Chapter 4: Sleep talking

2365 Words
Three hundred and fifty people, from media, fashion and business industry, gathered up to witness Angel's wedding day. Lianne couldn't believe that. Sino ang mag-aakala na dumating na ang araw na may isa na sa kanilang magkakaibigan ang ikakasal? They were just a bunch of high school girls, with their own dreams and visions of the future. Now, all of them were successful and finally at the age of getting married. "Are you that happy?" "Ha?" Nilingon ni Lianne si Feliciano dahil sa tanong nito. He gave her a small smile, "You're crying and smiling at the same time, sweetie." Doon lang na-realize ni Lianne na talagang tumulo na pala talaga nang tuluyan ang mga luha niya. Kaagad niyang pinunasan ang pisngi at natawa sa sarili. "You will never stop calling me sweetie huh?" she teased him, playfully rolling her eyes. "Cute naman 'yung sweetie ah? Gusto mo honeyboo na lang?" pabulong pang hirit ni Feliciano. "Honey boo?!" she mouthed in disbelief. Kinindatan lang siya ng binata habang mahinang natatawa. Nailing naman si Lianne bago ibinalik ang tingin sa altar. "Ayaw mo rin ng honeyboo?" "Mamaya ka na magkulit, Feli. Nasa simbahan pa tayo." "Hindi kaya ako makulit." Bahagyang lumapit si Feliciano kay Lianne para bumulong, "Anong tingin mo sa Vanilla sugar baby?" Lianne chuckled but have to immediately cover her mouth when Cristel and Rexjene raised their brows at her. "Ayos nga, Feli!" "So, sweetie na lang?" "Ang kulit mo," pabulong na sagot ni Lianne nang hindi pa rin 'to tumigil. "Sweetie?" "Fine. Sweetie na." Lianne crossed her arms over her chest and then playfully nudged Feliciano's side. "Huwag na makulit." "Opo." Para talagang bata, Lianne thought, a swide smile escaped her lips. "We endured so much pain before we reached this stage in our relationship, Enzo. Thank you for staying. I love you." Napuno ng masaya at masigabong palakpakan ang buong simbahan matapos ang vow na sinabi ng bride. Ramdam ang hindi matatawarang saya ng mga ikinakasal. Malawak naman ang ngiti ni Lianne habang pinagmamasdan sila Angel at Enzo. Masayang-masaya siya para sa kaibigan at hindi niya maiwasang maisip ang hinaharap para sa kaniya. Dadating din kaya ang isang lalaki na magmamahal sa kaniya nang tapat at wagas katulad ng ginawa ni Enzo para sa kabigan niya? "She's happy, Lia. No need to cry," Cristel said, giving Lianne a wink. Kaagad namang pinunasan ni Lianne ang naluluhang mga mata. She couldn't help but to feel emotional in weddings. Maybe, weddings were just like that. "Yeah. Our Angel is finally happy," Lianne whispered, remembering all those times that Angel and Enzo almost gave up with each other. Siguro nga, gano'n ang totoong pag-ibig. Kapag nararamdaman mo nang kailangan mong sumuko, lalo kang lumaban. Kung pakiramdam mo matatalo ka sa huli, lalo kang sumugal. At kung malabong magkatotoo ang mga inaasahan mong mangyayari, lalo kang maniwala. "Love is all about taking chances," Lianne added, admiring the love she could feel from the way Angel and Enzo were looking at each other. "Love is getting back stronger after being defeated." Napatingin si Lianne kay Feliciano dahil sa biglang sinabi nito. Kumunot ang noo niya sa binata na natawa sa kaniyang reaksyon. "Bakit ganiyan ka makatingin, Miss Lianne Agonia?" Nakangising ipinalibot ni Feliciano ang braso baywang ng dalaga na naguguluhan. "What? Walang mali sa sinabi ko. Don't tell me sumusuko ka na kaagad sa isang talo pa lang?" He pulled her waist closer which caught her off guard. "Feli." Pinanlakihan ng mga mata ni Lianne ang binata para alisin nito ang braso sa baywang niya. "Ang daming tao." Sinubukan niyang lumayo pero lalo lang siyang hinahapit palapit ni Feliciano. He grins at her, his hand caressed the sides of her waist. "I bet we will reach the headlines for this closeness, Sweetie. Lianne Agonia being sweet with her controversial new boyfriend," dagdag pa ni Feliciano habang pinakikiramdaman ang sunod-sunod na flash ng camera sa gawi nila ni Lianne. "You're enjoying this act so much," she pointed out, trying to remove his hand around her waist. She could feel her