Habang tuwid siyang naglalakad at malalaki ang hakbang na may tumpak na katiyakan ay nakasunod naman sa likod niya ang Executive Assistant. May dala itong tablet, at kipkip ang leather-bound planner nito. Kagaya pa rin ng dati ang postura nito. At sa mga nagdaang araw na hindi siya makapunta ng opisina ay si Ramona ang sumasalo sa lahat ng kailangang tapusin. Kaya isiniksik na niya sa utak na bigyan ito ng malaking increase sa sunod na remuneration. Nang marating nila ang pinaka-opisina niya ay walang imik na dumerecho lang si Apollo sa likod ng solido at malapad niyang mesa. Naupo siya sa swivel chair at binuksan ang laptop. “Go ahead,” sabi niya kay Ramona, hindi nag-abalang tapunan ito ng tingin. Ang ibig niyang sabihin ay isa-isahin na nitong banggitin ang schedule niya para sa araw

