CHAPTER 71

2921 Words

Ang huling bell sa araw na iyon ay umalingawngaw sa mga pasilyo, senyales ng pagtatapos ng isa na namang klase. Kinolekta ni Ahtisa ang kanyang mga gamit, mabagal at maingat ang kanyang mga kilos habang inilalagay ang mga notebook at libro sa loob ng bag niya. Napangiti siya, gusto niyang tapikin ang kanyang balikat at sabihin sa sariling, ‘Nagawa mo. Nairaos mo ang unang araw ng klase. Okay naman, ’di ba? Kinaya mo naman.’ Tumingin siya sa bintana, ang malumanay na sinag ng huling araw ng hapon ay nagbibigay-init sa silid-aralan. Ang silid na kanina ay puno ng tunog ng usapan, tunog ng tinutuktok na ballpen sa desk, kaluskos ng mga papel, at pati na boses ng mga gurong nagtuturo sa kanila ng panibagong kaalaman—ngayon ay nakalubog na sa isang komportableng katahimikan habang ang mga huli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD