VICTOR’S POV Ang akala ko, makakalimutan ko na ang masamang ala ala kapag nakaganti na ako kay Bikoy, o kung humingi siya ng tawad sakin … pero hindi padin pala … sabi ni kuya Rome merun akong ptsd, kaya ni research ko ang sakit na ito. Kakailanganin ko ang tulong ng pamilya ko para malabanan ang sakit na ito, pero hindi ko kayang mag open up kahit sa mismong pamilya ko. Wala akong pinagkakatiwalaan na kahit sino, nagkaganito ako noong iniwan ako sa ere ni Bikoy, gustuhin ko mang mag move on pero hindi ko kaya. Kaya simula ng bumalik ako sa korea galing pilipinas ay sinusubsob ko na ang sarili ko sa trabaho, araw araw akong pumapasok at kapag tapos na ang duty ay pumupunta naman ako sa aking restaurant, ayaw kong magpahinga dahil ayaw kong maalala ang masamang nakaraan. Kahit paano nakaka

