION, MITZU, MIQUEL!"
Natatawa na talaga ako sa reaksyon niya. Ang bagal kasi nang paggalaw ng kamay ko sa bawat daliri niya at hindi mo na ako tumigil para lalo pa siyang ma tense. At hindi lang iyon madiin ang kapit ng dagger ko kaya siguradong medyo masakit. MEDYO LANG TALAGA, PROMISE!
Pen pen de sarapen de kutsilyo de almasen
Haw haw de karabaw, de batuten sila----
Pagbanggit niya ng mga pangalan binilisan ko na
D---ARK, T---ER--RENCE, ZA---RR--ION, MIT----
''What? Gusto mo bang bilangan pa kita pag-umabot 'to sa lima lagot ka. " Napangiti ako. Talagang pawis na pawis na siya.
''HE WILL DIE WHEN HE EAT CRABS!''
And with that I burst out laughing at the floor.
''Argh! Anong tinatawa mo?'' Naiinis niyang sigaw sa akin. Naka-pout pa at iyong mga tingin niya na parang nababaliw na nga talaga ako. EPIC HAHAHAHA.
''Any problem with that?'' Tinaasan ko pa siya ng kilay. Tumayo ako at lumapit sa kanya seryoso na ang mukha ko.
''I have a question and you should answer it honestly or else goodbye with your lovely face.'' Saka ko hinaplos ang mukha niya.
''What is it?'' Halata ang kaba sa boses niya napangisi naman ako.
''Anong nakita mo kanina?'' Nag-blush naman siya at napaiwas ng tingin. Tssk, sabi ko na 'eh may nakita yata ang lalaking to. Mukhang tatangalin ko na lang ang mga mata niya.
''I saw nothing more privately I just conclude that you're a girl when I saw you wearing that breast binder." Naningkit naman ang mga mata ko.
''Are you sure? Iyon lang?''
''Yun lang promise. Do I look like a liar?'' Saka siya nagpacute. Akala niya siguro madadala niya ako sa mga style niya. Sorry for him, hindi ako katulad ng mga ibang babae diyan na konting pacute lang kikiligin agad.
''Tssk, whatever ituloy na natin ang game.''
''What the! Zack naman eh.''
''May reklamo ka ha?" Saka ko itinapat ang dagger sa mukha niya. Yung konting galaw niya lang magkakaroon na ng hiwa ang pinakamamahal niyang mukha.
''Oh easy easy sige tuloy na natin hehehe ito naman ang init ng ulo.''
''Goodboy." Nakangiti kong sabi saka ko siya pinakanta ulit binilisan ko na nabobore na kasi ako. Saka itong game na ginagawa ko malaki ang maitutulong sakin para malaman ko ang kahinaan nila.
''Oy! Hinay hinay naman," kinakabahang sabi niya pero dahil dun sinadya kong dinaplisan ang darili niya.
''Just sing!"
D---ARK, T---ER--RENCE, ZA---RR--ION, MIT---ZU, MI--GUEL
D--ARK, TER---
1
2
''CHOCOLATES!''
Naningkit naman ang mga mata ko. Niloloko na yata ako ng lalaking 'to eh. Humingi pa nga sakin ng toblerone yun.
''Are you sure? Iyan ang kahinaan niya?'' Tinitigan ko siya mata sa mata.
''Yes.'' Napangiti nalang ako at kinuha ang kamay niya. Napangiti din siya akala niya siguro papakawalan ko na siya.
''ARGH!''
''Pinakaayaw ko sa lahat ang SI-NU-NGA-LING!"
Pinatong ko ang kamay niya sa tinatawag kong ''liars electric device'' Kung saan makukuryente siya ng 15 seconds. SIMPLE LANG DIBA? Kalmado pa ako niyan. Mas malala pa ang ginagawa ko sa mga nahuhuli ko.
My 1st rule: you must not lie or else you'll suffer
Inspector ZMS rule...