Months goes by. I am still here in Kale's condo. He never come near me. Not even took a glance to look at me. Binabaliw ako naang taong to. Sa loob nang dalawang buwan na nandito ako ay lumalabas lang ako pag may gusto akong palitan na furniture sa bahay niya. He let's me do what I want.
The condominium is now looking more homey. I filled it with flowers and colorful home decorations. It starting to feel like home. Kung hindi lang ako iniiwasan ni Kale.
" Manang how many years are you serving under Kale po?"
"Ay nako iha simula pagkabata niyan ay kilala ko na ang batang yan. Dati ay sa mansion ako ngunit nang lumipat si Sant nang bahay ay isinama niya ako. Ang batang yan ay hindi man lang naalagan nang magulang dahil maagang namatay ang mga magulang niya. Naalala ko pa noon ay nasa 4 na taong gulang pa siya nang mawala ang magulang niya. Ang lolo at lola lang niya ang nag-alaga sa kanya. Mayroon nga iyang nakakatandang kapatid ngunit hindi naman sila sabay na lumaki dahil magkaibang bahay ang tinirhan. Ang Tiyuhin na kasi na kapatid nang Daddy nila ang nag-alaga sa batang iyon. Hindi ko na nga maalala ang mukha at sa pagkakatanda ko ay Sigmund ata ang pangalan nang kuya niya......"
At kung ano-ano pang kwento ni manang about kay Kale. Kung gaano na ito kasungit kahit nung bata pa lang ito. I can't even imagine a bubbly Kale. Walang- wala sa hulog yun. Napatawa ako sa naisip nagtaka tuloy si Manang.
"Hala! Ala sais na pala iha. Kailangan ko nang magluto at mukhang natagalan nanaman iyong nobyo mo. Mukha hindi nanaman makakapag luto yun nang haponan ninyo."
Sa loob nang dalawang buwan ay hindi na din ito naglalagi sa kusina. Laging nasa opisina ito. Kahit nga sa agahan ay laptop ay kaharap nito. Sumapit ang alas otso at wala parin si Kale.
" Sofie... Nandyan paba ang Sir Sant mo?"
Tinawagan ko ang baging sekretarya neto. Si Sofie ang pumalit sakin bilang sekretarya at nag hire din si Kale nang manager para sa restau niya. Kilala ako neto nang minsan siyang nagpunta dito para magbigay nang mga files kay Sant.
"Nako ma'am maagang umalis si Sir. Mukhang nagmamadali nga iyon... Sa pagkakarinig ko din ay may kausap ito sa cellphone bago umalis. Lagi naman pong umaalis nang maaga si sir Sant...Miss Sol."
" Ahh... sige... Sofie... Salamat siguro ay paparating na iyon."
Katang taka na maaga pala itong umalis sa restau niya pero lagi naman siyang late kung umuwi. Babae. Yan lang tanging nasa isip ko ang dahilan kung bakit. Mukhang nag sawa siya sakin dhail hindi ako tuluyang nagpaangkin sa kanya. If s*x is what he wants I can give him that. O baka mas gusto niya yung may experience.
"Argg! Napaka gago mo!" Habang sinisigawan ko ang picture niya. " I really don't like it when you curse like that." Nanlaki ang mata ko dahil sa boses niya. Sobrang lapit lang niyon sakin. Agad akong umatras nang lingunin ko siya.
Isang dangkal lang ata ang ang pagitan nang mukha ko sa kanya. Damn. When did he arrive?
" Buti naman at naisipan mo pang umuwi. Manang alreadt cooked. Nakatulog na din siya kakahintay kung darating ka pa ba." he look at his wristwatch at napatingin nalang din ako sa wall clock. 12 am. Kanina pa pala ako nandito sa sofa niya.
" Why are you still awake? Are you... waiting for me?" He smirk. Ang kapal nang mukha niyang mag assume.
" Bakit naman ako maghihintay sayo? Pake ko kung ang tagal mong umuwi. Huh mabubuhay naman ako kahit hindi luto mo ang maging dinner mo. Pake ko kung ang tagal mong umuwi kahit na nag under time ka pa sa restau. Pake ko kung anong ginawa mo d----" Heck! I said too much. Napaka tanga naman nang bunganga mo Sol.
He laughed. Napataas ang kilay ko dahil dun. Why would he freaking laugh at me. "Gago ka! Bakit ka naman tumutawa jan. Nahamogan ba utak mo?" He continue laughing. He looked more handsome and hot whenever he laugh.
Ano ba yang pinag-iisip mo Sol, that's a cold hearted jerk. How can I still praise him. Sa dami na nang kasalanan niya sa akin.
" Hala na baliw na nga! Pag hindi ka pa tumigil kakatawa ay tatdyakan na kita." he is even holding his stomach while laughing. Hindi ko maintindihan kung saan sa sinabi ko ang nakakatawa.
" I'm sorry. Damn Sofie... Ano bang sabi niya sayo? That I left early. Baby I was in the company. There has been a problem for a month now since I am acting as President of Kingston Emperial Hotels. There is a f*****g mole in the company. " Nanlaki ang mata ko. I didn't know he literally own the whole building.
Ngayon ko lang napansin ang itim sa ilalim nang mata niya. He's thinner than months ago. " I'm sorry for not giving you enough attention. Babawi ako hmm. Once I found out who is getting money from the company. I hate it there but I have to. Many will lose their job if I will not solved this."
He was not a jerk afterall. Kahit na ayaw niya ay ginagawa niya para sa ikakabuti nang iba. My heart melted by that thought. How can this man cahange my opinion of him every time. This man always confuses me.
He hugged me. Hinayaan ko nalang din siya dahil kawawa naman pala siya. Then a thought came in. One sorry and my irritation faded. Kale how can you do that.
" Thank you for letting me do this Solana. I miss you babe. I know that you hate me. You have all the reason in the world to feel that way. But damn it. I can't imagine myself being away from you."
He held my arms and kissed my forehead after letting me go of that hug. " Good night baby. Dream of me sunshine."
I also miss him but he will not know that. I'm never telling him that. Despite what he told me ay may alinlangan parin ako sa rason kung bakit ganitong oras na siyang umuuwi. I am not in the position to nag so maybe I'll wait until he finally opens up to me.
-
I got super bored so I just watch news as Kale goes to work and Manang go to the groceries.
" Marques Group of Companies is under a big threat as it announced the missing heir Leon Joseph Marques. The Eldest grandson of the great Emilio Marques in Cebu. It's been two months since the missing heir is announced and publicize but police authorities does not have any lead yet. As it's heir is missing the board is still looking for the qualified next in line to take over the empire."
Damn it Kale. Ano bang ginawa mo this time? Ito ba totoong dahilan kung bakit matagal kang umuuwi?
Is Kuya Leon held captive by this man? Am I still safe here? Sh!t I have to escape but how will I do that. Sobrang kaba at takot ang nababalot sa buong pagkatao ko ngayon. I am living with a criminal is making me shiver to the bones. Philips are a walking danger for me.
"Damn it. I need to get out of here."
Isang tao lang ang may alam kong makakatulong sakin. Sigmund. I was looking for my phone when a main door suddenly opened. Iniluwa nun ang nagpupuyos sa galit na Kale. Siya pa ang may ganang magalit.
" What do you think are you doing, Sol?" ang mata ay nasa bagaheng nasa sahig. Madness is clearly visible in his face. Akma siyang lumapit pero umatras ako. It was so sudden that I can see pain linger in his eyes sa ginawa ko.
" Baby, I can explain the news. Jus please listen---"
"No, It all make sense now. Kahit naman pala nandito na ako ay may gagawin ka parin kay Kuya Leon. You knew I was a damn heiress so you captured me here too. That is why you want me living with you. You are a criminal and evil, Mr. Philips."
" Ano ang kasalanan nang pamilya ko sayo at ginaganito mo kami? How can you do this? Akala ko ay may pag-asa ka pa pero I was so damn wrong kasi masamang tao kana." Out of my fear ay nasabi ko yun. I don't even know if I meant it or not. All I could think right now is ang kaligtasan ko at nang pamilya ko.
Confusion is written all over his face. " I didn't know. I though that... Damn it. Baby, let me explain... Please Solana. "
Umiling ako kasaby nang kapulot ko sa bagahe kong nasa sahig.
"Believe me when I mean you no harm. Just believe that I can never harm you baby... Never, Sol."
Umalis ako dun na hindi nililingon si Kale. How can I trust him now?