Nakaupo si Lianne sa sofa habang marahang hinahaplos ang mga pasa at latay sa kaniyang katawan dahil sa ginawa ni Feliciano. Sa gilid niya ay isang maleta at isang bag ng mga inempakeng gamit at damit niya. Natutulalang tinitingnan niya ang lalaking pinagbuhatan siya ng kamay habang nakahiga ito sa lapag ng sala at mahimbing na natutulog. It's already nine P.M. and Lianne was already done in cleaning the mess he made in the kitchen. Ginamot niya na rin ang kaniyang pasa at ilang maliliit na sugat dahil sa naganap na pambubugbog sa kaniya. She actually had a cut on her lips because of his slap and she could literally feel the shortness of her breath because of her strained neck, which was choked earlier by Feliciano. Wala sa sariling napahawak si Lianne sa mahapding latay sa kaniyang bint