face heating up. "Nakikiliti ako, Feli! Hey, stop it!" "Nakikiliti ka na?" "Oo nga! Isa! Kapag hindi mo inalis 'yan—" "Sshh lovebirds!" Nanlalaki ang mga matang nabaling ang tingin ni Lianne sa katabi niyang si Cristel na siyang sumuway sa kanila. She gave her an apologetic smile. "Sana all," Cristel muttered before nudging the man sitting beside her. Sa huli, hinayaan na lang ni Lianne ang kamay ni Feliciano paikot sa baywang niya. Her cheeks were blushing but she tried her hardest to act nonchalant with their closeness. "You may now kiss the bride." Kaagad pumailanlang ang masigabong palakpakan sa buong simbahan. Muling tumulo ang mga luha ni Lianne dahil sa saya para sa kaibigan. Akmang kukunin niya ang panyo sa dalang bag nang bigla na lang siyang iniharap ni Feliciano sa kaniya. "Feli..." "Ang weird ko ba? Ayokong nakikita kang umiiyak." Saka pinunasan ni Feliciano ang mga luha ni Lianne na ikinatigil naman ng dalaga. "Ha?" "Hahalikan kita kapag umiyak ka ulit." *** Dumiretso ang mga bisita sa reception matapos ang kasal. Dumoble ang bilang ng mga tao at hindi na 'yon nakapagtataka para kay Lianne. That’s simply how a celebration in Filipino culture was, the more the merrier. Naupo si Lianne at Feliciano sa mesa kung saan nakaupo sila Jassmen, Adalene, Cristel at Rashaine. ‘Tulad ni Lianne, kasama rin ng mga kaibigan niya ang mga naging instant boyfriends ng mga ito dahil sa larong Lucky 9. Magkatabing naupo sila Lianne at Feliciano. Napapagitnaan sila ng pares nila Cristel at Adalene. Sa katapat namang mesa, naroon sila Michelle, Deme, Rexjene at Jamille kasama rin ang mga kapares nito. “Okay! Narito na ang pinakasinuwerte sa larong Lucky 9! Hindi ko pa sila nakikitang nag-away ever!" Napuno ng tawanan ang buong lamesa dahil sa sinabi ni Adalene. "Sabay-sabay nating sabihin na sana all!” "Sana all!" Alanganing ngumiti si Lianne saka napatingin kay Feliciano. Her friends were quite crazy and she's afraid that he would take their comments differently. Pero mukhang wala naman siyang poproblemahin sa binata. Nasakyan nito ang biro ng mga kaibigan niya at nakikipag-asaran pa sa kanila. Mukhang sinuwerte talaga ako sa 'yo, Lianne thought, taking in the guy she picked during the Lucky 9 game. "Prayer reveal, Lianne. Paano ako makakakilala ng Feliciano sa buhay ko?" Jassmen suddenly asked which earned louder laughs in their table. Lianne smiled, "Einie minie never fails." "Einie minie? Walang kwenta," Cristel pointed out before looking at the man she recently hated. “Ikaw ha? Kailan ka magiging kasing gentleman ni Feliciano? Diyos ko mahabagin, bakit ba ikaw ang napili ko in the first place.” Natawa naman si Lianne sa dalawa. Mula sa simbahan, hindi na natigil ang asaram at sumbatan ng mga 'to. Mukhang halos lahat ng kaibigan niya ay nahihirapang mag-adjust sa mga lalaking napili nila sa laro, judging by the way they keep on saying she's so lucky to have Feliciano. “Hindi mo naman kasi yata binibigyan ng chance para maging gentleman siya sa ’yo Cristel,” panunukso ni Lianne sa kaibigan na kaagad sinuklian nito ng pag-irap. “Ang sabihin mo, kapag nagkaroon siya ng chance mangmanyak, gagawin ng tukmol na ito!” Inambahan pa ni Cristel ng suntok ang katabing lalaki na naiiling na lang sa pagiging isip bata niya. “How about you, Ada? Parang ilang na ilang ka naman diyan kay West. Bakit? Masiyado ka bang napopogian sa kaniya?” biglang pang-aasar ni Rashaine sa biglang nanahimik na si Adalene. Kaagad namang napabaling si Lianne sa katabing kaibigan. Nagtawanan ang lahat nang bahagyang sabunutan ni Adalene si Rashaine na nasa kabilang gilid nito. Lianne was so happy to see all of her friends. Amidst of busy schedules of everyone, it's nice to know that they could still find time and see each other. Sunod na bumaling ang tingin ni Lianne sa mga lalaking naging kapares ng mga kaibigan niya. Lahat ng mga ito ay talagang mga gwapo at magaganda ang mga katawan. Para silang mga modelo na lumabas mula sa magazine. Hindi siya sigurado kung saang lupalop ng Pilipinas nakuha nila Angel at Enzo ang mga lalaking 'to para sumali sa Lucky 9. Hindi niya pa rin natatanong si Feliciano tungkol doon dahil parang awkward ang topic na 'yon. Are they really strippers or anything related to that? 'Yon ba talaga ang trabaho ni Feliciano at ng ibang lalaki na nakasama sa Lucky 9? Lianne wanted to ask Feliciano but she decided not to. It felt like she's crossing the line if she asks him. Malinaw ang sitwasyon nila ni Feliciano— laro lang ang lahat at matatapos din sa loob ng isang buwan. Sunod na bumaling si Lianne sa katapat na table kung nasaan ang iba niyang kaibigan. Napangiti siya nang makitang inis na inis na naman si Deme kay Domingo. Sila Mitch at Lee naman ay hindi matigil sa pagiging sweet. Now, Lianne was so sure that there’s a chance for those two to be back together again. “You’re being observant again, Lia. What are you thinking?” Natigilan si Lianne at kaagad hinarap ang binata na nasa tabi niya. “Don’t tell me you’re checking the other guys out? Seloso ako, Lia. Ipinapaalala ko lang,” Feliciano said with accusing voice and squinting eyes. Natawa naman si Lianne bago pinanggigilan ang mga pisngi ni Feliciano. Maybe, she's being too comfortable with him for doing such childish gestures. But there's this aura with Feliciano that Lianne felt she could be her true self in front of him. “You’re so honest, Feli. And don’t worry, I am not checking other guys out. I’m completely aware about the contract.” Binigyan niya ng matamis na ngiti ang binata na tumango-tango naman matapos ang sinabi niya. Nang bumaling muli si Lianne sa mga kaibigan, doon niya napansin ang pananahimik ng mga tao sa lamesa nila. All of them were looking at her and Feliciano. Kaagad uminit ang mga pisngi ni Lianne dahil sa mapanuksong mga tingin ng mga kaibigan niya. Naramdaman naman kaagad ni Lianne ang pag-iinit ng mga pisngi dahil sa mga mapanuksong tingin ng mga kaibigan niya sa kanilang dalawa ni Feliciano. Itinulak niya ang dibdib ni Feliciano upang mapalayo ito sa kaniya. "We're not doing anything," Lianne said. "Yeah. My sweetie is right," Feliciano said. "Feli!" “Hay! Sana all talaga!” Jassmen exclaimed. Natawa naman si Feliciano sa mga kaibigan ni Lianne at nailing siya nang makitang pulang-pula na naman ang mukha ng dalaga dahil sa panunukso ng mga kaibigan nito. While everyone was babbling how lucky Lianne was to pick the number four, Feliciano leaned closer to her. “Do you want ice cream? Kukuha kita ha?” Hinalikan muna ni Feliciano ang sentido ng dalaga bago tumayo upang kumuha nga ng ice cream. Naiwan naman si Lianne na mas inasar ng mga kaibigan niya. “Asus! Ang ating inosenteng kaibigan ay tunay na sinuwerte sa larong Lucky 9! Hindi na ako magtataka kung pagkatapos ng kontrata ay magkasama pa rin sila ni Feliciano,” Rashaine commented. “I agree. Gusto ko si Feliciano para kay Lianne!” Ada said, smiling sweetly. “Yup! Bagay si Feliciano Cadavedo para kay Lianne Agonia. Stan!” ‘Tapos ay inangat ni Jassmen ang wine glass niya na sinundan naman ng iba pang kaibigan ni Lianne. Sabay-sabay nilang sinabi ang salitang, "Stan!" "Tama na guys!" Napatakip ng mga pisngi si Lianne dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan. Hindi niya itatanggi na sinuwerte talaga siya kay Feliciano dahil nga magkasundo talaga sila. Pero nakakahiya pa rin na halos minu-minuto silang tinutukso ng mga kaibigan niya. Nakakahiya para kay Feliciano. "They're still not done teasing you?" Napalingon si Lianne sa likod niya nang maramdaman ang bahagyang hangin na dumampi sa likod ng tainga niya. "Feli..." He was standing behind her, slightly bent, his face was leaning closer to her nape. "Ang lakas mang-trip ng mga kaibigan mo." He chuckled, straightening his back. Naupo muli ang binata sa tabi ni Lianne 'tapos ay inabot ang isang baso ng ice cream na kinuha niya. "Pagpasensyahan mo na sila. Ganiyan talaga ang mga 'yan kapag bored sila sa mga buhay nila," Lianne said, getting the cup of ice cream from him. "Cookies and cream 'yung flavor ng ice cream. Gusto mo ba 'yan, Sweetie?" Lianne excitedly dig in. She stamped her feet under the table because of excitement. "Are you kidding me? This is my favorite, Feli!" Nakangiting tinanggap ni Lianne ang baso na