“Apollo!” Lalong namula ang mukha ni Elara. Umigting ang panga ng binata. “Kapag may ginawa ka pa ulit laban kay Ahtisa, ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo. Leave her alone, okay? Do as I say, while I’m still asking nicely. Because I won’t be as nice next time.” Mahihimigan ang pagbabanta sa tinig nito. Napipilan ang babae, at muling nagyuko ng ulo. Kuyom na kuyom ang mga kamay nito. Kitang-kita rin ang mariing paglalapat ng mga ngipin nito sa pagpipilit na kontrolin ang emosyon. Napailing na lang si Ahtisa. Tama na ang napanood at narinig niya. “Ituloy n’yo lang ang pag-uusap n’yo, aalis na ako,” aniya, sabay talikod. Kung tatanungin siya kung nagustuhan ba niyang siya ang pinanigan ni Apollo ay sasabihin niyang oo. Nagustuhan niya iyon. Pero hindi ibig sabihin ay gumaan n

