Mula sa pagkakasandal ng likod ni Apollo sa swivel chair ay nagmulat siya ng mga mata, kaya naudlot ang paglalayag ng diwa niya sa nakaraan—ang kuwento kung paano niya unang nakita si Ahtisa at kung paano niya ito inalok na maging kasintahan niya. That was the story: he was the one who sought her. Siya ang hindi nakuntento na titigan lang ito. Siya ang gumawa ng paraan upang may mabuo silang relasyon ng dalaga. It was him. He pursued her. He made the first move. Kaya nga sinabi niyang wala siyang balak na ipagtanggol ang sarili o hanapan ng katwiran ang mga naging desisyon niya noon. Because he really was an arsehole. He liked her; he desired her so strongly that he wanted her to be his. He lured her in. Totoo ang sinabi niya Kay Elara. Mas matanda siya kay Ahtisa, mas marami siyang alam,

