Kabanata 10

1038 Words
“mag-hanap ka pa ng iba. Hindi ko gusto ang mga applicant” utos ni Vincent sa nasa kabilang linya ng phone. “Po sir? Ei sir puro mga walang itsurang babae na po ang pinasa ko sa inyong resume. Bakit wala padin po kayong gusto jan? Ang akala ko ba panget na babae?” sagot ng hr manager na kausap ni Vincent. “ou lahat nga sila hindi maganda pero ang gusto ko ay yung hindi iisiping maghubad sa harap ko para akitin lang ako naiintindihan mo ba?” “diba dapat po itry muna natin sila sir?” “anong try?! Alam ko na na hindi sila qualified para maging sekretarya ko. Kaya maghanap ka pa. Kung magrereklamo ka pa, magpaalam ka na sa trabaho mo!” sabay patay ni Vincent sa cellphone. (Samantala sa kabilang linya: “ahhhh masama ba ako noong nakaraan kong buhay kaya pinaparusahan ako ng ganto! Ano ba? Pinili ko na ang mga panget na pilipina na nag apply. Bakit ayaw mo pa din Ha!. Hinayupak na Vicente ka! Hmmmmpp kung hindi lang talaga malaki sahod ko dito ei.” “Why sir? Still the problem is our boss?” tanong ng isa pang kasamahang hr employee na koreana sa kanilang department Manager. “what else!” naiirita niyang sagot. Sabay sabay nagtawanan ang iba pang kasamahan sa departamento) Nasa sala ngayon si Vincent na nakaupo kaharap ang kanyang laptop. “ehem, mukhang galit ka ah” sabi ni Bikoy ng makita nila ni Charmaine si Vincent na matapos tignan ang kung ano man sa kanyang laptop ay may tinawagan at binulyawan ang nasa kabilang linya. “ayuko talaga sa mga ayaw nalang sumunod sa mga gusto ko” sagot ni Vincent. “ayaw mo sa mga tulad mo ganun?” pamimilosopo ni Bikoy. “yes! Parang ganun na nga at syempre mas lalong ayaw ko yung mga hindi gumagamit nito.” Sabay turo niya sa sintido ng ulo niya na ibig niyang sabihin ay utak. “Ou na. Sige magluluto lang ako.” sabi ni Bikoy “ganyan ba kayo kasipag dito? Ede sana Hindi na kayo kumuha pa ng katulong, kung kayo lang gagawa ng mga gawaing bahay. Nag aaksaya lang kayo ng pasahod” ika ni Vincent dahil napapansin niyang siya lang ang madalas na nag uutos sa mga maids, kalimitan kasing yung mag asawa ang gumagawa sa bahay. “minsan lang naman at saka gustong matikman ng baby ko ang luto kong caldereta. Kaya wait mo muna baby ok” paglalambing ni Bikoy kay Charmaine. Na ikinaasiwa naman ng mukha ni Vincent. Susundan sana ni Charmaine si Victor pero sinabihan siya ni Victor na maupo nalang muna sa sala kasi mas komportable doon kaysa maghantay sa kusina. Kaya magkatapat na magkaupo ngayon si Charmaine at Vincent. “naiintindihan ko na kung bakit nagustuhan ka ng kakambal ko. Masyado ka palang masunurin. I like those like you.” Ika ni Vincent habang naka ngisi. “Ei kung agawin kaya kita sa kanya?” dagdag pa niya. Napasimangot si Charmaine, magsasalita na sana siya ng muling magsalita si Vincent. “I’m just kidding! Hindi ka ba marunong sumakay sa biro?” tapos pangiti ngiti ito “hindi,. At saka hindi ko gusto ang biro mo. Kahit pa biro yun hindi nakakatuwa. Parang gusto mong traydurin ang kapatid mo” “Traydurin? Saan mo naman nakuha yan? Parang ganto ba?” huminto sila saglit at tinawag niya si Victor. “bro! sabi ni Charmaine may nagugustuhan daw siyang iba aside sayo” Nagulat si Charmaine, napasimangot naman si Victor at pasimpleng nakangisi si Vincent. “ganun? Sino naman?” seryosong tanong ni Bikoy. “Si kuya Rome crush niya” sagot ni Vincent kasama padin ang simple niyang pag ngisi. “wag kang maniwala jan! Wala akong sinasabi! Sinungaling ka Vincent” pagtatanggol ni Charmaine sa sarili dahil totoo namang wala talaga siyang sinasabi. “Hala dinial nito. Tinanong ko siya bro kung may iba pa siyang crush sabi niya si kuya Rome daw”. Ngayon naman ay umaarte na si Vincent na akala mo totoong sinabi iyon ni Charmaine. Dedepensahan pa sana ni Charmaine ang sarili pero- “ok lang yun baby kung crush mo si kuya Rome, naiintindihan ko naman kasi gwapo talaga siya, hearthrob pa matalino at professional doctor pa pero wag nang sosobra pa don baby ha” “Pero Bikoy—” “Ou nga ok lang yun maiintindihan yun ni Bikoy kahit ako naman humahanga din kay kuya Rome diba bro” pagpuputol ni Vincent sa sasabihin ni Charmaine. “ou maging ako naman talaga humahanga kay kuya” pagsang ayon pa ni Victor. “teka yung niluluto ko wait lang” tapos binalikan na ni Victor ang kanyang niluluto. Hindi makapaniwala si Charmaine sa kasinungalingan ni Vincent kaya hindi niya napigilang batuhin ito ng throw pillow. “Uiii haha Relax” sinalag ng kamay ni Vincent ang unan na binato ni Charmaine at nakasimangot ito. “bakit mo sinabi yun ha? Bakit ka nagsinungaling?” “Bro!!!— Oh!! aray!" binato pa siya ulit ni Charmaine ng isa pang throw pillow dahil tinatawag ni Vincent ang kanyang kapatid na si Victor. “ano bang ginagawa mo? Hindi ka nakakatuwa ha!” “sabi mo kasi traydor ako diba. Ede tinesting ko. And mukha ngang totoo haha” patawa tawang saad ni Vincent. “Haha! Nakakatawa!” tapos iniwan niya si Vincent na tuwang tuwa sa ginawa sa kanya at pumunta siya kay Victor na nagluluto sa kusina. — “Baby—” magpapaliwanag pa sana si Charmaine pero nakita niyang hindi naman mukhang galit si Victor, inalalayan pa siyang umupo sa harap ng hapag. “wait nalang baby malapit na to. Inaayos ko talaga ito, sa sarap makakalimutan mo ang pangalan mo” sabay halik ni Victor sa pisnge ng misis niya. “alam ko naman yun baby na masarap ka talaga magluto kaya nga love na love kita ei” paglalambing din ni Charmaine, nawala na ang sasabihin niya dahil nagkaroon sila ng ibang pinag uusapan. Samantala, sa hallway ng kusina ay may madilim na taong nakasilip sa kanila ng masama, pinagmamasdan at nag iisip kung paanong masisira ang kanilang pagsasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD