Cheremia p.o.v
Pag katapos ng nakakadiring harutan ng mga bruha kong kaibigan sa canteen, balik klase na ulit kami. Ngayon pinagaaralan namin ang--
Ano nga ulit to?
Wait bakit di ko alam ang subject na to?
Putek ilang mag iisang buwan na ang klase wala man lang akong alam sa mga subject namin. Isa akong halimbawa ng mabuting estudyante.
"----at ngayon gusto kong gumawa kayo ng maikling kwento"sabi ni maam.
Ang boring kong mundo ay biglang na bulabog.
WHATTTTTT!!!
Ang ganda ganda ng sumbaba ko dito, ni hindi ko nga alam ang klase mo tapos wala akong naintindihan sa dami ng dinada mo jan sa harap tapos may maikling kwento pa.
"At gusto kong ipasa nyo saakin yan ngayon din. Bibigyan ko Mayo hanggang mamayang uwian. Ang di makapag pass, minus 15 sa quiz bukas"sabi ni maam tapos nagpaalam na sya. Saktong walang klase yung sunod sakanya kaya nag simula na ang lahat sa pag gawa ng maikling kwento.
Ako naman si walang choice gumawa na rin ng saakin.
Ano kaya ang magandang tittle?
Hmmmmmmmmm?
Ah! Alam ko na.
THE RIGHT.
Nang nakaisip na ako ng tittle sinimulan ko na ang pang makapag damdamin kong maikling kwento.
Kahit na sino sigurong makabasa nito ay maiiyak, kahit naman ayaw ko ng ginagawa ko kaylangan Kong ibigay ang best ko dito no.
Ilang minuto na ang lumipas at nag simula nang ipunin nung pressident namin ang mga gawa. Sakto lang sa oras ang gawa. Buti naman at natapos ko na agad.
Ipinasa ko na yun kasabay nung gawa nung dalawa. Siguradong walang laban ang storya ko sa gawa nung dalawa. Hahahahaha--egh egh. May pumasok na insekto sa lalamunan ko.
Patuloy lang ako sa pag ubo kaya napansin yun nung dalawa. Si aleja ang katabi ko kaya sya ang umalalay saakin.
"Huy, ayos ka lang?"tanong nya.
Tignan mo tong gagang to, nakita ng nahihirapan akong huminga at ubo ng ubo tatanungin nya pa kung ayos lang ako.
"O-oo ay-os la-ang a-ak-ko"uutal utal kong sabi feeling ko kasi may nakadigit sa lalamunan ko.
Hayop lang insekto ka lumayas ka dyan kung di titirisin kita.
"Mukang hindi eh. Wait"sabi nya sabay malakas na hinampas ang likod ko ng ilang beses. At himala nawala ang nakasabit sa lalamunan ko pati buong laman luob ko lumabas sa lakas ng hampas.
Kaya naman ng mabawi ko na ang pag hinga ko agad kong hinugot ang buhok ng alejang to.
"May galit ka ba saakin ah. Kung makapalo ka pag kalakas lakas"bulyaw ko.
"A-aray. Mia naman eh"sabi nya, bunitawan ko naman na agad ang buhok nya. Ang lagkit eh, charot.
"Tsk, ikaw na ngang tinulungan jan ikaw pa nananabunot"bulong nya habang inaayos ang buhok nya.
Tsk, ayos ayos ka pa jan wala namang mag babago, bruha ka parin.
"Are you okay?"tanong ni zin na nasa harap ko na sabay bigay ng bottle of water.
"Hmm, ok na"sagot ko sabay tanggap ng tubig. Binuksan ko yun at ininom agad. Pag kainom ko nakaramdam ako ng kaginhawaan.
"Salamat dito"sabi ko kay zin sabay pakita nung bottle water.
"Huh?"parang naguguluhan nyang tanong.
"Sabi salamat dito"ulit ko.
"Ah! You mean the bottle water? Thats not from me. Inabot ko lang sayo"tugon nya. Hayss tagal na namin mag kaibigan pero hindi parin ako masanay sa lamig ng boses nya.
"Eh kanino galing to?"tanong ko.
"From him"sabi nya sabay turo sa likod ng isang lalaki, at kahit nakatalikod kilala ko ang likod na yun.
WHATTT, GALING KAY UGLIAM?
binigyan ko si zin ng 'weh?' Look.
Pero nag kibitbalikan lang sya na parang sinasabi nya na 'bahala ka kung ayaw mong maniwala' tapos bumalik na sa upuan.
Binalik ko naman ang tingin sa likod na yun. Woah, may consideration din pala ang lalaking to. Hmmp.
Pag latapos nun ilang minuto ang lumipas at dumading na ang next teacher namin at patuloy ang descusion. Hangang sa natapos na ang klase at uwian.
****
"Motherrrrrr, im homeeeee"sigaw ko pag pasok ko sa pinto ng bahay.
"Pwede bang wag kang sumigaw"
Nagulat naman ako ng makarinig ng boses ng lalaki. Hindi yun boses ng matanda pero hindi din naman bosea ng bata.
Isa lang ang ibig sabihin nya. Isang boses ng binata.
Hinahap ko agad ang pinanggalingan ng boses dun ko nakita ang pinaka gwap--- i mean pangit na nilalalang na kita ko.
Erase nyo yung una. Mali yun.
"Yo brad"bungad nya
Maka brad to, sapakan nalang oh! Tsk.
"Yo brad"walang gana at sacastiko kong sabi. Ma feel mo pleaseee.
Tumawa naman sya sa sinabi ko, Sabay lapit saakin at akbay.
Woah, feeling close. I mean close naman kami kaso bwisit pa ako sakanya.
Sa ganda kong to tatawagin nya akong brad! Like duh! Bulag ba sya?
"Huy, bakit nakasimangot ka jan?"tanong nya.
Dahil sayo.
Gusto ko sanang sabihin yun pero dahil isa akong dakilang dyosa,at ang mga dyosa ay mababait kaya naman nginitian ko sya para wala syang masabi.
"Huh? Sinong nakasimangot?"tanong ko habang may magandang ngiti.
Tumawa lang naman sya.
Tsk, tawa ng tawa.
"Bat ba naman dito ka ha? Josh"tanong ko.
"Hmm? Ah yun ba. Nandito ako para--"bitin nya saakin.
"Para?"tanong ko.
Pabitin ang puta.
"Para, PAKASALAN KA"