A week ago, someone called Apollo. It was the private investigator he’d hired over a year ago to find Elara. Nang makarating sa kanya ang balitang nag-crash ang eroplanong sinasakyan ng dalaga at walang ni isang nakaligtas ay kulang na lang literal na gumuho ang mundo niya. Si Elara ang kasama niya sa loob ng sampung taon. May mga bagay silang hindi napagkakasunduan, subalit mas malaking bahagi ng kanilang pagsasama ay binubuo ng matiwasay at masayang mga alaala. Masunurin si Elara. Lahat ng kaya nitong ibigay sa kanya ay ibinibigay nito. Kaya ibinubuhos niya rin ang lahat dito. Nakaplano na ang lahat sa buhay nila, tapos ay sinira lang lahat iyon ng isang aksidente. Sa isang iglap ay nawalan ng direksiyon ang buhay niya. Kaya siya pinauwi ng Santa Catalina ng kanyang mga magulang a

