Hindi mapakali sa pagkakahiga sa kama si Ahtisa, papaling-paling ang ulo niya. Paiba-iba rin siya ng puwesto. Wala sa loob na umangat ang kamay niya at dumama ang kanyang daliri sa tapat ng kanyang mga labi. Mapang-angkin pero may kasamang pagdaramdam ang paraan ng pagsakop ng mga labi ni Apollo sa mga labi niya kanina. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin maalis ang init na kumapit sa bibig niya. Bakit ba ang sarap humalik ni Apollo? Kahit na mabagal, marahas, mapusok, o mapaghanap na halik—lahat ay may pinagsisibol na apoy sa loob-loob niya. Hinila niya ang sarili paupo at sumandal sa headboard. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa pader. Alas nueve ng gabi. Ang sabi sa kanya ni Doktora Domingo ay kailangan niyang matulog nang maaga, pero bakit ang ilap naman yata ng antok sa kanya ngayo