may lamang ice cream na kinuha ni Feliciano para sa kaniya nang makabalik ito sa lamesa nila. “Woah. Now, we also have the same favorite flavor of ice cream.” Saka inumang ni Feliciano ang kutsara niya na may lamang ice cream sa bibig ni Lianne. Natigilan ang dalaga. She stared at the spoon in front of her. Napalunok siya. Para na rin silang naghalikan ni Feliciano kung isusubo niya 'yon. That was exactly an indirect kiss. And she was never been kissed by a man. She looked at him, hesitantly. He smiled. "Say ah?" Lianne giggled before taking in the spoonful of ice cream. What she did earned loud teasing remarks from her friend but her heart was too happy to be shy. Natawa lang silang dalawa sa mga pang-aasar sa kanila. Lianne found herself enjoying Feliciano's efforts to take care of her, even in front of her friends. *** The reception went well. Maraming napagk'wentuhan sila Lianne at ang mga kaibigan niya. At siyempre, masayang-masaya ang lahat para sa bagong kasal na sila Angel at Enzo. As soon as Feliciano started driving, Lianne immediately fell asleep on the passenger seat. Naubos talaga ang enerhiya niya sa walang katapusang k'wentuhan at kalokohan nila ng kaniyang mga kaibigan. Hinayaan lang naman siya ni Feliciano na makatulog habang ito ang nagmaneho pauwi sa bahay niya kung saan pansamantala ring nakatira si Feliciano dahil sa kontrata ng Lucky 9. The drive only took twenty minutes. It was a quiet drive, Feliciano taking quick side glances at sleeping Lianne throughout the drive. Sa loob niya, hindi niya mapigilang lumingon sa dalaga. She's so beautiful when at peace. Nang tumigil ang kotse, kaagad naalimpungatan si Lianne. “Nandito na tayo?” she asked, her eyes remained shut closed. Napahikab pa siya at halatang inaantok pa. Natawa naman si Feliciano saka inalis ang suot na seat belt. “Yes, sweetie.” He leaned forward to remove her seat belt. He watched her as her breathing became steady again, indicating she fell asleep. Natigilan si Feliciano. "There's that pull again," he murmured, not taking her eyes off of Lianne's sleeping face. May humihila sa kaniya na titigan ang dalaga. "Pretty." Maamo at maganda talaga ang mukha ni Lianne. Matangos ang ilong, mahaba ang mga pilikmata at manipis ang labi. Hindi alam ni Feliciano kung anong pumasok sa isip niya nang humaplos ang kaniyang kamay sa pisngi ni Lianne. Napadako ang tingin niya sa mga labi ng dalaga. The pad of his thumb caressed her bottom lip. He swallowed an invisible lump in his throat before exhaling heavily. "Get a grip, Feli," aniya sa sarili bago pinilit na lumayo sa natutulog na dalaga. Kinalma niya ang sarili at ang init na nararamdaman niya sa katawan. He gave the sleeping Lianne a sideway glance before he frustratedly run his hand through his hair. Bumuntong hininga siyang muli bago tuluyang lumabas ng kotse. Umikot siya sa passenger side at binuksan ang pintuan. He carried Lianne, bridal style. With fast beating of his heart and tensed body, Feliciano carried Lianne up to the second floor of her house, to her bedroom. He was about to lay her on the bed when she groaned. "Feli..." Yumakap ang mga braso nito sa leeg niya. Feliciano swallowed, counting his breaths. "You're killing me, Lia." Paulit-ulit niyang ipinilig ang ulo upang alisin ang mga kamunduhan na pumasok sa kaniyang isip. Kaagad na inihiga niya si Lianne sa kama 'tapos ay kinumutan. Doon lang tumigil muling naging steady ang hininga ni Feliciano. He wiped off the beads of sweat on his forehead before he looked at her. A small smile made its way to his lips when Lianne turned to her right and hugged the big pink teddy bear beside her. It's pretty obvious that she sleeps with that stuffed toy by the way she snuggled it to her chest. "What a lucky teddy," Feliciano whispered. Inayos niyang muli ang kumot ni Lianne saka naglakad na patungo sa pintuan. “Ice cream..." Feliciano shook his head because of Lianne's sleep talking habit. “You’re really a sweetie, Lia. Sleep tight.” Then, he looked one last glance at her before finally leaving her room. "Feli... Sweetie..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD